LoveCycle 29

779 31 2
                                    

:::::::::::YUKI'S POV:::::::::::::

"Culinary arts department...."

Nagsigawan ang lahat ng mga taga suporta ng taga culinary arts pero ako parang nabingi sa aking narinig.

Pa-paano? Hi-hindi kami nakapasok?

Halata ring hindi makapaniwala ang iba at ang iilan sa kanila ay nagbulung bulungan na. Napatingin naman ako kay john at miski siya ay hindi makapaniwala dahil dito ay tinignan ng MC ulit ang resulta at biglang nanlaki ang mata niya.

"so-sorry for interruption..... Ma-may konting pagkakamali lang pong naganap dahil ang culinary arts department po ay tanging SPECIAL AWARD lang po pala ang nakuha at hindi ang top 1 dahil ang accountancy department po ang siyang nakakuha nito" ang sabi ng MC sabay pakita niya ng resulta.

Natahimik ang lahat sa sinabi ng MC

Kaya ang lahat ay napatingin sa monitor at doon ay nakita ko, namin na ang culinary arts dept. Ay nasa sepcial award nakalagay at ang dept. Namin ay siyang nakabngwit ng top 1 kaya ang kanina katahimikan ay biglang nagsigawa ang lahat at ang iba ay hindi makapaniwala sa nangyari.

Habang ako ay napayakap kay john nalang bigla at may tumulong kokonting luha sa akin.

"so-sorry for the mistakes" ang pagpapaumanhin ng MC pero hindi ko na pinakinggan yun basta ang importante ay nakapasok kami.

"sisiguraduhin kong matatanggal sa trabahong iyang MC na yan!!! Ayaw ayusin ang serbisyo niya." ang narinig kong sabi kay john pero di ko na pinansin yun dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

"YEHEYY!!!! WOHHHH!!!! YESSS!!!!"

Sa sobrang tuwa ay nagsigawan ang mga taga suporta namin ni john at si john ay niyakap nalang ako at binulungan ng we did it.

"so-sorry again for the mistakes i've do-done." ang sabi ng MC...

************

"naku!!! Masasapok ko talaga yung MC na yun kung wala lang talagang tao kanina ay naupakan ko na yun. Kanina pa yun sa akin eh, grabe pa makatingin sayo" ang sabi ni john, nandito kami ngayon sa cubicle at mukhang hindi pa rin siya makapag move on sa nangyari.

"ano ka ba john hayaan mo na nga atleast naitama niya na ang pagkakamali niya diba" ang sabi ko dito. Kaya wala naman siyang nagawa kung hindi tumango.

"wait ano pa pala ang isang part ng contest?" ang tanong ko dito.

"madali lang naman yun yuki, may itatanong lang ulit ang MC sa atin pero this time ay pareho rin ang tanong sa ibang contestant"ang sabi ni john kaya napabusangot ako.

"ano ba yan ba't puro tanungan nalang, sumasakit na utak ko tuloy" ang reklamo ko dito.

"huwag ka ngang mag pout diyan yuki, sige ka hahalikan kita" ang sabi ni john sa akin kaya nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

"oy... Kinikilig!!! Bakit gusto mo ba halikan kita yuki? Willing naman ako eh......aray!!! Ang hilig mo talaga mangurot" ang reklamo ni john.

"tumahimik ka nga ang hilig mo ring manga asar eh nu" ang sabi ko dito pero ang loko ay niyakap lang ako.

Handa na ba talaga akong sagutin ito mamaya?

************

"what will you do to encourage to stop those people who discriminate the LGBT community and how do you tell them that they should respect too, the LGBT community."

Ito ang tanong kay john at sa akin na ngayon lang namin nalaman dahil kapag hindi mo pa oras na sumagot ay hindi mo kailangan marinig ang tanong kaya habang naghihintay kami ay may nakalagay sa tenga namin upang hindi marinig ang tanong.

The Love Cycle Of Mafia : Fight For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon