A Simple Dream That Can't Come True

18 5 7
                                    

Isang malamig na gabi nang nalunod sa isang malalim na pagiisip ang batang nagngangalang Andromeda.

Ang kanyang pangalan ay galing sa isang Greek goddess na mababasa sa Greek Mythology. Napagtanungan ang sarili kung bakit siya ipinanganak nang kanyang ina gayong alam naman nila ang kanyang sitwasyon kahit noong nasa sinapupunan palamang siya ng kaniyang ina.

Sa isang pagkakamali lang niyang magawa ay pwede niya iyong ikamatay? O siguro ay may kailangan muna siyang mapatunayan bago dumating iyong 'oras' na sinasabi nila?

"Ma, ano pong gusto niyo ako maging paglaki ko? kahit katiting lang ang pag-asang mangyari yun?" tanong niya sa kanyang ina na abala sa pagtatahi nang kanyang damit.

Dahil kasi sakanyang di matukoy na sakit ay sobrang payat nito na hindi mo matutukoy kung 'malnourish' lang ba ito na kinulang sa pagkain, pero hindi.

"Anak, 'wag kang magsasalita nang mga ganyang bagay! Hanggat may pag-asa gagawa ako nang paraan, tayo, para mabuhay ka!" madamdaming sabi nito. Ang luha nang kanyang ina ay naguunahan sa pagtulo, dahil sa tinding lungkot na nararamdaman kapag napapaisip siya na posible nga iyong mangyari sa anak niya.

"Opo ma, huwag ka na pong umiyak. Kailangan pag umabot na sa puntong mamamatay nako hindi po kayo iiyak. Nasasaktan po ako kapag nakikita kayong umiiyak. Sana ma, matanggap niyo po yun." Malungkot na aniya ni Andromeda sakanyang ina.

Hindi na magawang umiyak dahil kahit nasa murang edad pa lamang siya ay nagawa niyang maintindihan ang kanyang sitwasyon at nagawa pa niya iyong tanggapin.

Tanggapin ang kanyang kahahantungang kapalaran.
Dahil sa sinabi nang kanyang anak ay mas napahagulgol pa ang kanyang ina. Pinalapit niya ito at niyakap nang mahigpit.

"Ano nga ulit yung tinatanong mo sa'kin anak?" Pilit na pinipigilan ang kanyang luha na kumawala sakanyang mata.

"Kung ano po ang gusto niyo akong maging paglaki ko?"

"Ikaw ba anak, anong gusto mong maging paglaki mo? Kung ano ang gusto mo, yun ang gusto ko. Ikaw naman ang mag-aaral hindi ako. Kaya mas mabuting ikaw na ang pumili kesa piliin mo ang ayaw mo."

"Di ko po alam eh, wala naman akong pangarap na maging katulad nang mga anak nila tita na may mga magagandang pangarap na pwedeng pwede nilang maabot balang araw. Simple lang naman ang gusto kong maging ma. Hindi man kasinglawak, singganda, singtaas, pero, pwede tayong sumaya."

Dumating na ang kanyang ama galing sa trabaho. Ang kanyang ama ay nagdodoble kayod dahil hindi naman sila mapera. Ang kanyang sweldo ay sakto na para makakain ang isang pamilya nang tatlong beses.

Pero kukulangin sila sa pera kapag hindi ito nagdodoble kayod dahil sa sakit ni Andromeda. Narinig nito ang sinabi nang kanilang anak.

"Ano ba 'yung pangarap mo anak?"

"Ang mabuhay pa nang matagal, o, gumaling na ako sa sakit ko. Mabuhay kasama kayo paglaki ko. Maging ako yung gusto niyo akong maging, o sa madaling salita ang maging pangarap niyo."

Hindi nakapagsalita ang mag-asawa dahil sa sinabi nang kanilang anak.

Kung para sakanilang anak ay hindi iyon ganon kaganda, para sakanila iyon na ang pinaka magandang pangarap na narinig nila.

Hindi nila alam kung ano pangsasabihin nila dahil sa sinabi ni Andromeda.

Mga ilang minuto pa bago nakapagsalita ang ama niya.

