Chapter 2- Game Academy

20 3 2
                                    


Richard's Pov
Asa train station na kami para sumakay papunta sa Hashland at mag enroll sa GA
ng may makita kaming mag kakaibigan na papunta din dun at narinig ko ang isa sa mga sinabi nila.

"Kuya kuya! narinig ko yung pinag uusapan ng mga yun papunta din sila sa GA at maysasalihan daw sila na tournament tawag daw dun Tournament Of Power na pag ang squad mo ay natalo may parusa galing sa PGS 'di ko kilala sino yung tinutukoy nila"

"Sasalihan natin yan, mananalo tayo hangang nandito ako" pagmamayabang ni Scott

"Di nga natin alam kung anong ang kaparusahan sa Tournament nayan" Sabi ni Louis

"Oo nga" Pag sangayon ni kuya kay Louis

"Pero mukang masaya yun" Sabi ko sakanila

*Train station speaker*
All passengers of Train 62417 maaring pumunta na kayo sa gate 4 .

"o nandyan napala yung sasakyan natin ehh" Sabi ni kuya

"tara na baka tayo ay maiwan" sabi naman ni louis nauna na sya mag lakad

Paupo na kami sa mga upuan namin na may bumanga kay louis

"Tol mag ingat ka naman" Sabi ni Louis sa lalakeng nakabanga sakanaya

"Bakit lalaban kaba?" Maangas na tanong ng lalakeng nakabangga kay Louis

"Louis, may problema kaba dyan?" Tanong naman ni kuya si kuya kasi siya ang pinakamatapang sa amin lahat pero kahit na ganun sya napaka bait at masayahin sya.

"Oo nga" habol naman ni scott na nasa tabi ni kuya

"Bakit tol? Lalaban na ba kayo?" Pag babanta ng nakabanga

"Tol ayaw namin ng away" Magalang na sabi ni louis sabay upo at 'di na pinansin ang lalakeng iyon.

"Louis bakit ka umupo? hahayaan mo nalang ba na bastusin ka ng ganun?" Nagtataka kong tanong sakanya

"Ayaw ko lang talaga ng away lalo na bago palang tayo sa paaralan nayun malay ba natin may kapit na yung mga lalake na yun sa school, diba nga may mga gang dun" Pagpapaliwanag sakin ni Louis

"Pero kahit na sana 'di ka nag pa bully dun"

*Train captain speaking*
"We will arrive within 5 mins"

"Malapit na pala tayo" Sabi ko

"HAHAHAHA GA here I come" Sabi ni Scott

Pagka-baba namin sa train
binanga ulit kami nung lalake.

"'Di ka talaga titigilan nyan louis" sabi ni kuya

"Wag na jas, mapahamak ka pa" Pag pipigil ni louis kay kuya

May lumapit samin na mga babae

"Ohh new students kayo dito?" Tanong ng isa sa mga babae

"Ahh oo" Sagot ni kuya sa babae

"Hi im Erza Scarlet, Top 7 sa boung school" Sabi ni Erza

"Hi im Maxine Scarlet nakakabatang kapatid ni Erza and, Top 9 sa boung school nice to meet you" Pagpapakilala naman ni Maxine

Ang ganda ni Maxine 'di ko makalimutan ang nga ngiti nya kanina at ang malambot nyang kamay. Asa tapat na kami ng Admin Office.

"Sir mag papa enroll poba kayo?" Tanong ng isang babae na naka ngiti kay kuya

"Opo ma'am gusto lang po namin sana malaman sino po kakausapin namin para makapag enroll na po kami" sabi ni kuya

"Pasok na lang kayo sa pinto" Tinuro ng babae ang direksyon.

Nagulat kami kasi pag pasok naman sumunod ang babae at umupo, pinaupo din nya kami sa tapat ng lamesa nya at sakto apat ang upuan sakto saming apat.

"Ma'am mag kano po ba yung tuition fee?" sabi ni kuya

"Ayy walang bayad dito, lahat libre basta 'di ka babagsak sa ranking ng school kasi pag bumagsak ka may mangyayaring masama and isa pa WE DONT LIKE LOSER. Ito nga pala yung mga uniform nyo at ito ang schedule ng bawat isa sainyo at ito nadin ang susi sa dorm natitirhan nyo, and may sasabihin pa ako sainyo always remember this, this is the one and only rules WAG NA WAG KAYO LALABAS NG 7 pm tandaan nyo yan"

Lumabas na kami sa office ni ma'am, at malapit na kami sa dorm namin napansin ko lang lahat halos lahat ng tao pinaguusapan si kuya parang kilala nila si kuya.

"O dito na tayo" Sabi ni Louis

Pumasok na kami sa loob medyo maliit ang dorm pero sakto na 'to para samin apat may dalawang kwarto naman itong dormz

"Kuya lalabas lang po ako, mag papahangin lang"

Nag lalakad ako sa boung campus ng mapadaan ako sa isang garden na maliit at walang gaanong tao may nakita akong isang babae na nakaupo sa ibaba ng puno palapit na ako sakanya ng tumingin siya sakin nakikilala ko siya , isa siya sa mga babaeng kumausap samin nung pag baba namin sa train kanina siya si Maxine, nagulat nalang ako ng hindi nya ako pansinin at umalis sya agad, well siguro dahil dipa kami close so talagang di nya ako papansinin, nagulat ako ng sumigaw siya sakin.

"Bumalik kana sa dorm mo"

Chineck ko ang relo ko 6:45 pm na pala malapit na mag 7 pm and bawal na lumabas ng maga oras na yun kaya binilisan ko mag lakad papunta sa dorm, pag dating ko dun nagluluto si kuya ng kakainin namin magaling din kasi si kuya mag luto minana nya kay papa, after ilang minuto biglang sumigaw si kuya at sinasabing kakain na kami, lumabas agad ako at ang dalawa at kumain na kaming apat, at natulog na
iniisip ko padin kung anong meron at bawal ng lumabas ng 7 pm?
diko namalayan nakatulog na pala ako.

Game Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon