Paunang Salita

1.2K 17 2
                                    

Isisilang daw ang tao na mayroon ng nakaukit ng kapalaran, na mayroon ng karakter na gagampanan. Bago pa man daw dumaloy and dugo, pumintig ang puso, mabuo ang laman, mangusap ang mga mata, o makaramdam sa sinapupunan ay maroon na raw silang intinakdang tungkulin, at nakatuldok na tadhana.

Ang ibang tao, magiging doktor, gagamot ng may sakit, ang iba pulis, manghuhuli ng masama, at magpapanatili ng kapayapaan, ang iba teacher, ang iba naman, abogado, pulitiko, Lider-Presidente.

Ang ibang tao maging simpleng mamamayan, karpintero, factory worker, driver, cashier o simpleng tindera.

pero may ibang mabubuhay ng mas espesyal sa karamihan, may ibang titingalain, sisikat, magiging idolo, huhulma ng kasaysayan at ng mundo. artista, siyentista, at Bayani.

Sabi nila sa bawat lugar daw, sa mundo, sa bawat henerasyon ay may isisilang na katangi-tangi. magiging sikat, tutuklas ng mga medesinang lulunas sa kanser ng lipunan at ituturing na Bayani.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Inikot ko ang buong paningin sa paligid ng Science museum, na puno ng larawan nila Galileo, Newton, Davinci, at Einstein. Hinahanap ko ang sariling litrato na maaring katabi ng mga sikat na siyentista, o baka nasapawan, o baka hindi pa nila nailalagay. iniisip ko kung pwede ko lang kunin ang talino at popularidad ng mga taong 'yon, kung pwede ko lang kunin ang kanilang kapalaran, kung pwede ko lang pagpapalitin ang aming tadhana bago pa man kami isilang


GENESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon