Brie's POV
Nakakapagod naman talaga ang school! bakit pa kase nauso ang mga assignment or project chu chu na yan eh!
Habang naglalakad ako, jusko malapit nako sa eskinita ayoko pa naman na dumadaan don kase madilim don pero dun lang kase ang daanan na pede eh! Tsaka ewan ko ba kung bakit may ibang feeling ako pag dumadaan don.
Habang naglalakad ako sa eskinita tumataas agad yung mga balahibo ko.
"Come Here!"
O_____________________O?
"Sino ka bak--- hmmmmmm!!"
Biglang lang may humigit saken na lalake at nilagyan ako ng panyo sa bibig ko at at at everything went black..
"Dala na namen ang kapatid mo."
Hmmm, bakit ang ingay?
"You jerk, that's not brie."
Ha? brie? ako yun ah!
"Sya si brie"
Minulat ko na ang nga mata ko at nakakita ako ng isang lalake na may hawak na baril at at ... nakakatutok sa ulo ko!
"Si--sino k-kayo?"
Utal kong sabi, madame sila.
"That's not my lil sis!"
Tapos sinugod nung mga lalake yung kabila at suntukan dito sipaan doon.
Ako naman pilit inaalis ang mga tali sa likod at paa ko.
Nung natapos na sila magbugbugan biglang lumapit saken yung mga lalake.
"What is your name?"
Tanong nung isang lalake na naka leather jacket.
"B-brie J-jimenez"
Tapos yung ibang lalake tinanggal yung tali sa likod at paa ko.
"Tol, napagkamalan lang yan na kapatid mo magkaparehas ng pangalan eh."
Sabi nung nasa gilid nya, ano daw?
"Sige miss, hatid ka nanamen"
Sabe nung isa pang nasa gilid nya.
"S-sige."
Tapos sumakay na kame sa itim na kotse.
After 10 mins.
"San ba bahay mo miss?"
"J-jan na lang sa eskinita."
Napahinto yung lalakeng englishero na parang nakakita ng multo nanlaki yung singkit nyang mga mata.
"Pierce, hey!"
Sabe sa kanya ng isang lalake.
"Y-you ---
"S-sige una na ko bye."
Tapos lumabas nako ng kotse, may sinabe pa yung lalakeng singkit eh ano ba yun? Yes? Yolo? Yoyo? ewan!
Umuwi nako at nahiga, grabe nangyari saken ngayong araw! whooo! buti na lang nakaligtas pa ko.
Another day..
Pierce's POV.
"Ano bro? sya si Lucky Girl?"
Sabe ni shan, kahit ako nabigla eh alam kong sya yun.
"Pero bakit di ka nya kilala?"
Tanong saken ni renz.
"Ewan ko, hindi ko alam."