Nakatira kaming pamilya sa isang bagong apartment bandang Cavite, kasama ko ang Nanay ko, isang kuya at isang bunsong kapatid na 2 years old pa lang noon.Ang tatay ko naman ay OFW sa Taiwan. Dito kami tumira kasi malapit ito sa skwelahan na pinapasukan namin ng kuya ko para makatipid sa pamasahe at pag lunchtime ay uuwi na lang kami.
Bagong renovate lang daw ung apartment, pero madami na daw tumira sa lugar na yun. Sementado ang ground floor pero kahoy ang itaas na bahagi, May 2 kwarto sa itaas, isa para sa kuya ko, sa kabilang kwarto naman ay ako, nanay ko at ang bunso kong kapatid.
Elementary pa lang ako noon kaya mas maaga ang uwi ko kesa sa kuya ko na Hi-school na. Madalas ako lang mag-isa paguwi ng hapon kasi umaalis ang nanay ko kasama si bunso para pumunta sa bahay ng tiyahin ko na hindi masyado kalayuan, babalik na lang sila pag magdidilim na.
Isang araw paguwi ko, nilapag ko ang gamit ko sa sala, nagbihis sa itaas at bumaba muli para magmeryenda at manood ng tv. Mga ilang minuto pa lang ako nakakaupo sa sala ay may narinig akong naglalakad sa itaas, kahoy kasi ang sahig ng second floor kaya dinig mo kung may naglalakad dito at sigurado akong walang tao sa itaas kasi galing ako doon. Kinilabutan ako sa narinig ko kaya nilakasan ko na lang ang tv at hindi na muna ako aakyat sa itaas hanggat wala ang nanay o kuya ko.
Hindi ko ito sinabi sa kanila kasi baka sabihin na nananakot lang ako, kaya lang sa mga sumunod na araw ay nauulit na naman ang mga yabag sa itaas kahit walang tao.
Yun nga lang mas malakas na ang mga yabag, na parang nagdadabog at nagpapapansin.
Sa sobrang takot ko, bihira na ako umuwi ng maaga at nagpapalipas na lang muna ng maghapon sa skwelahan, kunyari may mga activities pa kami.
Akala ko kasi makakaiwas ako sa mga kababalaghan sa paraang ito, nagkamali ako.
Isang gabi, natutulog na kaming lahat at tahimik ang lugar, wala kang ibang maririnig kundi ang andar ng electric fan at ang hilik ng kuya ko sa kabilang kwarto.
Sa lapag ako natutulog, hindi kasi kami kasya sa kama na pinagsasaluhan na ng nanay ko at bunso kong kapatid.
Ang ulo ko ay nakatapat sa bukas na pinto na kung saan tanaw ang kahoy na hagdan, kaya kita ko kung sinu ang bababa at aakyat dito. Maya-maya,
May narinig akong mga yabag sa hagdan, pahina at papalayo ito kaya tantya ko na ang kuya ko ito na bumababa para siguro umihi o uminom ng tubig. Mga ilang segundo lang ay may yabag na naman, at sa pagkakataon na ito ay palakas naman kaya tantya ko ay ang kuya ko na umaakyat. Nagtataka lang ako bakit hindi nya binuksan ang ilaw sa hagdan, madilim masyado para makapaglakad ka doon ng maayos. At kung nanay ko naman ang bababa ay madadaanan nya muna ako dahil malapit ako sa pinto.
Ok lang sana kaso naulit ito ng 3 beses. Naiirita na ako sa kuya ko kaya sa pangatlong beses ay inantay ko siyang umakyat para sana pagsabihan dahil dinig ko ang mga yabag nya sa hagdan, nabubulabog ako sa pagtulog.
Ayan na ang yabag, minulat ko ang mata ko at tumitig sa madilim na pintuang nakatanaw sa hagdan. palakas ang mga hakbang, ayan na, kaso......walang akong nakitang umakyat.
Natapos ang yabag pero walang umakyat na tao, walang anino, walang kahit anu at ang mas nakasisindak pa dito, narinig ko ang hilik ng kuya ko sa kabilang kwarto. Hindi sya ung umakyat.
Nagtalukbong akong bigla sa takot, pumikit at biglang nanlamig ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may natatayong tao sa harap ng pintuan na hindi ko nakikita. Biglang may mga yabag na naman pero parang nasa tapat lang sya ng pinto, hindi umaalis, Lumalakas pa ang mga yabag, paulit-ulit. Takot na takot na ako pero hindi ako makasigaw.
Nagdasal ako ng Ama namin at bigla na lang itong nawala... tumahumik ang lugar.
Kinaumagahan ay tinanong ko ang kuya ko kung ilang beses sya bumbaba kagabi, hindi raw sya bumaba kahit 1 beses. Hindi ko pa din sinabi kung anu ang naranasan ko, parang nagdadalawang isip ako sabihin baka matakot lang din sila.
Gabi na naman,
Ayan na naman ang mga yabag. palakas ito kaya alam kong umaakyat kung sinu man ang ang naglalakad, sinilip ko ang nanay ko mula sa pagkakatalukbong kaya alam kong hindi sya yun. Patay pa din ang ilaw sa hagdan kaya alam kong hindi ko kuya yun. Natapos ang yabag, tahimik.
Ng bigla kong naramdaman na may dumiin sa bandang dulo ng kutson ko sa bandang ulo, na para bang may umupo dito. Hindi pa din ako tumitingin. Kaso may biglang tumawa, boses babae ang tawa, parang batang babae, nagtalukbong ako ng mahigpit, nagdadasal pero tuloy pa din ang pagtawa ng batang babae. Nanlalamig na ako, ng biglang ramdam ko na lang na hinihimas nya ang ulo ko, napasigaw na lang ako at napayakap sa nanay ko sa kama. Binuksan nya ang ilaw at kami lang 3 ang nasa kwarto, wala na din ang pagtawa.
Kinabuksan kinuwento ko sa nanay ko at kuya ko ang buong nangyari, hindi pa din sila makapaniwala, wala daw kasi silang nararamdaman. Nagsindi kami ng insenso at kandila ng gabi na yun at sabay-sabay na nagdasal. Sinasarado ko na din ang pinto pag natutulog ako, ayoko na kasing maalala pa ang mga nakalipas na araw.
Paminsan-minsan may naririnig pa din akong yabag, pero sabi ng nanay ko wag ko na lang daw pansinin para hindi ito masanay. After 6 months, nagdesisyun kami na sa tiyahin ko na lang manirahan, may isang kwarto naman kasing bakante doon at para makapagtrbaho na din ang nanay ko at may maiiwan sa bunso kong kapatid.
1 buwan pagkatapos namin umalis sa dating bahay, meron nang bagong nakatira, hindi ko alam kung nandun pa ang batang babae. Sana wala na.
BINABASA MO ANG
Bisita sa Apartment
HorrorIsang malagim na pagbisita sa bagong Apartment. True Horror Story.