Distansya

5 1 0
                                    

Nilalamig, nilalamig sa mga pinaparamdam mong hindi ko maintindihan. / Sa tuwing ako'y lalapit para kausapin ka ngunit lumayo ka na lamang at nakipagkunwarian / Nahulog, walang sumalo, at hindi na nagpansinan. /

Tuluyan na lamang na lumayo sa isa't isa, dumistansya at dumating sa puntong wala nang paroroonan. / Ang sandali na ito ay wala na ngang pag-asa na gisingin muli at tuluyan nang baguhin ang kamalian. / Mga salita na kailanman ay gusto kong bitawan. /  Kamalian ng iyong pagtingin, ang iyong isip na mayroong kababawan. / ngunit eto ako nanatili sa kalaliman. /

Hindi na umangat para abutin ang mga tala. / ikaw pala, ikaw na nga ang nagniningning na bitwin sa kadiliman ng langit. / ngunit nung inabot kita, akala ko ikaw na nga, pero hindi pa pala, at hindi na nga talaga. /

Simulan na muli natin ang bilang sa isa. / Isang eksena na masasabi man natin na pinagtagpo pero hindi tinadhana / pero ito ang kaisa-isahang simula na laging pinagtagpo. / pinagtagpo ang dalawang tao na inakala natin ay perpekto - ngunit dumating na ang ikatlong yugto na nakita na hindi sila bagay sa isa't isa at tuluyan na lamang lumayo.

Hindi na tumuloy ang bilang, ngunit nung lumaktaw sa bilang ng lima ay nakita na muli kita, pero eto na pala ang huli, at hindi na muli magkikita / mga inipong salita, na hindi na binitawan at pinalipad na lamang na para bang paro-paro na dumapo sa bulaklak na namumunga, namumunga para sa bagong panimula. / bagong panimula na wala ka, wala ka na, wala.

"CRUSH" - Spoken Poetry Collection #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon