Amelie

338 12 1
                                    

 Kain dito.

Kain doon.

Geh, PUSH KO TO ( _ _)

   "GIRL! BREAKFAST LANG BA TALAGA TOH???!" sabi ni Sunny pagkaupo na pagkaupo sa upuan.

   "Oo Sunny. Tara, kumain tayo ng marami" walang kabuhay buhay kong sagot

7:30 pa lang ng umaga. Ang pasok naman ay 8:30 .. Kagabi, sinabihan ko na si Sunny na dito na lang sa bahay mag almusal. Para naman makasama ko siya. Kasi, namiss ko talaga siya.

   "Amelie, ano bang trip mo at ang daming pagkain? I mean. Ganyan din naman kami sa bahay. Pero, duuuuh! 5 naman kasi kami sa bahay!! Eh kayo? 2 lang! Kayo lang ni Manang Lourdes. Yung parents mo, lagi namang wala" Sabi sakin ni Sunny habang kumukuha ng fried rice. "Teka, wag pala maingay noh? Baka magsungit si Manang xD" sabi niya sabay kuha naman ng hotdog ang takaw talaga. Pero ba't di siya tumataba? <//3

   "Ano ka ba, Sunny. Gusto kong kumain ng marami. Tsaka hayaan mo na, ngayon ka nalang naman pumunta uli dito. Ok lang.." sabi ko. Habang naglalagay ng maraming pagkain sa plato ko. Hayaan niyo na. Broken hearted eh.

   "Haaay. Alam ko naman ang dahilan. Pero girl, wag ka namang madalas malungkot.. Ta-taba ka eh." sabi niya sabay hawak sa braso ko.

   "Hayy. Kumain na nga tayo" Gusto kong umiwas sa bagay YUN. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin eh

   "Ayyy wait Amelie! Pinapabigay ni Mudrabells" sabay kuha ni Sunny nung mga bulaklak sa katabi niyang upuan.

   "Thank you. Paki sabi na rin kay Tita ha?" Roses. Ang bango bango naman.

   "Na-kwento ko kasi kay mama. Eh lam mo naman yun, kaya yan. Pinabigay niya." Sabi ni Sunny.

May malaking garden kasi ang mama ni Sunny. May flower shop din sila. Ang swerte nga ni Sunny eh. Kasi sobrang close sila ng mama niya.

   "Thank you talaga." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Sunny. Ngumiti naman siya

   "Hija, may tawag ka. Mommy mo." Pagtawag sakin ni Manang Lourdes mula sa Kusina.

   "Ah. Sige, wait lang Sunny ha"

   "Geh. Kain lang ako xD"

 

   "Ma?" panimula ko. Kinakabahan ako.

   "Ano yung sinabi sakin ni Manang na umiiyak ka raw kagabi??? At hindi ka kumain ng dinner?!" Sa boses ng nanay ko.. Halatang galit talaga siya,.

   "Mom.." Kahit kailan talaga si manang -_-

   "Amelie!! Anong kalokohan ba ang meron diyan at uuwi ako ngayon din!!" Galit na naman siya,

   "W-wala po yun."

   "Don't fool me, Amelie!!"

   "Please, ma. Wag ngayon. Bye po"

   "Wait----"

 

*TOOOT* *TOOOT*

Salamat sa Pag iwas, CRUSH &lt;///3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon