꧁ ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴏɴʟʏ ꧂

51 9 5
                                    

Zhyrene's POV

"Zhy! Tara swimming tayo!" sigaw ng kaibigan kong si Kaye.

"Sige una na kayo! Susunod nalang ako mamaya!" sabi ko at nagpatuloy sa pagtype ng ichchat ko dito sa classmate namin na kasama rin sa swimming.

Sa totoo lang nung mga nakaraan, chat na siya ng chat. Pero ako rin 'tong si bored, reply ng reply. Bakit ba? Bored ako, eh, kaya magrereply nalang ako.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi niya nalang ako kausapin ng personal, eh, magkasama naman kami. 

Tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Vincent.

Vincent: Oh, bakit di ka sumama sa kaibigan mo na magswimming?

Zhyrene: Eh, sa tinatamad pa ako eh. Ikaw? Bakit di ka pa rin magswimming?

Vincent: Wala lang hehe.

Zhyrene: Ay nako. Ang sabihin mo, nag eenjoy kang katabi si Venize. Porket sexy eh. Hay, pare-parehas talaga kayong mga lalaki.

Vincent: Oy, hindi ah!

Zhyrene: Sus, ayaw mo pa umamin.

Vincent: Ayaw mo pa kasi magswimming. Tsaka kung nag-eenjoy ako dito, dahil 'yon sa kachat kita. Kaya hindi muna ako pumupunta sa pool.

Huh?

Bigla akong napatingin sa direksyon niya pero pag-angat ng ulo ko, andito na siya sa harapan ko.

Inabot niya sakin ang isang malaking chocolate na dairy milk, malaking teddy bear na kulay pink, at isang dark mocha frappe.

"Para saan 'to?" takang tanong ko.

"Hindi ba paborito mo 'tong mga 'to?"

"Oo naman, paano mo nalaman?"

Nilingon niya naman ang kaibigan kong si Kaye na pulang pula at nagtatatalon at sumisigaw pa.

"Omg! Ayan na waaaah!"

Bigla namang nagsitinginan ang mga kasama naming classmate sa dereksyon namin dahil sa pagsigaw si Kaye.

"Oy tol! Vincent! Di ka na torpe? Hahaha!"

"Lalandi niyo!"

"Zhyrene and Vincent waaaah! Forever!"

"AlDub pa rin, mga ulol!"

"Sana all huhu! Penge ako chocolate at Starbucks Zhy!"

Tukso ng mga kaklase namin, dahil nakita nila ang mga hawak ko at si Vincent sa harapan ko.

Sa tingin ko ay pulang pula na 'ko at hindi ko na alam kung anong mga nasa isip ko.

"Zhyrene? Alam kong alam mo na nung mga nakaraang araw pa ako sa'yo nagpaparamdam sa chat. Pero ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo 'to sa personal. Can I court you?" sabi niya at bigla akong natuliro sa sasabibin ko.

May nabasa ako sa internet na kung may isang tao raw na nagtanong sa inyo na kung pwede manligaw, dapat daw ay siguraduhin mong magiging masaya ka at hindi dapat namimilit ang nanliligaw sayo.

"Don't worry, kung ayaw mo.. we can still be friends, right?" Dagdag niya at ngumiti ng tipid.

Sa tingin ko, magiging masaya naman ako kung liligawan niya ako..

ᴏɴᴇ sʜᴏᴛ | ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴏɴʟʏTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon