WAG MONG TINGNAN-One shot

89 4 0
                                    

Tumingin muna ako sa kaliwa, check! Kanan? Check! Pinagmasdan ko yung mga classmate ko sa unahan. Busy sa kakadaldal. Good! Lastly, sa aking likuran, buti nalang at bakante ang mga upuan.

Dahan - dahan kong inilabas amg aking sketch pad.

" Bakit ang gwapo mo?" tanong ko sa aking sarili at pinagmasdan ang lalaking prenteng nakaupo habang may nakasaksak na earphone sa tenga nya.

Pinaikot ikot ko yung  charcoal pencil sa kamay ko habang nag iisip kung ano ang ilalagay ko sa sketch ko ngayon.

Napangiti ako sa aking naisip, mukha tuloy akong timang.

Inumpisahan ko na ang pagguhit sa aking sketch pad. Kalimitan ay mukha ng tao, anime, pati na rin ang lettering. Kaya ngayon, ang model ay si Trent Torrano.

Trent Torrano. Ilang taon narin akong  may gusto dyan. Simula ata ng grade 8th ako. Pero ako kasi yung tipo ng babae na hanggang tingin lang kaya hanggang  ngayon ay di nya parin alam. Kahit nga mga kaibigan ko. Four years ko ring naitago young pagkagusto ko sa kanya. Magaling  kasi akong magtago ng nararamdan.

 Lumipas ang  minuto,at inabot ako ng isang oras. Nilagyan ko rin ng lettering sa gilid name ' I love you Trent Torrano'. Nilagyan ko ng date at pirma kong may puso pa sa dulo.

" Ang  galing ko talaga," puri ko sa aking sarili at ngumiti habang pinagmamasdan yung obra ko.

Naglagay ako ng pink na lipstick, sinadya kong  gawing makapal at hinalikan yung katatapos ko lang na drawing.

"Ihhhh! Ang ganda ng kiss mark ko!" input kong sigaw.

"Hoy Elicia Santos!" Napahawak ako sa aking dibdib at agad na tinakpan yung sketch pad ko.

"Ano yan?! Ano yan ha?!" tanong ng kaibigan ko at pilit na tinitingnan yung hawak ko.

"Sketch pad," sagot ko sa kanya at tumalikod. Agad kong pinilas yung drawing ko at tiniklop sa apat na bahagi at tinago sa bag.

Ayos lang naman kung makita nya yung drawing eh. Pero yung nakasulat don! Syet! I LOVE YOU TRENT TORRANO! Nakatigilid yung nasa drawing ko at hindi mo maiisip na si Trent yun. Pero yung lettering! Malaki ang pagkakalagay ko non. At kung makikita nya at no Trent ay parang gusto ko nang lumubog kung nasa'n man ako.

"May tinatago ka e!" Ngumuso pa sya  at nagpupumadyak na parang bata.

Hinarap ko sya at inabot sa kanya yung sketch pad ko ng walang pag-aalinlangan.

"Yan oh!Tingnan mo pa!"

Tumabi sya sa akin at tiningnan yung sketch pad ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Buti na lang  at di na sya nagtanong pa.

"Oy!Nga pala, sabi mo id-drawing mo ako! Tsaka yung doodle ko."

"Sige. Pag may time."

"Tsk. Dapat pala lumapit na ako sayo kanina at nagpasketch na. Aish! Bakit di ko naisip yun?!"

-------

"Uy! Eli, magc-cr lang kami. Pumunta ka na lang doon," paalam sa akin ni Patricia at umalis. Tamo to! Nang-iwan!

Inayos ko na yung mga gamit ko pati na rin mga bangko na di nakaayos. Isinukbit ko na yung bag ko at naglakad papuntang pinto. Habang naglalakad ay kinuha ko yung cellphone dahil may nagtext.

"Aray!" Shet! May nabunggo pa ako! Bwisit na poste! W-wait? Poste? Shet? Kailan pa nagkaposte sa loob ng room.

"Sorry." Nag-angat ako ng tingin.

"Trent."

Napatingin ako sa paligid, paanong? Paanong kaming dalawa na lang ang nandito?!

