Kathryn's POV
*Kriiiiiingggg Kriiiiiiiingggg*
Ano bayan alas dos na pala kailangan ko nanaman bumangon para hindi maputakan ng nanay kong parang rambugan sa umaga ang bunganga sa sobrang ingaaaaaaaay........
"Hoy Kathryn Chandria Bernardo tanghali na bumangon kana jan baka gusto mo ikaw ang ilagay ko sa cooler para hindi ka agad mabulok jan sa hinihigaan mo!!! Ano ba Kathryn bakit ayaw sumagot jan hindi kaparin ba gigising huh?!" - Mama diba hindi pa ako tapos mag kwento about sa Mama ko ayan na siya tumalak na, sobrang ingay nyan sa umaga pero syempre love na love ko yan.. actually ganyan siya tuwing umaga lang, kasi alam niya na kapag sumigaw siya o nagagalit nag-aalala ako agad dahil ayaw ko siyang sumisigaw at nagagalit kasi nasasayang ang beauty niya.
"Gising na po!! Ligo lang po ako.!!"
Pag katapos ko maligo dumiretso na agad kami ni Mama sa palengke para mag tinda ng isda.
Yup tama ang nabasa niyo nag titinda kami ng isda, ano naman masama at least hindi kami nag nanakaw, hindi kami ng loloko ng tao.. Osiya tama na ang drama baka ma MMK pa kami ng Mama ko.
Pagkarating na pagkarating namin ni Mama sa puwesto namin inayos ko na agad ang paninda namin siyempre ayaw kong mapagod ang Mama ko no.!!
3:45AM ng isa isang dumating ang mga suki ko..
"Oy Ganda isang kilo nga ng Tilapia ng buhay mo!!" - Cedrick
"Ng buhay ko talaga? yung totoo? hahahaha, Oh ito na Ced 90 nalang"
"Ganda walang tawad?" - Cedrick
"Osige 80 nalang, ayaw pa baka mag bago isip ko amina perrrrrrrrrrrr.." natahimik agad ako kasi mabilis pa sa alaskwatro inabot agad ni Cedrick ang pera kaya agad agad ko naman itong kinuha sabay sabi ng " Salamat Ced sa uulitin".
..............
"Oh bili bili na kayo dyan! Tilapia, galunggong, bangus! Mura na, sariwa pa!!"
Nginitian ko lahat ng tao sa loob ng palengke specially ang mga suki ko, alanganaman ngitian ko ang tinda kong isda edi mas nag mukha akong baliw nun.. hahahaha..
After kong mag sisigaw
l suddenly felt hungry.
habang nag iisip ako kung ano ang kakainin ko bigla nalang may nag takip sa mata ko at sabing...
"Hi Miss" bigla nalang akong nakiliti sa pag salita ng lalaki, pano ba naman sa tenga ko pa naman sinabi yun at sobrang hot ng pag kaka bigkas niya nito. Nagulat nalang ako ng biglang pinalupot ng lalaki ang kanyang braso sa aking katawan, nanigas ako bigla at nakaramdam ng konting kaba, dahan dahan akong lumingon at automatic pinag hahampas ko ang lalaking ito.
"Aray!! aray!!! ano ba kath!!, si Daniel to.!!" Tsaka ko lang narealize na si Daniel pala ang lalaking ito at hinampas ko ulit siya ng malakas sa kanyang katawan at sabing "Punyeta ka akala ko kung sino ng lalaking yumayakap sakin..!" Sabay hampas ko ulit sa kanyang katawan.
"Aray.!! Kath ano ba nawiwili kana sa kakahampas sa katawan ko, if i know gustong gusto mo lang itong hawakan, wag ka mag-alala sayo ko lang ito ipapahawak at hanggang tingin lang yung mga babae jan, atsaka as if naman papayag ako na may ibang lalaki ang yayakap sayo baka mapatay ko sila.!!" nagulat nalang ako ng biglang nakatingin na pala lahat ng tao sa amin, nagtatawanan, nag-ngingitian at yung iba ay para bang kinikilig kaloka masyado na ba kaming PDA Public Display of Abnormality wag kayong green hahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/2107720-288-k366833.jpg)