Nagtatakbuhan na ang mga mag-aaral papasok ng paaralan nang marinig ang malakas na bell hudyat ng pagsisimula ng mga klase. Ngunit may isang estudyante na tila di naririnig ang bell at sa halip ay mabagal na nililinis ang mga gulong ng kanyang bisikleta. Sa unang tingin, hindi mapapagkamalang estudyante ng naturang paaralan ang batang babae, paano ba naman, hindi sya nakauniporme,sa halip ay naka fitted jacket at loose pants, nakapuyod ang kanyang mahabang kulay brown na buhok at naka sumbrero. Ang tanging suot nyang pangeskwela ay ang kanyang I.D. lace na may nakasabit na cellphone. Habang kinakalikot niya ang kanyang bisikleta, isang binatilyo ang papalapit sa kanya, malinis ang anyo ng batang lalaking ito, maayos na nakasuot ng uniporme at mababakas na mula sya sa mayamang angkan dahil sa malasutlang kinis ng kutis at mga branded na kasuotan. Unti unti lumapit sya sa dalagita, ..
"Fraise, ano ba! May klase na tayo, di ka pa ba papasok? Male late ka na naman nyan.." Tila sinermonan niya ang batang babae.
"Eh, ano naman, wala namang kwenta yung teacher eh,tsaka mas maganda pang linisin ko na lang to kesa makipagplastikan sa mga tao sa loob" matapang nyang sambit sa lalaki nang hindi man lang nagawang linginun ito.
Hinila ng lalaki ang balikat ni Fraise upang humarap ito sa kanya at hinawakan nya ang dalawang balikat nito tsaka sambit nang " Fraise, pwede ba? Hindi ka na bata Fraise! GROW UP! , kung nung elementary nagagawa mo yan ibahin mo ngayong High School na tayo. Tara na! pumasok na tayo.." sabay alis ng kanyang mga kamay at lumakad na sya papasok ng paaralan.
Samantala, tila natigilan si Fraise sa narinig, hindi nya alam kung papano sya magrereact lalo na't nararamdaman nya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ganun din ang pamumula ng pisngi nya. Si Brick ang kanyang best friend at kababata na tinuturing nya na perfect prince of every lady. Ang binata lang ang itinuturi nyang kaibigan at wala ng iba. Buong buhay nya ang binata lang ang nakakaintindi sa kanya, for her,having a guy like Brick is such a wonderful blessing, He became her knight in her darkest days.
"Fraise, ano tutunganga ka lang ba? Tara na,"tawag ni Brick
"oo na papasok na po", sabay akbay kay Brick. May pagka boyish si Fraise, nasa personalidad nya rin ang pagkamatapang at hindi nya iniisip ang sasabihin ng iba, ang mahalaga sa kanya nagagawa nya ang gusto nya kahit pa sino humadlang wala syang pakialam kahit ang kanyang ama pa.
Sa silid- aralan
"Mr. Yamato,..(sabay baling ng atensyon sa di nakumipormeng si Fraise) , I'm not surprised you're late on the first day of class as expected Ms. Smith" aroganteng sambit ng teacher na si Mr. Clawfield
"and so? Mr. Claw? Anyway you're just a paid worker in this campus, don't mind other's business!", matapang na sagot ni Fraise
Tila naman bulkan na umuusok sa inis ang teacher, " how impolite you are!!!don't worry I' ll still be glad seeing you in my classes in the next school year..if not, then you'll graciously passed.."
"How come you'll see us?,[pataray na tanong ni Fraise
"I said it's only you Ms. Smith"
"Oh really, okay, let's meet some other time outside the campus when you're fired" patuloy ni Fraise
Hindi na nagulat ang klase sa pambabara ni Fraise. Nasanay na din silang nakikipagdebate ito sa mga teacher sa school. Madami nang teacher ang umalis dahil kay Fraise, karamihan sa kanila, hindi na kinaya ang pananagot ng dalaga kaya mas minabuting lisanin nalang ang paaralan.
"Excuse me, may I interrupt for a while", tila repering sumisingit si Brick "I think it's not a good idea to start the day with madness,time is running Mr. Claw, why not start the class? Speaking of professionalism.."
YOU ARE READING
Paint of Love
Short Story"Sa ibaba ng bundok ng Eartherls matatagpuan ang sikat na paaralan na BLUEARTHERLS MOUNT HIGH, isang institusyong humuhubog ng magagaling na mag-aaral mula sa mayayamang angkan. Dito sumibol ang walang kapantay na pagkakaibigan at wagas na pagmamah...