Ang Paglilitis kay Rizal
Ang paglilitis kay Rizal ay isang maliwanag na patunay ng kawalang-katarungan ng mga Espanyol.
- Hindi binigyan si Rizal ng karapatan na makaharap ang mga saksi laban sa kanya sa harap ng hukuman.
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ng paglilitis
1. 8:00 am Disyembre 26,1896
-sinimulan ang hukumang militar ni Rizal sa Cuartel de Espana.
7 miyembro ng hukumang-militar:
Ten. Kol. Jose Togores Arjona (pangulo)
Kapt. Ricardo Munoz Arias
Kapt. Manuel Reguera
Kapt. Santiago Izquierdo Osorio
Kapt. Braulio Rodriguez Nunez
Kapt. Manuel Diaz Escribano
Kapt. Fermin Perez Rodriguez
*Dr. Jose Rizal (ang akusado)
*Ten. Taviel de Andrade (kanyang Tagapagtanggol)
*Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)
*Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-usig)
*Josephine Bracken, ilang mamamahayag, at maraming Espanyol
2. Binuksan ni Huwes Tagapagtanggol Dominguez ang paglilitis na nagpaliwanag ng kaso laban kay Rizal.
Sunod niya’y si Tagapag-usig Alcocer na tumindig at nagbigay ng mahabang talumpati nagbibigay buod sa mga kaso laban kay Rizal at nanghihikayat sa hukuman na ipataw ang kamatayan sa akusado.
3. Tumayo si Tagapagtanggol Taviel De Andrade at binasa ang kanyang masusing pagtatanggol kay Rizal.
Winakasan niya ang kanyang pagtatanggol ngunit bigong paalala sa mga miyembro ng militar:
“Ang mga huwes ay di kailangang maging mapaghiganti; ang mga huwes ay dapat maging makatarungan. “
4. Nang maupo si Ten. Andrade, tinanong ng hukuman si Rizal kung mayroon siyang gustong sabihin.
Pagkatapos, binasa ni Rizal ang karagdagang ulat sa pagtatanggol na isinulat niya sa kanyang selda. Sa ulat na ito, pinatunayan niya ang kanyang pagiging inosente sa pamamagitan ng 12 puntos.
12 PUNTOS
1. Wala siyang kaugnayan sa rebelyon dahil siya pa mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas.
2. Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.
3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.