Chapter II: Shadow

311 30 20
                                    

Ano na kayang nangyari sa Agent Storm na 'yon? Andun pa rin kaya ito sa bakanteng kwarto na 'yon? If ever walang nakakita sa lalaking 'yon, siguradong naandun pa rin ito at namimilipit sa sakit. Oh well, ano namang pakialam niya? He totally deserve that almost fatal blow for calling her baby and for throwing a pocket knife that almost hit her face. If she's an ordinary civilian, that could have killed her.

"Sorry po, Ma'am, pero bawal po magpasok ng pagkain sa loob ng building." Napatigil ako sa pagsubo sa kinakain kong french fries at napatitig sa security guard na nakaharang sa daan ko.

Papasok na sana ako sa P.E. Building kung saan gaganapin ang meeting ng Shadow. And yes, she doesn't have a choice but to attend the meeting dahil na rin sa mismong Daddy na niya ang tumawag sa kanya. You can call her a Daddy's girl pero she wouldn't say no to him, ever.

If you're wondering what P.E. stands for, it's Philippine Empire. Ito ang itinawag sa newly reformed government ng Pilipinas nang maging presidente si Alexander Von Ackerman noong 2016. Nagkaroon nang malawakang pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno ng Pilipinas. Muling nakilala ang bansa natin sa Asya at buong mundo. Lumago ang ekonomiya, bumaba ang antas ng kahirapan, tumaas ang kalidad ng edukasyon at halos wala ng krimen ang napapabalita. Pero hindi naging madali ang proseso ng pagbabago, madami ring pinagdaanan na problema ang pangulo at halos inabot din siya ng sampung taon bago makamit ang pagbabagong 'to.

Dalawang taon lang ang nakakaraan nang mabuwag ang mga political dynasties sa bawat lalawigan. Muntik itong maging dahilan ng giyera na pinamumunuan ng mga ulo ng mga nasabing mga dynasties. Ang ilang taong pinaghirapan ni President Von Ackerman ay muntik nang mawalang parang bula. If you're wondering kung paano ito napigilan ng gobyerno ay dahil na rin sa Umbra Congregatio o mas kilalang sa tawag na Shadow.

Umbra Congregatio or Shadow is a ghost association formed by the government to control the revolting political dynasties. Layunin ng Shadow ang panatilihin ng kapayapaan ng bansa. Kahit na ang kapayapaang hangad nito ay makuha mula sa paraang hindi kaaya-aya. Isang maliit na sanga ng Ministry of Defense and Shadow, kakaunti lang din ang mga nakaka-alam tungkol dito. Pinamumunuan ito ng kaniyang ama, si Voltaire Montgomery. Kakaunti lamang ang miyembro ng Shadow, personal na pinili ito ng kaniyang ama, at lahat ng miyembro dito ay may kaniya-kaniyang field of expertise. Pero isa lang nata-tangi sa lahat ng agents dito, they're assassins. Lahat ng agents sa ilalim ng Shadow ay binigyan ng karapatang pumatay, basta mapapatunayang banta ang isang tao sa gobyerno.  At isa siya sa mga agents na'to

Napatingin siyang muli sa hawak na paper bag pagkatapos ay kay Kuya Guard na nakatayo sa harap niya. Hindi niya pwedeng itapon na lang ng basta-basta ang hawak. Pagkain ang laman nito. PAGKAIN. At masama magsayang ng pagkain. Kung bakit kasi bawal magpasok ng pagkain sa building.

Napatingin siya sa orasan at nakita niyang may ilang minuto pa siya bago magsimula ang meeting. Kakainin na muna siguro niya ang dalang pagkain sa labas bago pumasok. Akmang maglalakad na sana siya palayo nang biglang may dumating na isa pang guwardiya.

"Gomez, may problema ba dito?" Tanong nito sa kasama saka bumaling sa direksyon niya. Nang makilala siya nito ay bigla itong sumaludo sa kanya. "Ms. Montgomery, kayo po pala 'yan. Good afternoon po."

She nodded at him for acknowledgment. Bumaling naman muli ang guwardiya sa kasama. "Okay lang 'yan, Gomez. Freelance agent dito si Ms. Montgomery kaya pwede siyang magdala ng pagkain sa loob."

"Ah, ganoon ba," tatango-tangong sagot ng tinawag na Gomez. "Pasensya na po, Ma'am, bago lang po kasi ako dito." 

Nginitian lang niya ito saka nagpatuloy sa paglalakad papasok papuntang elevator bays.

According to Dad, we're going to use the fifteenth floor conference room. Wala siyang ideya kung tungkol saan ang meeting. Though she could sense that it's a very important one, kasi gumawa pa ng paraan ang Daddy niya para lang pumunta siya. 

BLACKLIST (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon