141

43 4 0
                                    

To: kay kuya na putang*na


Kay kuya! Tang*na mo! Sarap mong ibitin patiwarek...pero di ko 'yon magagawa... kasi mahal kitaaaa! Alam kong ang tanga ko at ang tanga ko talaga at sobrang tanga ko.

Nabalitaan kong crush mo daw ako nung greyd six tayo(wala palang tayo😐) hindi talaga kita kilala ng time na 'yon. Hindi din kita napapansin noon dahil hindi naman tayo close at never mo akong kinausap kaya hindi din ako naniwalang may crush ka sa akin.

Nung nag greyd seven na ako pati na rin ikaw (wala kasing tayo😐) nalaman ko nung 1st quarter na hindi na ako ang crush mo. Na si Julia na daw ang crush mo. (Gusto kong i-reveal yung name. Pake niyo ba? Char.) Syempre ako wala akong pake nung time na 'yon. Kasi wala naman ako talagang pake sa'yo nung time na 'yon. (Kala mo sayo lang umiikot yung mundo ko? Hindi 'no.)

Aaminin kong gwapo ka, matangkad at isang basketball player at isa ka rin playboy at isa ka ring player ng ML. Pero nung 1st quarter wala talaga akong nakitang kung ano sa'yo. HAHAHA. Hindi ako easy to get kaya wala akong pake sa'yo nung time na 'yon.

Pero nung nag 3rd quarter na (skip na natin yung 2nd quarter hindi naman mahalaga 'yon. HAHA) nalaman ko na naman galing sa bestfriend ko na ako na naman daw ang crush mo. Syempre di ako naniwala wala rin naman kasi akong pake sa'yo. Loyal talaga ako kay Jiminie ko eh.

Dumating yung day na magpapalit palit na ng upuan nalaman ko mula sa mga kaklase natin na sinabi mo daw kay ma'am na ipagtabi tayo. Syempre ako wala pa rin akong pake sa'yo nung time na 'yon, hanggang sa naging mag seatmate nga tayo. Doon kita mas nakilala...

Funny ka palang tao. Sobrang saya ko tuwing kasama kita. Tapos may time pa na lima nalang tayong naiwan sa school. Ako, ikaw pati yung tatlo kong bestfriend. Sinabi sa aking ng isang bff ko na nu g time na umuwi na ako, sinabi mo dik daw na uuwi ka na kasi nakauwi naman na daw ako.

Syempre ako na touched ako sa nalaman ko. Tapos may time pa na umabsent ako sa school ng ilang araw dahil sa family problems, bumisita kayo kasama ng mga bestfeiend ko at bestfriend mo sa bahay namin dahil nag-aalala kayo sa akin. Syempre na touch ako nung malaman kong ikaw yung nagplanong pumunta sa bahay namin.

Hanggang sa naging mas close pa tayo at tinawag na kita kuya dahil kapangaln mo yung kuya kong namatay. Wala akong naging feelings sa'yo. Gusto ko lang talaga ng kuya nung time na 'yon.

Nung nasa point na sobrang-sobrang close na natin, doon ka naman umiwas sa akin.

Tapos malalaman ko nalang sinisiraan niya na pala ako sa iba. Kesyo ganyan, ganto daw ako.

Syempre nasaktan ako. Hindi kasi siya yung taong inaasahan kong gagawa sa akin ng ganto. Kuya-kuyahan ko siya sa school tapis may pinagsamahan naman kami.


Hindi ako nagalit sa kanya (Dakilang tanga ako eh. 🙁) Tapos tsaka ko lang nalaman na may gusto na pala ako sa kanya. Pero huli na eh... sila na kasi nung Julia na 'yon. :(

Tapos ngayong magchachat siya sa akin na parang walang nangyari. May times pa na sasabihin niyang masaya siyang nakilala niya ako. Pero feeling ko hindi na 'yon totoo kasi nakuha niya nga akong lokohin eh.

Nagugulat nalang ako bigla nalang siyang magagalit. Nagbabago na yung ugai niya. Yung kuya-kuyahan ko na funny naging seryoso at palagi ng galit. Tapos malalaman ko kaya pala siya gano'n ay dahil sa girlfriend niya na si Julia.

Yung babaeng yun kasi may ibang kachat tapos pinapaasa lang pala siya. 

- Lampo


_________________________________________________________

uyyy alam mo nakakatuwa kasi di na ako mag aadvice-- HASHAHSHSAHSA riltok

Since nasagot mo nanaman yung sarili mong problema, hindi ko na kailangang ulitin. Proud ako sayo dahil hindi ka nagpaka tanga sa taong hindi worth mag paka tanga HAHAHSHAHSHSHA 

Salamat naman at nalabas mo yung saloobin mo dito sa booth!! Lovelots sender na bitter!!! 

✿ ℂ𝕠𝕟𝕗𝕖𝕤𝕤𝕚𝕠𝕟 𝔹𝕠𝕠𝕥𝕙 ✿Where stories live. Discover now