It's him.

2 0 0
                                        

" Mom , do I really need to transfer in that school?"

" Yes my son, It's better na andun ka kesa manatili ka dito..iho, move on, Cathy is gone. I know she's happy wherever she is now"

" right Mom, I know she's happy.. she will always be in my heart.. my best ang my first love"

"halika ka nga iho, I ha hug kita"

" thanks mom,"

" just continue smiling and continue your hobbies huh? Be a good painter and swimmer while I'm not around for you"

" you're not coming with me?"

"Nope, still business matters..hindi na kita maihahatid sa airport bukas"

"okay mom, but promise to visit me"

" alright son"

***

"Nakita mo naba yung transferee? Di ba ang cute nya?" sambit ni Allie

" Oo nga, balita ko nga, magaling na swimmer, musician at model daw yun sa ibang bansa!" kinikilig na wika ni Jenny

"May nagsasabi painter din daw yun"

"hmmm di ko na research yan ahh..grabe excited na ko makaklase sya, for sure A section din yun kasi balita ko magaling din sya sa academics!"

" huli ka na sa balita section B na sya. Sabi ayaw daw nya sa A section." Wika ni Allie

Narinig ni fraise ang usapang ito ng mga kaklase nya. Tila naku curious sya sa hitsura ng pinag uusapan nila ngunit nakaramdaman din sya ng pagkainis dahil mukhang hindi na sya ang magiging bida ng paaralan nila.

Lumipas ang panahon, matatapos na ang pagiging second year nya.. magiging juniors na sila ay hindi nya pa nakikita personally ang lalaki tanging sa larawan nya lang nakita ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Nalaman niya din ang buong pangalan nito dahil sa kapi- FLAMEs na mga kaklase nya sa pangalan nito at nila na isinusulat pa talaga sa blackboard. May pakakataon pa ngang naririnig niya ang cheer ng kaklase nya tuwing napapadaan sa pasilyo ng room nila ang binata ngunit sa di nya malamang dahilan hindi niya ito man lang maabutan. Palagi kasing natatakluban ito ng mga kaklase nyang patay na patay sa lalaki. Unti unti nakaramdam siya ng inis hindi dahil sikat lang ang lalaki, ito ay dahil hindi na sya napapansin ng mga estudyante. Wala na ang Fraise na sikat, tinakluban na ito ng Arthur Van Lee isang pamosong swimmer, athlete, musician, singer at ang idinedeny nyang pagiging painter.

Magsisimula na ang klase para sa ikatlong taon, bago ang araw ng pasukan , naisipan ni Fraise na pumunta sa secret room at doon ay mag paint. Suot ang kanyang cap itinago niya ang mahaba niyang buhok at isinuot niya ang damit panlalaki na shirt at loose pants.

Unti unti nyang binuksan ang secret room nang tila may naramdaman syang nasa loob nito. Iniisip niyang si Brick ito kaya pumasok agad sya ngunit...

" sino ka?? Ang lakas ng loob mong pakialaman ang art room na to !" sabay suntok sa lalaking noon ay napipinta

Natumba nag lalaki dahil sa lakas ng kasuntok ni fraise. Agad itong tumayo at akmang gaganti nang pagsuntok nang matalisod si Fraise at natanggal ang cap nito. Masuwerte sya at hindi naabot ng lalaki ang mukha niya kundi baka dugo na ito dahil sa laki ng kamao nito.

" babae ka?? Buti nalang natalisod ka.. muntik na kitang masaktan"..malambing na bigkas ng binata

"Eh ano naman kung babae ako.. ikaw si.----." natigilan sya ng mamukhaan niya ito

" I'm Arthur Van Lee, pasensya na kung pumasok ako dito, school facilities naman to kya I think everyone deserves to be here"

"Mali ka! Wala kang karapatan na pumasok dito! Umalis ka na!

" wait ..bakit ba ang OA mo..Can't you see di pa ko tapos mag paint kaya di ako aalis!" makulit na sambit ng binata\

" paint pala ha.. Kumuha sya ng pintura at tinapunan ang pinipinta nito} ayan that's art!

Tila nainis si Arthur sa ginawa nya at hinawakan nito ang kamay niya at idikit sya nito sa dingding

" GROW UP! Ang immature mo!

Natigilan si Fraise, hindi na nya nagawang magsalita ulit dahil umalis na si arthur bago pa sya makapag react.

Tsaka lang niya napagtanto ang painting na binuhusan nya, isang lalaking malungkot ang naka paint at may babaeng papalayo sa tabi nito.. Hindi nya alam ngunit parang nagi guilty sya sa ginawa nya pero naisip nyang tama lang yun.. at least nakaganti sya sa taong kinaiinisan nya.

Paint of LoveWhere stories live. Discover now