Chapter 2 - telling my bff's who's my crush.

49 2 0
                                    

Ashley's POV

Nasa canteen kami ngayon, di ako makasagot kasi nga baka ibulgar nila ako kay moises pag nalaman nilang si moi yung crush ko,, hays! Bahala na!

👌

"Huy! Sino nga kasi!!!" Sabi sakin ni Alyssa. Di parin ako makasagot, wait, gagawa nalang ako ng palusot.

"Uy!! Pila na!! Time na oh!! Kailangan na natin pumunta ng Quad!!" Tapos tumayo ako sa upuan ko at hinila ko si ian at alyssa palabas ng cafeteria. At pumila na kami dito sa quad, omg! Nandyan na! Ang pogi naman talaga! Kahit anong anggulo! Hayys! at diko namalayan, nakaakyat na pala sila! Naku! Nakakahiya! Nahuli ako! Baka nakita ako ni crush! Hayss sana hindi naman... Pagkadating ko sa classroom, buti wala pa yung teacher, so nag ready ako ng notebook kasi sabi may ipapasulat daw samin sa science ng mahaba.. so ito naglabas ako ng notebook, at biglang dumating yung teacher.

"Good Morning, Ms. Cris!" sabi naming lahat.

"Good morning class, sit down!" sabi ng teacher, then umupo na kami. tapos nilagay na yung manila paper, actually 5 manila paper, naku! Ang haba!! kailangan kong matapos agad! Ano bayan, 2nd week of school palang, ang dami ng ginagawa! Hanip!! At eto ako nagsusulat.. bigla naman akong kinausap ni Ian at Alyssa.

"ASHLEY!!!!"

"Ay! Moises!" sabi ko! Hala! Patay!! nasabi ko yung name ni crush, sht! Patay ako!!

"Sino si Moises?? Yiiiee! Sya yung crush mo noh?? Yiieeee! Inamin mo na rin!!!" Sabi ni alyssa

"Si Moises lang pala eh! Di mo ba alam, magkaibigan kami?! Yesshh! sasabihin ko sakanya mamayang lunch break!!" sabi naman neto ni Ian!

"Alam nya naman na crush ko sya eh" sabi ko naman.

"Kahit na!!!!!!!" Sabi ni Ian at alysaa ng sabay.

"Sshhh! Alyssa and Ian, your so noisy there! Go back to your proper seat!" sabi ni ms. Cris, hahah ang kulit kasi ng dalawang to.

"Ok po, Ms." sabi ni Ian at alyssa.

>>> FAST FORWARD <<<

LUNCH BREAK!!!!!!!🎉🎉

"Dun tayo sa kanina nating table! Sa tabi ng table nila Moi!!!" sabi ni Ian.

"Hahahh!! Oo nga!! Sige!!!!!" Sabi naman ni Alyssa, mga baliw naman tong dalawang toh. Ayun, nag 'oo' na senyas nalang ako, tapos nandito na kami sa canteen, medyo maaga kami pinababa, kaya wala pa si crush.. umupo kami ni alyssa, at si Ian naman bumili ng lunch nya, tapos nag-usap kami ni alyssa, bigla namang dumating si crush, naglalakad...

"Ayun sya, alyssa! Ayun!!" Sabi ko

"Yiiieee! Uy tumingin sya sayooo!! Syet kilig much!!!!" Sabi ni alyssa.

"Hahah, sige na kumain ka na dyan! Marinig ka pa eh!" Sabi ko sakanya.

"K" sabi naman ni alyssa. Medyo di ako nakakakain ng masyado kasi nga nandyan sya eh.. medyo kasi parang nacoconcious ako sa galaw ko, baka kasi ang gaslaw ko, dapat mahinhin lang ako, grabe tumitingin sya, nakakakilig naman! Nakatingin lang ako sakanya, ng biglang

"ASHLEY! TUNAW NA TUNAW NA PO SYA!" sabi ni Ian at alyssa! Tapos nag tawanan nalang kami, at patuloy na binubulgar ako kay crush.

Kala ko crush lang, mahal na pala kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon