Nasa classroom ako ngayon wala kaming ginagawa. Mageexpire na rin ang load ko kaya naisipan ko na iprank si Sebastian.
"Hi po! Do you know na palagi kitang minamasdan habang dumadaan sa hallway hihi." Text ko. Natawa ako sa ginawa ko. Half meant. Pumasok na si Sebastian at isinara ko na ang phone ko.
"Sino naman 'to?!" Pasigaw na sabi niya. Alam ko na madali itong mairita. Kumalat sa klase ang prank na ginawa ko.
Pinagpatuloy ko ito buong araw at pumunta kami sa canteen. Pabalik na kami nang maisipan ko na sabihin kina Reia at Alice ang ginawa ko.
"Guys, ako yung nagtetext kay Sebastian. Naisipan ko kasi na iprank siya." Sabi ko. Natawa ang dalawa. Hayyst. Kung alam lang nila.
"Wait, Devon." Sabi ni Reia. Lumingon ako sa kaniya at biglang tumawag si Sebastian.
"Akin nga ang cellphone mo." Sabi ni Reia. Binigay ko ito sa kaniya at pinakealaman niya ito at binigay ulit sa akin.
"Ano ang ginawa mo?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at naglakad na paalis. Ahh In-airplane mode niya. Bakit hindi ko ito naisip?
Nakarating na kami sa classroom at narinig namin ang pinaguusapan nina Sebastian at Thalia.
"Matalino siya. Sinara ang phone." Sabi ni Sebastian kay Thalia. Kinabahan ako, halos hindi na ako makahinga. Bakit mo pa kasi ginawa iyon Devon? Ang tanga mo talaga kahit kailan.
Nakita ko na nagse-cellphone si Jaylyn. Nakita ito ni Sebastian at nilapitan si Jaylyn.
"Jaylyn, ikaw ba iyong nagtetext saakin?" Tanong ni Sebastian. Alam ni Jaylyn na ako iyon. Umiling si Jaylyn at sumagot.
"Hindi." Hahablutin niya sana ang phone na ito pero pinigilan siya ni Mika.
"Sebastian, hindi ka ba ba naniniwala kay Jaylyn?" Tanong ni Mika. Umiling nalang si Sebastian.
"Dev," tawag ni Reia. Inilahad niya ang kamay niya na may hinihingi saakin.
"Ano?" Sabi ko at takang tumingin sa kaniya.
"Phone mo." Binigay ko na sa kaniya ang phone ko.
"Alice, halika na." Tawag niya kay Alice. Umalis sila ni Alice at kumaway nalang habang nakatalikod. Feeling anime character ang babae.
"Dev." Tawag ni Sebastian. Kinabahan ako. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa kinauupuan ko. Umiwas ako ng tingin. I don't know why when he is close my heart races.
"Devon." Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Hindi na ako makahinga. Sinubukan kong lumingon sa kaniya at seryoso itong nakatingin saakin.
"Ano?" Pilit kong sabi at ngiti. Kumunot ang noo niya.
"Ikaw ba iyong nagtetext sa akin?" Tanong niya. Umiling ako. Alangan naman tumango ako tss.
"Wala nga akong cellphone." Buti nalang at binigay ko kay Reia ang phone ko. Kung hindi ay mabubuking ako. Rawr.
"Weeeh?" Tanong niya na nagbibiro. Umiling ako at kinalkal niya ang gamit ko. Bahala nga siya.
Saktong pumasok na sina Reia at hawak ni Reia ang cellphone niya. Nagwawattpad siguro. Buti nga at hindi nababangga iyan.
"Reiaaa." Nangaasar na tawag ni Sebastian kay Reia. Napairap naman ang huli. Pikon na agad ito.
"Ikaw siguro iyong nagtetext saakin ano?" Nakita ko napairap si Reia. Kitang kita na naiinis na ito. Lahat nalang kasi na nagse-cellphone ay tinatanong niya tungkol doon.
"Tss. Wala akong load. Mas lalo nang wala akong number mo. Bakit naman pagaaksayahan ko iyan ng oras?" Mataray na sabi ni Reia. BURN! Haha buti nga.