10❤

161 3 0
                                    

Kalimutan ang nakaraan harapin ang kasalukuyan

Madaling intindihin ngunit mahirap gawin

Pinipilit ang sarili na ika'y kalimutan uli. Ngunit ang puso'y nagsasabing lumaban pa.

Anong dapat kong sundin? Ang isip na nagsasabing kalimutan kana o ang pusong nagsasabing lumaban pa?

Mahal, mahirap. Sa tagal nang ating pinagsamahan. Hindi ka madaling kalimutan

Minahal kita ngunit may mahal kang iba.

Naging sandalan mo ako nung mga panahong nagdadalamhati ka. Nung mga panahong nahihirapan kang kalimutan sya.

Umasa ako. Umasa akong ako'y mamahalin mo

Nagpakatanga ako.

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala naman ako sa buhay mo

Ako'y nagsilbing panakip butas dyaan sa hinanakit mo

Hindi kona kaya. Nauubos na mga luhang aking iiniingat ingatan na ang akala ko'y babagsak dahil sa kasiyahan ngunit nagkamali ako.

Nagkamali akong magmahal nang taong hindi naman dapat mahalin ko

Walang Tayo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon