Naglalakad ako papunta sa classroom. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka naparami lang ako na nainom na kape.
Kibit balikat kong binuksan ko ang pinto saka pumasok sa classroom. Wala akong imik ng may marinig na malakas na mga sigaw.
"Happy Birthday!" Sigaw ng mga kaklase ko. Inangat ko ang tingin ko at lahat sila ay nakangiti saakin. May nakakaalam pala. Akala ko kasi yung mga famous lang ang alam nila ang birthday.
"Salamat," yumuko ako. Pumunta ako sa mesa ko ng may makitang malaking kahon na may diseniyo ng paborito kong hayop. Kuwago. Owl, sumisimbolo sa katalinuhan maging sa pagiging gising sa gabi. Exactly like me.
Binuksan ko ang box at nabigla ng explosion box pala ito. Napangiti ako ng makita ko ang mga picture ko at picture namin ng mga bestfriend ko. Natatandaan ko na nagplano rin pala ako nito nang nakaraang birthday ni Alice.
"Happy Birthday Reia!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Lumingon ako sakanila at ngumiti. Talagang nag-effort pa sila. Hindi naman nila kailangan gawin ito.
"Salamat guys pero hindi niyo naman kailangan gawin ito." Akala ko nakalimutan nila na July 21 pala ngayon. Birthday ko. Hindi kasi sila umimik tungkol dito noong mga nakaraang araw.
"Ano ka ba Reia. Sa lahat ng ginawa mo para saakin, saamin konti lang iyan sa pagpapagaan ng loob namin. Pati na sa pagtutulong saamin." Sabi ni Devon. Exaggerated naman ito. Napabuntong hininga nalang ako. Ganoon pala ang epekto ko sakanila? At least may nakaka-appreciate sa akin.
"Pero salamat talaga guys." Sabi ko. Ngumiti sila at nag-thumbs up. Napangiti rin ako ng malapad.
"No problem. Nagplano ka rin niyan saakin noon," pagpapaalala ni Alice. Ngumiti na lamang ako at nagsiupo na kami dahil papasok na si sir.
"Good Morning Everyone. Let's greet your Classmate Reia a Happy Birthday." Sabi ni Sir. Kumanta rin sila. Nakakahiya. Yumuko nalang ulit ako at nagpasalamat.
Buong araw ito umulit nang umulit pero meron isang tao na hindi pa ako binabati. Nanlumo ako. Siya pa naman ang tao na inaasahan ko na makakatanda nito. Lumipas ang oras hanggang sa last subject na. Last subject na pala pero ni anino nung taong iyon ay hindi ko nakita. Isinantabi ko nalang ito at naging positive.
Finally! Makakatulog na ako. Pumunta kami sa ICT lab ngunit napagalaman namin na wala ngayon si Sir. Naunang bumalik ang mga kaklase namin pero huwag na muna daw kami umalis sabi ni Devon.
"Reia, mamaya na tayo umalis. Tapusin na muna natin yung assignment." Sabi niya. Nagtaka ako pero sumangayon nalang ako. Kadalasan kasi napapauwi na ito. Nagpaalam kami at pinayagan kami. Nauna akong natapos at ipinasa ko na ito. Naglilibang ako ng narinig ko na tumunog ang phone ni Alice.
"Dev." Sabi lang ni Lis. Tumango si Dev at ganoon rin yung tatlo. Ano ba ang pinaguusapan nitong mga ito? Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam?
"Halika na Reia. 25 minutes na tayo dito." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya at lumabas na. Tumayo na rin sila at nagpaalam sa mga assistant. Habang naglalakad kami ay bigla akong tinanong ni Dev.
"Reia? Nakita mo si Rigel?" Nakita ko na umiling si Alice. Nag-panic nang kaunti si Devon. Napakunot ang noo ko sa inaakto ng dalawa. Ang weird. Nakatira siguro ang mga 'to.
Tch. Bakit niya hahanapin saakin ang tao na hindi ako tiningnan kahit papaano. Kahit Hi wala tss. Pati sa chat hindi nagparamdam. Bahala siya.
"Bakit?" Tanong ko na lamang. Napailing siya at nagsabi na nevermind. Malapit na kami sa room nang biglang sumigaw si Carlee.
"Reia!" Nakakabinging tawag niya saakin. Pumasok ako at nakita silang dalawa ni Jaylyn na nasa table ko. Anong ginagawa nila diyan?
"Bakit Carlee?" May binigay saakin si Jaylyn. Pulang Rosas. Tiningnan ko ang Card sa loob at binasa.
"Happy Birthday Reia. From: R," Basa ko. Nakakunot ang noo ko. Don't tell me siya ito?
"Nakita namin iyan dito kasama ang isang envelope." Sabi ni Jaylyn. Kinuha ko ang envelope at nakitang nakasulat ang pangalan ko dito. Reia♡. Sino ba talaga ang nagpadala nito?
"Buksan mo na." Pagpipilit ni Devon. Binuksan ko ito at tininggnan ang nasa letter.
Dear Reia,
HAPPY BIRTHDAY REIA! Pasensya na at hindi kita pinansin kanina. Pumunta ka sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala at duon mo malalaman.
-R
Nakalagay duon. Kinabahan ako aa hindi malamang dahilan. Sinilip ko ang envelope at may nakitang picture.
Picture naming dalawa. Duon ko nalaman kung saan ba talaga. Kung saan ko siya mahahanap. Dali dali akong pumunta sa lugar na iyon at nakabuntot saakin yung Apat.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Carlee. Ngumiti nalang ako at malapit na kami duon. Pumasok ako sa luma naming classroom at nanduon ang mga kaklase namin.
Ito pala ang dahilan. Nandito pala silang lahat. Lumapit ako sakanila at biglang tumili ang mga kaklase ko. Bumilis ulit ang pintig ng puso ko. Nabibingi ako sa lakas ng tili ng mga kaklase ko.Lumingin ako sa likod ko at nandoon na siya. Nakatayo at ngiti ng malapad.
"Rigel." Sabi ko. Ngumiti siya at may inabot saakin. Owl stuff toy. Paano niya nalaman? And ano ba talaga ang nangyayari dito?
"Salamat," sabi ko at lumapit pa siya saakin. Nadikit ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako makalayo.
"Ano ang masasabi mo?" Sabi niya. Wala akong masabi kaya ngumiti nalang ako at nagpasalamat.
"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you." Kanta ng mga kaklase ko. May nakita akong cake na linabas nila. Abot langit ang tuwa ko sa ginawa nila. Iboblow ko na sana ng makita ko ang nakasulat.
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ni Rigel saakin. Tumili ang mga kaklase ko. Lumapit siya saakin at bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti na lamang ako.
"Yes." Sabi ko. Tumili ang mga kaklase ko at niyakap ako ni Rigel. Sa yakap niyang iyon ay pakiramdam ko walang masamang mangyayari saakin.
Nahilo ako. Dumilim ang paningin ko. Tinawag ako ng mga kaklase ko at narinig ko ang mga katagang binulong niya.
"I Love You." Bulong niya. Tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Nasilaw ako ng liwanag. Umaga na ba? Bumukas ang mga mata ko at sobrang sakit ng ulo ko. Unti-unti akong bumangon mula sa higaan at hinawakan ang ulo ko.
Anong nangyari? Bakit dumilim ang lahat? Paano ako napadpad rito? Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Nagulintang ako. Paano nangyari ito?!
"Hindi pwede. It's impossible." Nanlulumo ako at napasandal sa higaan ko. Ang saya ko na ganito lang pala? Bakit ganito pa ang nangyari?
It's still July 21 and I woke up from the best dream I ever had. The dream I wanted to become a reality.
![](https://img.wattpad.com/cover/184098097-288-k874156.jpg)