"Iyon ba ang pangarap mo anak? Napakagandang pangarap iyon anak. Tutuparin natin 'yun, kaya huwag kang susuko anak ha? kaya natin 'to. laban lang tayo ni mama, okay?"

Isang tango at malungkot na ngiti lang ang isinagot nang kanilang anak. Napagpasiyahan nilang kumain na't para makatulog na sila dahil bawal magpuyat ang kanilang anak.

-KINABUKASAN-

Maagang nagising ang Ina ni Andromeda. Naghanda na ito nang umagahan nila, paligo para sa kaniyang nag-iisang anak, baon nang kaniyang mister.

Nang matapos na ang kaniyang kailangang gawin ay pinuntahan niya ang kwarto nang anak. Kahit delikado itong magisa sa kwarto ay pinayagan na nila dahil iyon ang gusto nang anak nila.

Kinatok niya ang pintuan bago ito pumasok.

"Andromeda, anak, gising na't tayo'y kakain na." Niyugyog niya nang mahina ang anak niya.

"Anak?" Nagtaka ito nang hindi ito nagigising. Dahil pag ginising ito nang isang beses palang, kasanayan ay nagigising ito.

Ito ang unang beses na matagal na nagising ang kaniyang anak. Kinutuban na ito kung ano ang maaaring nangyari kay Andromeda, napadasal ito nang mahina.

Niyugyog niya ito. Hindi niya ito tinigilan sa pagyugyog. Napapasigaw na rin ito at nag-uunahan na namang tumulo ang kaniyang mga luha.

Dahil sa kaniyang mga sigaw ay nagising na ang kaniyang asawa. Pinuntahan niya ang pinanggalingan ng sigaw at nagtanong kung ano ang nangyari.

Nang malaman niya ay tumawag siya nang ambulansiya. Dinaluhan nito ang asawa at pinigilan ito sa pagwawala.

Mga ilang minuto pa bago dumating ang ambulansya. Isinakay na nila ang kanilang anak rito. Sinamahan nang ina ni Andromeda ang anak sa loob.

Ang ama naman ay nagpaiwan at naghanda na nang pera para sa kung anong magagawa nang mga doktor sa hospital.

Sa gitna nang paghahanap ng pera ay may nakita itong papel na nakatupi sa lamesa nang anak. Binasa niya iyon.

"Ma, Pa, sana po tanggap niyo na na mamamatay din ako, o baka nga patay nako pagbasa niyo nito. Pasensya na kung hindi ko na kayang lumaban. Hindi ko na matutupad ang sarili kong pangarap. Huwag po kayong iiyak ah? Tanggap ko na yung kapalaran ko kaya sana kayo rin po. Pa, huwag niyo pong sasaktan si mama, huwag niyo po siyang sasaktan. Huwag mo rin po siyang hahayaang umiyak. Ma, ganun rin po dapat kayo kay papa. Ngiti lang po kayo palagi. Mahal ko po kayo, alagaan niyo po ang isa't isa. Ngumiti po kayo dahil hindi po bagay sa inyong umiyak."

Dahil sa nabasa, napaiyak ng husto ang kanyang ama. Pumunta na ito sa hostpital kahit patuloy siyang lumuluha. Pagkadating dun ay natanaw nito ang asawa na nagwawala. Pinigilan nito ang asawa sa pagbibintang sa doktor.

"Ano pong nangyari dok?"

"Dead on Arival. I'm sorry wala na tayong magagawa."

"Mga wala kayong silbi! naturingan kayong mga doktor pero wala kayong magawa!"

Niyakap niya nang mahigpit ang kaniyang asawa. Ibinigay nito ang sulat galing kay Andromeda. Nang mabasa ay umiyak ito nang umiyak habang hawak ang papel.

"Wala na siya mahal, tanggapin na natin. Hindi na niya kayang lumaban, hindi na niya matutupad ang kaniyang pangarap." umiiyak na saad nito.

TIME OF DEATH: 5:50 AM
ANDROMEDA SUEZAL
11|3|19








Edited.091720

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Simple Dream That Can't Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon