Prologue

6 1 0
                                    

"If there is no sadness and sorrow, there is no crime." Eto ang tumatak sa isipan ko simula nang namatay ang mga nanay ko. Ilan taon na ang nakalipas bakas pa rin sa aking alaala ang mga pangyayari.

Nakatayo ang isang lalaki na may mask at may hawak na katana sa itaas ng isang tore, habang pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa ibaba nang bigla tumunog ang earpiece device.

<RADIO SOUND>
"Ace.. Ace... ano balita sa posisyon mo" isang babae na nakasuot ng bullet proof suit na itim, na may pulang mark sa kanan dibdib na nakalagay ay "CC".

Clinick ni Ace ang earpiece para ipabalita ang kanyang nakikita sa paligid.

<RADIO SOUND> "Negative!."

Ilan minuto lang ang nakalipas.

<RADIO SOUND> "Be ready guys! Nakikita ko na ang convoy nasa 11 o'clock" Isang lalaki naman may hawak ng binocular, at na nakasuot naman ng itim na polo at may sniper na nakasabit.

<RADIO SOUND> "Roget that!" Sabi ni Ace

Bigla tumalon at bumulusok pababa si Ace papunta sa dadaanan ng convoy. Sumunod din naman ang kasama nilang babae. Habang ang lalaki nakapolo ay nakasilip sa telescope ng sniper niya at inaabangan niya ang mga tao poprotekta sa Convoy.

Sa sobra bilis ng pagmamaneho ng isa sa mga driver ng covoy, hindi niya agad napansin si Ace na nakatayo na sa harapan nila at kaunti na lang ay masasagasaan na ito. Nang bigla na lang sumabog ang sasakyan babangga kay Ace. Huminto kaagad ang iba pang mga sasakyan, naging alerto ang lahat, at nagsimula na sila magpaputok ng mga baril. Dahil sa bilis ng pangyayari. Nagulat na lang sila, na may dugo na sa kanilang mga katawan, napansin din nila na nasa likod na si Ace at naglalakad papunta sa sasakyan kung saan nakasakay ang Gobernador ng isang City. Pipigilan na dapat nila ito pero uting-uti na sila nawawalan ng malay. Lumagapak ang mga katawan nila at dumaloy ang mga dugo sa sahig.

Sa hindi kalayuan maririnig naman ang mga serena nang mga sasakyan ng pulis.

Naabutan ng mga pulis ang pagtutok ng baril ng babaeng kasama ni Ace sa Gobernador. Habang si Ace naman ay naglalakad ppapunta sa mga pulis.

"Minsan ang hustisya ay hindi balanse. Kaya kadalasan ang mga taong naghahanap ng hustisya, sila na mismo ang gumagawa."

Sa pagbaril ng babae sa gobernor. Nagpaputok ng sabay-sabay ang mga pulis. Pero bigla na lang sila nakaramdam ng init sa kanilang katawan. Naramdaman nila na parang may tumutulo na dugo sa kanilang unipormeng pang pulis.

JAMES POV

<TV> "Mahigit kumulang isang daan ang namatay sa pagsalakay ng CRIMSON CLAN sa kahabaan ng Cosmos Highway kaninang madaling araw. Sabi ng mga nakaligtas sa pagsalakay, isang nakamaskara at isang nang babae ang..." <TV OFF SOUND>

Puro krimen na lang ang balita lagi sa TV, ni minsan wala nang naibalita na maganda.

"Oh! Shit! Malalate na pala ako."

Isang lalaki nakauniporme pang senior high ang lumabas sa apartment na tinitirahan niya. Napansin niya agad ang mga lalaking edad pabente pataas ang tuwang-tuwa na sinasaktan ang isang aso sa parking lot.

"Hayy... Mga tao nga naman. Minsan ang mga tao, gumagawa na ng kasamaan para lang lumigaya."

"Ako si James Leo isang senior high student ng Saint Lixum University. Mahilig ako pagmasdan ang dumi at kawalangyaan ng gobyerno sa lipunan. Ang kasakiman ng mga malalakas at mayayamang tao sa kanilang kapangyarihan, at mga taong naghihirap lang para sa wala."

Sa paglalakad ko papunta sa eskwelahan, may napansin ako isang eskinita. May tatlong tambay na pinagtutulungan nila ang isang estudyante. Pucha! Kaibigan ko yun. Dali-dali ako tumakbo papalit sa kanila at sinuntok ko agad yun isang tambay at yun bulagta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon