Ginising ako ng nanay ko, 4am sya nagigising eh.
"Bakit ka dyan natulog?! hindi kapa nga nkapag palit ng damit mo, nka uniform kpa! at kumaen kaba kagabi?! walang bawas ung tinira kong pagkaen para sayo, anu bang ngyayari sayo anak!?" Maagang pagalit saken ni mama.
"Wala po ma pasensya, ingat , tutulog po ulet ako." Hndi ko alam ang mga pinagsasagot ko, at dumerecho nko sa kwarto ko para matulog ulet, dahil inaantok pako, 5:30 pa dapat ang gising ko at 4am pa lang.
"Hay anak, anu bang ngyayari sayo?" Pagaalalang sinabi ni nanay bago ako makaakyat sa kwarto ko.
Pag gising ko, 6:30am na!! Nagmadali agad ako pumasok sa banyo, pero nung naalala kong wala na nga pla si jessica sa school, napaluha nanaman ako. Hndi ko alam gagawin ko, hndi dapat ako ganito ka apekto, kaibigan ko sya at alam ko dapat mas makakabuti sakanya, kaibigan ko sya na minsan ko lng makausap, kaibigan ko sya, at hangang kaibigan na nga lang yung nararamdaman ko. Pag tapos ko magdrama tinawagan ko agad si hannah.
"Hannah! bakit hndi moko ginising!" galit kong salita.
"Umiiyak ka kuya?" Tanung niya
"Sagutin mo tanong ko hannah!" Galit kong sagot sakanya.
"Kuya parang kakaiyak mo lang, umiyak ka no, dahil kay jessica!" Sabay tawa
"Anung nakakatwa dun?! oo umiyak nga ako! ngayon bakit hndi moko ginising?!" Galti kong sabi kay hannah
"Kasi naaawa akong gisingin ka eh, parang pagod na pagod ka, kya hinayaan na kitang matulog isa pa, my problema ka dn, kailangan mong pagaanin muna yan." Wala akong nasabi sa mga sinabi ni hannah, parang mas matanda siya saken kung magsalita.
"Ah, ganun ba, sge salamat, mag ingat ka nlng, at pakisabi sa adviser ko nagkalagnat ako kya d ako makakapasok, maniniwala sayo yun, ikaw paboritong estudyante nun eh, salamat ha." nagaalala kong salita.
"Wala un kuya! oo sasabihin ko na, wag ka magalala, cge nagbell na papasok nko, ingat ka dyan!" Masiya niyang sagot saken.
Nakatanga ako sa pinto ng banyo, kakaisip ng kung anung pwedeng gawin, ng nagtext si galahad.
"Asan kayo ni jenna bakit hndi kayo pumasok?"
"Nagreply agad ako, pre my konting problema lang wag ka magalala, pg my nagtanung sabihin mo nilagnat ako, wag kayo mag alala, isa pa hndi ko kasama si jenna."
Tinawagan ko agad si jenna pra malaman ko kung nasan siya at kung anung binalak niya bakit hndi siya pumasok, pero out of service, hndi ko na din tinext or tnwagan sila galahad, dahil alam kong umpisa na ng klase nila at makakasagabal lang ako pag ginawa ko yun. Bigla kong naalala ang sulat ni jessica! nagmadali akong hanapin ang bag ko, at ang sulat na nakaipit sa math notes ko! Dali dali kong binuksan at nung babasahin ko na, nag ring yung cellphone ko! si jenna tumatawag, bad timing naman oh!
"Oy bakit ngayon kalang tumawag!" Sabi ko sakanya.
"Hndi ka din pumasok!! tinext ako ni galahad hndi ka daw pumasok!" wika ni jenna, na hndi man lang sinagot ung tanong ko, sa tono ng boses niya, masasabi kong galit pa dn siya saken ewan ko bakit saken, oh bka bad mood lang dahil kay jessica.
"oo hndi ako pumasok, ngayon lang ako nagising eh! ikaw bakit hndi ka pumasok!" Sagot ko na medyo pasigaw din.
"Dahil, dahil, mamimiss ko lang si jessica sa school, ayaw kong umiyak dun, nakakahiya sa ibang classmates naten na makita nila akong naiyak, dahil kilala akong matapang na babae sa school, at palaban at isang babaeng hndi madali mapaiyak, kaya ayaw kong pumasok! hndi ako papasok, ayaw ko na ding pumasok" Umiiyak na si jenna sa kabilang linya ng telepono, hndi ko alam pno patahanin, pero bigla ko nlng nsabi ang mga salitang ito,
"Andito naman kaming mga kaibigan mo ha, nagmamahal sayo, wag ka magalala, hndi ka namin iiwan, hndi kita iiwan jenna, andto kami lagi sayo, kasama mo, kaibigan mo." Hndi nagsalita si jenna, at lalo atang umiyak, ng binaba niya yung telepono. Ang hirap talagang hulaan ng babae, hulaan ng iniisip nila. Naalala kong my babasahin pa pla akong sulat.
Dear aron. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan, kahit minsan lang tayo magusap, alam kong tinuring mo akong bilang isang tunay na kaibigan, sayang nga lang at hndi tayo laging nakakapag usap, at nkakapag hangout dahil nahihiya ka saken, pero ganun pa man salamat at nakilala kita. :] alam kong my pagtingin ka sakin, sinabi na nila sakin yun at halata sayo, pag nagkikita tayo. Salamat sa lahat, hndi nko nkapag paalam ng maayos sana naman ay maintindihan niyo, kailangan na kasi naming lumipat eh, at hndi ko pwdeng sabihin kung saan. Mamimiss ko kayong lahat, lahat ng tropa, lalo na si jenna. Sana pag nagkita tayo wag kayong magbabago, at sana nga magkita pa tayo, ingat kayo lagi, salamat.
Yan ang laman ng sulat ni jessica, hndi ko alam kung bakit niya sinasabi sakin yan, hndi ko tlga na kuha ang gusto niyang iparating, lalo lng akong nghihinayang na hndi ko man lng nasabi na mahal ko siya. Pilit kong tinatawagan ung cellphone niya pero wala na nagiba na siya ng number, hndi ko tlga alam kung saan at anung ngyri sakanya, pro ganun pa man alam kong npaka importante cgro para sa pamilya nila ung lumipat agad na walang sabi sabi. Pagtpos ko maligo, tinawagan ko si jenna, magkikita kami sa isang mall para pagusapan ung mga pangyayari, tutulungan ko sya, dahil wala na ngayon ung bestfriend niya. Paguusapan namin ang mga bagay bagay, at magpapagaan ng loob, ngayong lng kami umabsent sabay pa.