"For he can see that even wise men die..."
Kasunod ng first sprinkle ng about ng yumaong si Don Salvatore Davila sa San Joaquin River at inihagis ni Sophia ang hawak na puting bulaklak. "Au revoir, Lolo... till we meet again."
Sinisimulang kantahin ng mga naiwan ng yumao ang paborito nitong awit na "Somewhere." Mahigit sa dalawampung tao ang nakapuwesto malapit sa cliff. Mula roon tanaw ang ilog. Sa hanging bridge, naroroon ang pari at mga kapamilya ng namatay.
Naglaro sa isip ni Sophia ang masasayang alaala ng kanyang abuelo . Someday, somewhere, we'll find a new way of living. We'll find a way of forgiving... somewhere." Awtomatikong namutawi sa kanyang bibig ang lyrics ng kanta habang tumutulo any kanyang luha. Ngayong ibinubudbod na any ago ng kanyang lolo, saka na niya na- realize na labis niya itong mami- miss sa buhay niya. And that she had lost him forever.
Labing- apat na taon na ang nakararaan nang umalis siya ng San Joaquin kasama ng kanyang half sister na Canadian. Since then, she had never come back to visit her grandfather dahil sa tampo niya sa kanyang ama nang muli itong mag- asawa. She was twelve at that time. Divorce and mommy niya na isang Canadian nurse. May isang anak ito sa una nitong asawa. Ang daddy niya, si Dr. Clark Davila, ay medical student noon sa Québec. Nang makapagtapos ito, nagpakasal ang dalawa roon. At nang maipanganak siya ay nagpasya ang mga itong sa Pilipinas na mamirmihan. Sa dalawang magkapatid, ang kanyang daddy at kanyang Tita Elsie, na isa ring mangagamot, ang namalakad at nag expand ng San Joaquin Community Hospital na pag aari nila. On her twelfth year, namatay sa breast cancer any kanyang mommy. Just eight months later, isiniwalat sa kanya ng ama any tungkol sa plano nitong pagpapakasal sa high school sweetheart na matagal na ring biyuda. Noon siya nagpasyang bumalik sa birthplace niya.
Agad niyang kinontak si Carol, who was her eight years senior, and a dance performer in the capital city, Ottawa. Nakatir ito malapit sa kanilang apartment sa Québec. Bago muling ikasal any kanyang ama, dumating si Carol sa San Joaquin upang sunduin siya. Carol had always liked to travel at Hindi pa ito nakararating sa Pilipinas kaya sinamantala any pagkakataong bisithin siya. Her half sister could have been caused of kidnapping, although her dad never did. Isinama siya nito sa Maynila at inayos ang kanyang papeles upang makabalik sa Canada. Hindi naman iyon naging mahirap dahil doon siya isinilang. Isinekreto nila iyon sa daddy niya, ayon na rin sa kahilingan niya. Sa Maynila, nagpadala si Sophia ng telegrama sa kanyang Lolo Salvatore, nagsasaad na lilipad na siya patungong Ottawa kasama si Carol. She never came back since then. Mula nang magkaayos silang mag- ama sa telepono noong labing- anim na taong gulang na siya at naging regular any pagdalaw nito sa kanya sa Canada, provided hindi into isasama any stepmother niya o kahit alinman sa mga kapatid niya sa ama. She had two, sina Rachel at JR. She never cared to see or know anything about them. Nang mga panahong iyon kasi, nagging abala na si Sophia sa kanyang ballet career. She had been dancing since she was four, at ang impluwensiya ni Carol ang siyang nagtulak sa kanya sa career na iyon. "Hold my hand and we're halfway there. Hold my hand and I'll take you there. Somehow ...someday...somewhere..."
Sa pagtapos ng awitin, nagmulat siya ng mga mata. Kinuha niya ang kanyang corsage mula sa pagakaka- aspile niyon sa kanyang putting bestida, saka inihagis sa ilog. "Goodbye, Lolo Salvatore."
BINABASA MO ANG
Dearly Beloved
Romance"Hindi ko alam ang chances ng pag ibig ko sayo. But damn, ayokong habang-buhay na sisihin any sarili ko for letting you go without having even tried."