"Ah a-ano, ayos lang ako," natatarantang sabi ko at naglakad na paalis pero bago pa ako makalabas ng pinto ay hinawakan nya ang kamay ko at iniharap sa kanya.

"Elle, yung cellphone more nahulog." Sheet! Di na uso ang tanga ngayon Elle!

Agad kong kinuha sa kanya yung cellphone ko at naglakad ulit pero bigla kong narealize name hawak nya pa rin yung kamay ko.

"Ah T-Trent---" Biglang nag init yung mukha ko at lalong  bumilis yung tibok ng puso ko ng higpitan nya ang pagkapit sa kamay ko.

"Wala manlang thank you?" tanong nya ng nakangiti.

"Salamat!" At agad na umalis.

----

Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng maayos mg gabing iyon. Lunes na naman bukas at magtatagpo, panigurado ang landas namin.

Bigla kong naalala na wala pa lang pangalan ko yung sketch ko noong biyernes.

Kinuha ko yung bag ko para kunin yung drawing ko. Nilagyan ko ng pangalan ko sa ilalim at pirma. Ayan, mas maganda na. Isiningit ko sa math book ko at binalik na ulit sa bag.

----

Nakaupo ako ngayon habang nakatingin sa kawalan.

Wala pa ring nagbago pagkatapos noong gabing iyon. Ganon pa rin, hanggang tingin lang ako kahit matagal ko na syang classmate.

"Elicia, peram akong libro sa math," sabi ni Patricia. 'Di ko naman sya masisisi kung bakit nya ako iniwan nung Friday. Natural lang sa mga babae na mag CR muna para magpaganda bag umalis.

"Sige." Kinuha ko yung book at inabot sa kanya.

"Magpapaturo kasi ako. Sige! Mamaya pa naman dating ni Sir eh, late lagi ng 20 minutes." Nginitian ko lang sya at umalis rin.

Kinuha ko ulit yung sketch pad para magdrawing.

Sinimulan ko na ang pagd-drawing sa paborito kong anime character na si Shido ng Date A Live.

"Elicia!" Aish! Si Patricia talaga epal!

"Oh? Ano na naman?!" nakasimangot kong tanong sa kanya.

"Peram ako ng scientific calculator! Bwisit kasi yang si Trent, aba ayaw magpahiram ng Calcu!" himutok nya.

"Trent?!" tanong ko. Shet! Wag mong sabihin na inaagaw nya sa akin yun? Jusko! Ahas!

"Elle?"

"Hala! Naku! Ano ba yan!? Pasensya na Trent! Alam kong nagpapaturo lang ako sayo eh. Kaya dapat talaga ay may dala akong sariling cal--"

"Elicia Santos," biglang tumigil ang mundo ko. Yung drawing ko!

Nanlaki ang mata ko ng buklatin nya yung libro ko at may kinuha na papel doon.

"WAG MONG TINGNAN!" sigaw ko.

Biglang nagkagulo ang buong sistema ko. Napakabilis din ng pintig ng puso ko at nanlalambot sang tuhod ko.


"WAG MONG---" Huli na ang lahat dahil binuksan nya na yung papel. Kainin na sana ako ng lupa! Waaaah! Lahat ng classmate ko ngayon at nakikiusosyo na.

"Elle," tawag nya ngunit di ako nag angat ng tingin. Gusto ko sanang ihakbang yung paa ko pero di ko magawa.

"Elle, tumingin ka sa akin. " Lalo akong kinabahan sa boses nya, napakaseryoso.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin. Hindi ko alam pero parang namagnet ako at napatingin saga mata nya.

May kinuha sya sa bulsa nya. Nakatingin pa rin sya ng seryoso sa akin.

Inabot nya sa akin young papel.  Mukhang matagal na ito, dahil sa kulay ng papel.

"Buksan mo," utos nya at sinunod ko naman.

Di ko alam sang gagawin ko ng mabasa ko yung nakasulat doon.

Isang napakagandang doodle na may mga salita sa gitna na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.


"Be my girl, Elle." Ngumiti ako at tumango.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WAG MONG TINGNAN (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon