How To Unlove

17 0 0
                                    

Sabi nila ang pinakamasarap daw na pakiramdam ay iyong magmamahal ka tapos susuklian niya ito pabalik. Iyong tipong masasabi mong "perfect" kasi may katugon iyong pagmamahal mo.


Iyan lang naman iyong pinangarap ko mula noon. Iyon maramdaman ko na may magmamahal sa akin iyong para bang di niya kaya na mawala ako sa tabi niya. Na selfish man pakinggan pero sayo umiikot iyong mundo niya.


Akala ko noon napakadali lang makuha ito, bakit?


Maganda ko eh, mabait,  maunawain, kaibig-ibig naman sabi ng nanay ko, deserve ko naman iyon eh kasi iyon nga ko. Di naman sa nagmamalaki o ano pa man pero naniniwala kasi ako sa sinabi nila sa akin. And although nasa big size ako alam ko ang  worth ko. Nangarap ako ng prince charming. Suportado naman ng lahat eh. Kahit bading ako lovable naman kaya mahal ako ng tatay ko. So wala talagang space for insecurities, sakit lang iyon ng mga pangit.



Kaso darating ka pala sa punto ng buhay mo na maiinip ka. Tatanungin mo iyong sarili mo bakit ang tagal ?Kaya noong dumating ang unang taong nagpakita sa akin ng pagpapahalaga. Ay grab kaagad ang lola niyo. Di ko na pinalagpas. Sayang eh, palay na iyon tas pakakawalan ko pa.


Siya si Viel.


Iyong unang taong minahal ko, mabait naman siya, papable pa ang problema talkshit pala. Kinuha lang iyong virginity ko at nangutang ng pera tapos gone by the wind na ang lolo mo. Gago iyon, naka-isang libo din iyon sa akin. 



Pero nag-move on ako. Syempre kailangan eh. Kinaya ko naman ilang tulog din iyon na puro uhog ako pero at last napagtagumpayan ko iyon.


Then after some months di na ko umasa, bakit pa? Nasaktan na ko ng unang beses di na ko uulit.


Yan ang sabi ko doon, sabi lang pala iyon dahil after 9 months nakilala ko iyong taong tunay na nagpatibok ng puso ko.


Iyong di ko naman siya inexpect, di ko nga siya ineentertain pero siya iyong gumuho sa pader na ginawa ko para di na muling masaktan. 


Nakilala ko si Rico, Rico Miguel Diaz-Del Fuego.


Di siya iyong masasabi kong dream guy ko. Ang layo sa itsura ng mga crushie ko pero iba iyong naging epekto niya sa akin. Naging mabuti siya sa akin at higit pa. Lahat ng pinangarap ko lang noon ay pinaramdam niya sa akin. Walang wala si Viel sa kanya. Siya iyong masasabi kong best, iyong naging light ko.


Dahil di ako naniniwala sa panliligaw, di ko na pinatagal ang lahat. Noong nagtanong siya sa akin kung pwede daw ba kong ligawan. Sinabi ko kaagad na kami na. Ipakita na lang niya sa akin lahat ng dapat ginagawa sa panliligaw sa duration ng relasyon namin.


At di naman ako nabigo, higit pa nga siya sa inaasahan ko. 

Binigay niya lahat ng makakaya niya, flowers, chocolate  pati ang matapang napakikiharap sa magulang ko. Walang takot niyang ginawa. So lalong lumaki ang pogi points niya.


Kaso di naman kami perpekto, nagkaroon din kami ng di pagkakaunawaan. Ano nga ba ang nangyari? Ahhh! Na late kasi ako ng uwi, nanood kami ng sine ng bestfriend kong si Gelique. Ayon sobrang overprotective kasi niya, nainis ba naman at ang dahilan gusto daw niya siya lagi ang kasama ko. Maiinis na sana ko pero ang sweet nun mga dre. Imbes na mainis kinilig  din ako, landi ehh.

How To UnloveWhere stories live. Discover now