Too Late (one-shot)

275 19 11
                                    

Leena's POV

"Ano ba'yan ang init! Leena ibili mo nga ako ng iced tea! Bilis!" Utos sakin ni Josh, sila ang may-ari ng companyang pinapasukan nina mama at papa ko kaya kailangan ko daw maging mabait sa kanya, sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi bukod sa wala na syang ina lahat pa ng estudyante dito sa school kinaiinisan sya dahil nga sa ugali nya

"Ah, oo wait lang!" Sabi ko sabay labas ng room

Habang nasa hallway ako naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante, huh lemme guess, about kay Josh yan! Well you see, all of them hates Josh. Yung iba nga sabi eh napaka-tanga ko daw kasi sunud-sunudan ako ni Josh, marami na ring nagpumilit na iwanan ko na lang sya at pabayaan pero hindi ko magawa eh, I don't know why

"Ate isa nga pong iced tea" sabi ko nang marating ko yung tindahan ng juice tsaka inabot ang bayad then bumalik na ako sa room

"Josh oh! Iced tea mo-" nagulat ako nang bigla nyang kinuha yung iced tea sa kamay ko at ibinuhos sakin. Sheeet ang lamig!!!!!

"Ano ba 'yan Leena!!! Ba't ang tagal mo?! Alam mo bang kanina pa ako nauuhaw dito!?" Sigaw nya sakin tapos ako nakayuko lang at tuloy-tuloy ang pag-punas sa luha ko

"Ang sama mo Josh! Ikaw na nga itong pinag-sisilbihan ikaw pa tong galit! Ano ba talaga ang gusto mo ha?! Sumusobra ka na eh!" Sigaw ng taong nasa harap ko, pag-tingin ko si Bryan pala

"Bryan tama na, okay lang ako" sabi ko sabay takbo sa c.r. At dun ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko "ano bang ginawa kong *sob* m-mali? Lahat naman binigay ko ah *sob*" sabi ko sa sarili ko habang naghihilamos ng muka pagtapos nun pumunta ako sa locker room para magbihis buti nalang may extra akong damit

Pagbalik ko sa room konti nalang ang tao kasi dismissal na rin

"Leena..." Nagulat ako kaya napalingin agad ako sa likod kung saan nanggagaling yung boses... Si Bryan pala "Leena bakit sya pa? Please, tumigil ka na iwanan mo na sya...itigil mo na yang kahibangan mo" Naiiyak na sabi nya at tanging ngiti nalang ang sinagot ko "Your being too kind! Isn't it enough already?" Sabi pa nya at niyakap ako bigla, it was a warm hug na sobrang na-miss ko

Hangga't kaya ko iintindihin ko sya, kasi kung hindi ako ang gagawa sino pa?

Sabay kaming umuwi ni Bryan, hay grabe how I miss my bestfriend, hindi ko na kasi sya masyadong nakakausap sa school at hindi ko narin sya nakakasabay umuwi dahil nga kay Josh

"Oh basta kapag may ginawa nanaman sayong masama si Josh takbo ka lang sakin ah? I will always be here for you, sige bye!" Sabi nya nung nasa tapat na kami ng bahay

"Sige thanks ulit, bye" sabi ko. Nung pumasok na ako sa bahay diretso agad ako sa kwarto ko at humiga, grabe nakaka-pagot tong araw na to

*riiing riiing*

Nagulat ako nang biglang nagring yung phone ko pagtingin ko sa screen si Josh pala

"Hello?" Kinakabahang tanong ko

[Pumunta ka nga dito sa bahay bilis!] utos nya sakin

"B-bakit?"

[wag ka na magtanong basta bilisan mo!] okay demanding sya

Nagbihis muna ako bago pumunta sa bahay nila

Nung makarating ako sa room nya nadatnan ko syang nakaupo sa sofa nya at nanonood ng T.V.

"Ano ba? Di ba sabi ko lagi kang kumatok bago pumasok? Ang tigas ng ulo mo eh!" Ano bayan? Kakarating lang sigaw na agad ang inabot ko, hays

"Eh, ba't mo ba ako pinapunta rito?"

Too Late [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon