Shane's POV
Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng lalaking to at masyado na rin akong naiirita tawa ba naman ng tawa di ko alam kung pinagtritripan ba ako nito o sadyang ang babaw lang talaga ng kaligayahan niya.
"wala kang balak bumaba? "
Di ko namalayan nandito na pala kami sa MOA ?
"ano ginagawa natin dito ?"
"magpapakamatay gusto mo?"
anak ng kabute naman oh tinatanong ng maayos tas sasagutin ka ng pabalang tama ba yun? ako lang dapat gumagawa niyan.
"magsolo ka! tsaka bumyahe ka pa pinababa mo nalang sana ako kanina tapos binunggo mo yung kotse sa malalaking truck eh di sana nag paparty na ko "
"ang harsh mo "
"Wow? para namang ikaw hindi "
ay ewan ko ba kahit ngayon ko lang nakilala tong lalaking to kung mag usap kami parang close na ... teka lang correction di ko pa pala kilala tong isang to.
"Hoy" tinawag ko siya naglalakad na kasi siya palayo
"Stephen" huh? nabasa niya ba utak ko.
Huminto ito tsaka hinarap ako
"Stephen pangalan ko kaya wag mo akung tawaging Hoy "
Ang gwapo ng pangalan niya haha pangalan lang promise, ay naku naman oh OO sige na gwapo na din siya di naman talaga mapagkakaila eh half kasi ata to mukha kasi siyang kano.
"tinutunga nga mo diyan come on "
"Hoy anong come on ka diyan gusto mo kong pumasok sa loob na ganito itsura di naman kaya ako pagkamalang pulubi at palabasin ng guard "
Eh kasi naman di ba tinalsikan niya ako ng putik.
"Wag mo nga ako tawaging Hoy"
Pagkasabi niya nun hinubad niya yung polo niya at pinasuot sakin
"Suotin mo muna para papasukin ka "
Ako na shock sa ginawa niya at kinilig na din kasi naman eh pinatungan niya ako ng polo plus ang gwapo pa ng gumawa nun feeling ko tuloy nasa korean novela ako haha.
"Habit mo na ba talaga tumunganga ha? "
Natauhan tuloy ako sa boses niya .
"Sorry naman po "
Tsaka sumunod naku sa kanya papasok , ano naman kaya gagawin namin dito Wag niyo sabihing mag . mag mag? dedate kami? naku namn po kahit atat nakung makahanap ng The One huwag naman sa masungit na kulogong to
"Hindi tayo mag dedate " biglang sabi nito.
Mindreader ba siya? pero impossible yun
"May sinabi ba ko "
pabulong kong sinabi tas inirapan ko nalang siya.
Pumasok kami sa isang Boutique na sobrang sosyalin ang dating.
"Good Morning sir "
Sabi nung sales lady sa malanding boses. hay naku naman talaga malalandi sa mundo nagkalat na gusto ko siyang sabunutan di ko alam kung bakit pero basta naiinis ako sa kanya para siyang tuta na nagpapacute.
"Where's Lorene ? "
"I'm here " sabi nung isang girl na nasa likod nung sales lady
Wow napapatulala ako sa kagandahan niya sobra siyang maganda at ang sexy niya kung lalaki ako liligawan ko na ang isang to.
Woooh bakit magkayakap na sila ang bilis di ko namalayan.
"I miss you stephen baby " sabi nung Lorene
Ah gets ko na girlfriend siguro ni Stephen, tss bakit pa niya ako dinala dito kung magdedate lang sila at pinaparusahan ba talaga ako na kailangan pang ipamukha sakin na wala akung lovelife Woooo kayamot lang
"Excuse me po "
singit ko baka kasi magkapalit pa silang katawan sa sobrang higpit ng yakap nila
"Hoy kung dinala mo ko dito para gawing audience sa pagyayakapan niyo ng girlfriend mo pwes sasabihin ko sayo, busy akung tao kaya wala akung oras at kating kati naku sa mga putik natu sa katawan ko "
Tsk. di naman talaga ako busy na tao no palusot ko lang yun .
"Who is she by the way? "
"Ahm I'm Sheee....."
"She's just an annoying, loud and disgusting girl na napulot ko sa bangkita "
Hindi rin siya masyadong harsh ha. inenterupt na nga niya ko sa pagpapakila ang panget pa ng mga adjectives na ginamit niya at what daw napulot sa bangkita? how dare is he? .
"Hoy mamang kulogo para sabihin ko sayo hindi pang bangkita ang maladyosa kung mukha at katawan at how dare you na sabihin. na pinulot mo lang ako? hey FYI kinaladakad niyo po ako it means pwersahan niyo akung pinasama SAYO " sabay irap at crossed arms
"See? kaya pagpasensyahan mo nalang " sabi ni Stephen
"Hahaha she's so funny "
Nag joke ba ko? grabe tong magsyotang to clown lang peg ko sa kanila tss.
"Well then baby what can i do for you? "
Sabi nung Lorene kay Stephen.
" Make her human "
Ako ba tinuro niya? at ano daw make her human di ba sa tagalog gawin siyang tao? so ano akala niya sakin di tao? pakiupakan nga please
"Hoy gago ano kala mo sakin di tao? "
"OO, DI KA TAO kaya gagawin ka niyang tao, kaya itikum mo yang bibig mo at sumunod sa kanya "
Alam niyo yung feeling na Gustong-Gustong-Gustong-Gusto nang pumatay ng tao. yan yung feeling ko ngayon
"Ang harsh mo stephen " sabi ni Lorene
"He means bibihisan na kita kasi puro putik yang damit mo tsaka mas papagandahin na rin kita in short make over "
Ahh yun naman pala.
Ang bait talaga nitong si Lorene para siyang anghel at ang cute niyang magsalita.
In the end ginawa na kung manika ni Lorene kung ano ano ang pinaglalagay sa mukha at katawan ko

BINABASA MO ANG
Finding Love !
Teen FictionAng Love? it can never be found, it will come in a right place in a right time and of course in a right person . yan ang sabi nila. but i cant wait, I cant wait to feel the happiness that they are saying when your inlove. So come and join me in...