Nakatulog ulit si Kian pagkatapos ng nangyari at ito ako ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may sakit sya nakatulog ako sa may sofa sa kaiisip
"Alesha gising na" may naramdaman akonh marahang pagtapik sa aking mukha at pagmulat ko ay si Tita pala
"Pasensya na po nakatulog ako"
"Ok lang ano ka ba nagising na ba si Kian?"
"Opo, nakatulog po ulit dahil sa nangyari kanina" naiiyak nanaman ako bakit ba ang iyakin ko kaasar
"Bakit anong nangyari kanina?" Biglang nag alala si Tita
"Sinabi na po nya sakin ang totoo kailan pa po?" parang nagulat pa si Tita pero napaltan din toh ng lungkot
Umupo sa tabi ko si Tita at nagkwento
"Matagal na nyang tinatago sayo ang kanyang sakit 5 months na ang nakakalipas ng ma diagnose sya na may Leukemia sobrang hindi ko matanggap kasi bakit ung anak ko pa? Wala naman syang ginawang masama at napakabait nyang bata. Simula noon nakita ko ang pagbabago nya laging may pasa, dumudugo ang ilong at laging nilalagnat pinagamot namin sya pero imbes na gumaling lalo lang lumala. Sinabi nya sa akin na huwag ko daw sasabihin kahit kanino na may sakit sya lalo na sayo kaya kami lang ng pamilya nya ang nakaka alam, linibang nya ang sarili nya sa paglalaro sa Cp nya para hindi nya maramdaman ang sakit pagkatapos ng mga tinuturok sa kanya hanggang sa sinabi nga nya na gusto mo ng makipaghiwalay sa kanya pero hindi sya pumayag kasi alam kong mahal na mahal ka ng anak ko sabi ko sa kanya na sabihin na sayo dahil kong tatagal pa ay baka lalo ka lang masaktan at kong talagang mahal ka nya ay maiintindihan ka nya pero nagmatigas sya na huwag sabihin sayo hanggang sa dumating nga ang araw na toh na hindi na gumaling ang kanyang lagnat kaya natakot ako at pinaconfine ko sya" at umiyak ng umiyak si Tita yinakap ko sya ng mahigpit at umiyak dahil sa mga nalaman ko sobrang sama ko
"Bakit hindi nya kagad sakin sinabi na ganon na pala ang kanyang nararamdaman? Edi sana nandon ako sa tabi nya habang sya ay lumalaban" sorry Kian hindi ako naging mabuting girlfriend sayo
Nanatili kaming ganon ni Tita ng mapansin kong parang nanginginig ang kamay ni Kian
"Tita si Kian po" napahiwalay kami ni Tita ng yakap at dali daling lumapit kay Kian nanginginig sya at ng hawakan ko sya ay sobrang taas na ng lagnat nya
"Ang taas po ng lagnat nya kailangan na po natin tumawag ng Doctor" lumabas kagad si tita para tumawag ng doctor at ako naman ay hindi alam ang gagawin kaya kinapitan ko na lang ang kamay nyang nanginginig
"Kian andito lang ako Huwag mo kong iiwan hindi ko alam kong ano ang aking gagawin pag nawala ka" umiyak ako ng umiyak dumating din si Tita at may kasama syang doctor at nurse agad naman silang pumunta kay Kian at ako ay lumapit Kay Tita at don umiyak habang nakikitang nahihirapan si Kian hindi ko kayang mawala sya gusto kong may gawin ako pero wala akong magawa kundi ang umiyak lang
Sana maging ok ka na Kian
![](https://img.wattpad.com/cover/179743602-288-k394423.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Ml Player
Teen FictionAno nga ba ang mangyayari kong mapamahal ako sa isang ML Player? Mapapabayaan ba ako dahil mas gusto nya maglaro o ipaglalaban pa rin nya ako kahit anong problemang dumating Highest Ranking🏆🎉 #1 Maxinejiji #1 sadstory #1 love #56 lovestory #60 mys...