Chapter 2: bestfriend...
(Leslhay Point of View)
Nandito ako ngayon sa Locker Area. Mabuti nalang at may extra white v-nick shirt ako dito. Naiiyak na ako, haysss.
'Ano bang kasalanan ko sa payatot na yun?'
Pumasok na ako sa cubicle at nag bihis. Pagkatapos kong magbihis. Habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin ay di ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.
"Nyemas naman! Para yun lang Leslhay? Iiyak kana?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at pinahiran ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko. "Ho! Stay strong Leslhay! Wag kang iiyak iyak jan! Pakita mong strong ka! Aba! Wag kang weak! Payatot lang yun!" Pangungumbinse ko sa sarili ko.
Lumabas na ako sa cr at bumalik sa Locker Area para ilagay sa locker ang gamit ko.
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko ay naglakad na ako papuntang canteen.
Pagkapasok ko ay nakita kong tumingin sakin ang ibang estudyante habang nagbubulung-bulongan.
"Gurl, diba siya yung binuhusan ni Poging Ian ng harina? Hahahah!" Narinig kong sabi ng isang mukhang prostitute na babae dahil sa makapal na make up sa mukha!
"Ahh oo hahahah! Amerkanang hilaw daw! Hahahaha" tawa naman ng kasamahan niyang mukhang ginawang punching bag ang mukha dahil sa makapal na blush on!
'Pwede bang kung mag uusap lang naman tungkol sakin, di nalang iparinig? Nyemas!'
Imbis na sabihin yun ay tumungo nalang ako sa counter para umorder ng burger, coke at fries. Pagkakuha ko sa aking inorder ay lumabas na agad ako sa canteen. Ayokong kumain don, maraming pato!
Naglakad ako hanggang sa makarating sa parking lot. Don ako tumambay malapit sa motor ko, may malaking mango tree kasi dun, natatakpan yung araw kaya di mainit sa pwestong yun. Idagdag mo pa na grass yung sa ibaba kaya pwede ka dun umupo o humiga, malinis din naman.
Umupo na ako don at nagsimulang kumain.
"Psst"
"Psst"
"Woii! Psst" ikatlong sitsit pero di ko pa rin pinansin. Aba! Gutom yata ako ngayon!
"Psst! Bingi!" Nauubusang dagdag nong sumisitsit sakin na mula sa itaas ng mangga.
Lumingon ako dun sa pinanggalingan ng boses at nakita ko dun ang sumisitsit.
"Hi Miss!" Nakangiting bati niya habang nakaupo sa isang sanga ng mangga.
I just give him a slight smile at bumaling sa kinakain ko.
"Miss! Hi!" Ulit niya sa kaninang sabi niya.
'Binaliktad lang ang tokwa!'
Matunog akong bumuntong huminga at lumingon sa kanya. "Hi din."
Hindi na siya kumibo kaya naman,
'Thank yo---' naputol ang sinasabi ng isip ko ng magsalita siya.
"Ganyan ka ba pag gutom miss? Tahimik? O tahimik ka lang talaga?" Curious na tanong niya.
Matagal bago ako nakasagot sa tanong niya. "Kapagod magsalita." Kibit balikat na sabi ko.
"Hahahahaha!" Kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa ng malakas.
"Kakatawa ba?" Ngumunguyang tanong ko naman.
YOU ARE READING
The Boy I Hate The Most.
Teen Fiction'Sino ba siya sa inaakala niya?' 'Hindi porket sikat siya at kinakatakutan, nambubully na siya' 'Well, kung inaakala niyang lahat ay takot sa kanya, nagkakamali siya' 'Kasi hindi ako takot'