Prologue

1 0 0
                                    

"Hello? Sweetiebabymunckin ko?" bungad ko sa telepono. Tinawagan kasi ako ni Austin na mahal na mahal ko. Kakapagkita lang namin kahapon eh. Miss na agad ang kagandahan ko. Hihi.

Pero ilang segundo na ang nakakalipas pero di pa rin siya sumagot. Maya maya pa, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Tapos tumahimik na siya ulit.

Anong trip nito sa buhay? Tatawag para hingahan ako over the phone? Ibang klase din 'tong boyfriend ko na 'to eh.

"Uy sweetiebabymunchkin ko. Di ka naman umiimik dyan eh. Hinga ka lang ng hinga diyan," sabi ko at ang magaling kong boyfriend eh bumuntong hininga na naman "Ibaba ko na ang to e—."

Pinutol niya ang paggu-goodbye ko. "Let's break up."

Tangina.

Tangina.

Isa pang tangina.

Ano to?! Joke time ba to? Bakit may pagganun? Ano, pagkatapos niya kong hingahan over the phone, makikipagbreak siya? Sabog yata to eh! Loko loko, siguro may pakulo na naman.

Pero mas loko loko ako kasi alam kong hindi niya gagawing biro ang break up.

At mas sabog ako dahil...

"Hello? Sweetiebaby munchkin ko? Anong sabi mo? Hello?"

At pinindot ko na ang end call.

Ang sakit. Hindi ko matanggap. Kahapon lang, ang saya saya namin, tapos ngayon, makikipagbreak siya pagkatapos niya kong hingahan over the phone?

Siguro may nagawa lang akong mali. Siguro... Siguro nabahuan lang siya sa hininga ko kahapon. Siguro dapat sorpresahin ko siya bukas nang bonggang bongga. Tutal, monthsary naman namin at tutal di naman niya alam nanarinig ko naman talaga ang pakikipagbreak niya.

Break..

Break...

Break.

Paano nga kaya kung seryoso siya?!?!?! Nako, susko di ko kakayanin! He's my life and everything! I can't live without him. He's my oxygen and daily dosage of happy pill. I can'tttttttttt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All Things Remind Me of HimWhere stories live. Discover now