CHAPTER 3

22K 399 34
                                    

Make me feel loved and wanted...

"ARE YOU SURE YOU'RE FINE?"

Huminga na ng malalim si Belle. Nakailang tanong na ba ito ngayong araw? Kanina pa siyang umaga na tinatanong ni Archer kung okay na ba siya. At kanina pa siya naririndi sa kakulitan nito.

"Okay na nga ako 'di ba? You saw it with your naked eyes," tugon niya saka dumipa at umikot ikot. "See? I'm clearly fine. So please, stop bothering me," aniya saka ito tinalikuran.

"But you're mad at me." Umikot ang mga mata niya. Pinagpipilitan nitong galit siya sa binata samantalang wala namang katotohanan.

"Hindi nga sabi."

"But you're avoiding me. It's obvious." Mabilis siya nitong napantayan nang lakad.

"I'm not avoiding you. I have workloads to do," tugon niya habang naglalakad. "Why are you so importunate?"

"Because I saw someone in you. You remind me of her," masaya nitong tugon. Kung sabihin nito iyon ay tila ba may magandang alaala na binabalikan ang binata.

"And who is that certain her?" nanunuya niyang tanong dito.

"She's someone dearest to me. You portrayed her, but she's something unique. Brutal and not scared of white ladies," pakli nito. Tumarak ang nakamamatay niyang tingin dito ngunit tumawa lang si Archer.

Bumalik siya sa silid niya saka pinag-aralan ang AMEC. Just like what she thought, AMEC was very powerful and overbearing. She wondered how a humble worker like her might help this prestigious company.

Matapos niyang pag-aralan ang negosyo ng Armani ay nagdesisyon siyang lumabas sa compound. Wala siyang maisip na suggestions para maimprove ang negosyo dahil perpekto naman na ang AMEC operation. Marahil kapag nakita niya ang minahan ay makakapag-isip siya ng pwedeng suhestyon.

Habang naglalakad siya ay may narinig siyang sasakyan mula sa kaniyang likuran.

"Hey, Lady!"

It was Archer himself riding the jeep wrangler wearing a wayfarer. Nakangisi ito kaya naman litaw na litaw ang dimple nito sa kanang pisngi.

Nagtaas siya ng kilay. "What are you doing here? Are you following me?" tanong niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi nito tinanggi ang akusa niya. Bagkus ay matunog itong ngumisi. Sinasabayan nang pagbagal ng sasakyan ang kaniyang paglalakad.

"Where are you going?" usyoso nito.

"Just somewhere," kaswal niyang tugon.

"Do you need a handsome tour guide? I can help you," pakli nito pero hindi niya pinatulan. Nang hindi siya kumibo ay hinarang nito ang sasakyan sa kaniyang daraanan.

He rested his right arm on the steering wheel leaning his temple on his closed fist while looking at her with a grin.

"Hop in or we'll stay like this?"

Wala siyang nagawa kundi sumakay. Ngiting panalo naman na pinagpatuloy ni Archer ang pagmamaneho.

"So, where do we go now?" Nakangisi pa rin ito.

"Sa minahan."

"It's dangerous there. Bawal ang babae," kontra nito.

Tumaas naman ang kaliwang kilay niya."I need to go there. Kailangan kong makaisip ng ideya for business suggestions. Iyon ang dahilan kung bakit ako narito," mariin niyang sabi.

ARROW ARMANI: ONE HOT NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon