Chapter 5

5 0 0
                                    

Megan's POV

"Ah ganun gusto mo ng habulan? I'll give you what you want babe.Get ready I'm comingggggg!" narinig kong sigaw ni Liam pagtingin ko tumatakbo na siya

Binilisan ko ang takbo ko. Kailangan mapakinabangan ko ngayon ang pagiging runner ko aba syempre para saan pa ang pagiging champion ko jan kung hindi ko magagamit ngayon?

Tiningnan ko ulit siya, eh? Asan na siya? Pagharap ko nasa harap ko na siya at kinuha kamay ko sabay hug.

"Gotcha" sabi niya habang hinihingal

"That's not fair! Nagshortcut ka eh may daya" bumitaw siya sa pagkahug at tiningnan ako. Nagpout naman ako.

*tsup

"Wag ka nga magpout baka hindi ko mapigilan sarili ko eh." napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Edi mabuti haha"sabi ko. Nagsmile siya ng malapad na malapad.

"Gusto mo talaga ng kiss ko no?" oo naman pero ayoko nga sabihin baka abusuhin niyan ang lips ko

"Dream on boy! haha pag nagpout kasi ako tapos kikissan mo ako edi madaming batok ang aabutin mo" i said it with a smirk on my face.

"Ayus lang para sa lips mo haha" eh?

"Ah so lips ko lang pala minahal mo langya ka" grabi ah lips lang pala gusto ewwww

"Abs ko lang nga minahal mo eh"sabi ni Liam.

"Eh? paano mo nalaman?" Di nga ako nagpapahalata eh haha

"Tingnan mo to sabi na abs lang tsk" sabay walk out.

Hinabol ko siya sabay hug sa likod niya. Eh bakit ba ang ganda kasi ng moment namin tapos magtatampo lang to tss

"Galit ka na niyan?" tapos humarap siya sa akin. Bale yung backhug ko kanina naging front hug hahahahaha he hugged me back

"Hindi. Gusto ko lang lambingin mo ako. Oh diba effective"

"Asa ka namang lalambingin kita ewwwww" sabi ko pagkahiwalay sa hug namin tapos nag act ako na parang nandidiri.

"Sus patay na patay ka naman sa akin" sabi niya

"Kapal mo! ikaw kaya yung patay na patay sa akin" tinaasan ko siya ng kilay and nag cross arms ako.

"Sabi ko nga ako nga" inakbayan niya ako papunta sa kotse niya then kinuha niya ang gamit namin.

Pumasok kami sa parang bahay doon. Kasi may place para sa guest, yung mga gusto dito sa resort nila. Yung bahay na pinasukan namin para sa may sarili ng resort napapalibutan siya ng mga tutuluyan ng guest inshort nasa gitna kami. Resthouse yun and swear ang ganda and ang laki.

Kami lang dalawa ang nandoon sa resthouse. Hinatid niya ako sa magiging kwarto ko na katabi lang ng kwarto niya. Sabi niya susunduin niya ako mamaya for a walk.Syempre hindi kami sa iisang room ang panget kayang tingnan. Isa din ito sa nagustuhan ko sakanya, may respeto siya sa babae.

Narealize ko nga ang swerte ko pala. Biruin mo basketball player, heartthrob,mabait,gentleman,sweet, mapagmahal at loyal basta perfect guy siya for me.

Sana kami na foreveeeeeeer ^_^

Since 2pm palang naman sinuot ko yung shades ko na malaki, yung beach hat ko, dress na above the knee and slippers.

*knock knock

"Babe are you done? Pwede pumasok?" sabi ni Liam

"Come in!" sigaw ko, eh nasa harap ako ng mirror eh. Just checking myself out :D

Nakita ko naman sa reflection ng mirror na nasa likod ko si Liam at niyakap ako.

"You look so stunning right now babe" sabay patong ng baba niya sa shoulder ko.

"Lagi naman eh haha" totoo naman eh. Lagi naman ako stunning haha kapal ko no? hihi

"Tsk kaya nga ang dami kong kaagaw eh" -Liam

"Oooooh *0* madami ka talagang kaagaw. Ganda ko kaya. Kaya pag-iniwan mo ako may pamalit ako sayo :P"

Liam's POV

"Oooooh *0* madami ka talagang kaagaw. Ganda ko kaya. Kaya pag-iniwan mo ako may pamalit ako sayo :P"

Sheyt sa mga sinabi ni Megan lalo lang akong nahihirapan na sabihin sa kanya ang totoo.

Yung ideya palang na makikita mong masaya siya sa iba, masakit at ayokong mangyari yun. Kung may magagawa lang sana ako......

(A/N: Hi guys! Sana po kahit papano maenjoy niyo yung story ko :) and please comment kayo and vote para may idea ako kung nagugustuhan miyo yung story or hindi :D ciao! ;) )

Part WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon