(Thea's POV)
"THEA! GISING NA!" pambubulabog ng kuya kong sinigawan ako sa tenga mismo.
"Argh inaantok pa ako" sagot ko naman ng mahina ang boses.
"Tingnan mo kung anong oras na?" sagot niya.
"Bakit kailangan mo pa akong tanungin eh nandyan lang naman yung orasan" sagot ko ng hindi parin ako tumatayo sa kama at ng mahina ang boses na tila ba inaantok.
"Hay nako! 7:00 na ano ba!?" -kuya Ervin
"Exactly?" Sabi ko ng mahina parin ang boses at di parin tumatayo sa kama.
"Tayo na kasi! *hinatak niya ang kamay ni Thea para tumayo na siya*" -Ervin
"K!" *sabay tayo tapos lumabas na ng kwarto.* -Thea
Oo nga pala di ko nasabi. May kuya ako pangalan Jobervin Alcantara in short, Ervin. Siguro nagtataka kayo kung bakit Alcantara apelyido namin kahit na tatay namin is Singaporean? Sabi kasi sa amin ng parents ni daddy na wag na daw namin gamitin yung apelyido nila na "Wong" eh. Ewan ko kung bakit. Kung gamit parin namin yung apelyido ni daddy, My name is Althea Wong. Hahaha =} so now, I'm eating my breakfast <3 But now, nirurush ako nila mommy kasi baka daw malate ako.
(Sam's POV)
FYI, early bird ako. Kahit na 8:00 pa yung pasok, gusto ko paring maaga ako dito sa school. In fact, ako lang mag-isang estudyante dito eh kasama ko lang mga guards, maintenance, mga admin, etc. Ngayon, di parin ako makaget-over sa sinabi ni Marco kahapon na liligawan daw niya ako? Totoo kaya yun o nantitrip lang?
(8:00 am)
#SchoolBellsRingForClasses#
Dumating ang kotse nila Thea at ibinaba si Thea. Narinig niyang nagbebell na kaya tumakbo siya papuntang classroom. 5 minutes kasi ang bell at once na huminto yun at wala ka pa sa classroom, automatic late ka na. Ngayong second day of classes, meron agad activity ang school nila. May laban kasi agad ang basketball team. Noong summer palang, tinetrain na ang mga old students na players. Separate kasi ang new student players sa old. Pag yung mga new di umalis ng school, mapapasama sila sa old kaso ang mangyayari, elimination. Kung sino ang di parating nakaka puntos, di sila makakasama sa old. Isa sa mga old player ay si Marco at Hans. Parating nakakapuntos yang dalawang yan. Ang gusto ng school, maraming supporters kaya pinababa nila lahat ng klase sa gym imbis na nagkaklase sila. Parang ang awkward naman kasi kung may naglalaban tapos walang nagchecheer at nanonood maliban lang sa mga admin diba? Ano? Sila nalang ang magchecheer? Hahaha AWKWARD!
@classroom
"Class, please line up at the back" -Ms. Mae
"Anong meron?" Sabi ng klase.
Nagsama sila Sam at Thea hanggang sa napatanong si Thea kung anong meron at bakit wala pa sila Hans at Marco at ang sagot naman ni Sam ay:
"Siguro miss mo na noh?"
Sumagot naman si Thea ng:
"Wews. Ano ngang meron?"
Di rin alam ni Sam kung anong meron kaya sumagot nalang siya ng ewan kay Thea. At dahil adviser si Ms. Mae, siya ang nag-guide sa kanila papuntang gym. Pagdating nila sa gym, nagwawarm up na ang mga players ng school nila. Pinaupo ni Ms. Mae ang klase niya sa mga up and down na bleachers. Puwesto sila Sam at Thea sa pinakababang bleachers para kapag pinababa na sila ng adviser nila, mabilis silang makakababa at nagtanong ulit si Thea.
"Besty! Bakit second day palang may Basketball na agad?" -Thea
"Ganun eh. Na-schedule na yung laban nung summer." -Sam
"Eh paano sila nakahanap ng players agad agad?" -Thea
"Separate kasi ang old team sa new team." -Sam
"Pag new? Puro new students? Pag old? Mga old students?" -Thea
"Oo. Matagal pa ang laban ng mga new." -Sam
"Ahh... Aba'y matindi. Nahulaan ko pa yun ah." -Thea
"Ang alin?" -Sam
"Basta..." -Thea
Madami nang tao sa gym. Sa right side ng gym at back part ng gym, mga taga-ibang school and sa left at sa unahan, ang mga Highschool students ng CH ang nakapuwesto. After ilang minuto, they are preparing to start the game. Kinakausap na ang bawat teams ng mga coaches nila at kasama sa unang maglalaro si Marco. Si Hans hindi muna.
Madami nang naghihiyawan at parang ganadong maglaro ang CH team. Si Hans naman, parang wala lang sa kanya yung hiyawan ng tao at cheer sa kanya ng madaming babae habang si Marco naman, masyadong hyper kasi marami ding nagchecheer sa kanya at kasama na dun si Sam. Pagkalipas ng ilang segundo, nagstart na.
*plays*
Maya-maya naka puntos si Marco. Todo ang tili ni Sam kasama ang ibang babae.
"Grabe naman to makatili. Siguro crush mo yun?" -Thea
"Ang KJ mo. Hayaan mo na. Mamaya titili ka din naman kay Hans eh. Aminin! Hahahhaha!" -Sam
*umirap nalang siya at nanood nalang* -Thea
>After 10 minutes<
*Before*
26 ang score ng team CH. Ang kabilang team naman ay 28.
*After* *plays*
2nd quarter: 47-49
3rd quarter: 68-74
Sa 4th quarter, medyo may thrill na para sa CH team ang game habang ang kabilang team, cool na cool lang at cheer ng cheer and mas lalo pa nilang nilalakasan ang pagdru-drums. Sa 4th quarter, pinalaban na si Hans. Di alam ng CH team kung bakit di pinalaban ng 1st-3rd quarter si Hans at ngayon lang.
Si Sam, todo ang tili dahil kinikilig siya. Si Thea naman, parang iritang-irita kasi kulang nalang ihagis siya sa langit ni Sam...
Unang napasa kay Hans ang bola at agad namang nakapuntos. Maya-maya, napasa ulit kay Hans ang bola tapos noong magsho-shoot na siya, di niya sinasadyang maibato ang bola sa pwesto kung saan nakaupo si Thea at tumama kay Thea ang bola. Imbis na icomfort ni Sam si Thea, tili parin ng tili si Sam at hinahampas si Thea dahil kinilig siya kasi si Hans pa ang nakatama kay Thea imbis na yung ibang players. Marami ding nagtilian na para bang kinikilig habang si Hannah ay nakatingin kela Thea at Hans ng masama.
Lumapit si Hans at kinuha ang bola at napansin niyang nakatingin ng masama si Thea sa kanya. Napatitig din siya kay Hannah kaso yung itsura niya parang nagtataka sabay sabi ng "What?" Di parin umiimik si Thea at tumingin sa ibang direksyon. Biglang nagsalita si Sam.
"Hayaan mo na tong besty ko. Ganyan lang talaga yan. Hehehe" -Sam
" *pinapaikot-ikot ang bolang hawak* Sige. Pagsabihan mo yan ah." *sabay talikod at naglakad pabalik*" -Hans
Sa mga oras nayun, marami paring kinikilig na ibang estudyante.
Humarap na si Thea at sumigaw ng...
"GET LOST!"
*biglang napatigil sa paglalakad si Hans at sabay harap at tingin ng masama kay Thea. Nakatingin din si Thea ng masama sa kanya. After a second, tinuloy niya ulit ang paglalakad at nag start na ulit ang game*
"Besty, natamaan ka lang ng bola kaya wag ka magalit. Di niya yun sinasadya.*" -Sam
"Ano ba besty. Loko plan ko lang yun noh! Hahaha!" -Thea
"Loko plan?" -Sam
"iniinis ko lang siya pero di totoo yung inasal ko kanina" -Thea
"Ah. Dami mong alam noh?" -Sam
*break ng ilang sandali ng mga players*
BINABASA MO ANG
Get Lost
Teen Fiction"Get Lost" ang power word ni Thea. Sa tuwing sasabihin niya yun, laging naiirita si Hans habang naiirita naman si Thea sa ugali ni Hans. Si Hans at Thea ay tinaguriang "Love Monsters" sa school nila. Si Sam, ang Besty ni Thea ang nagtutulak sa kanya...