BASTE
"Hoy! Iiwan mo 'ko?!" asar na tanong ko kay Amber. Kanina pa kasi ako habol nang habol sa kanya, eh hindi niya ako pinapansin.
"Ha?! Sino ka po?" sabi nito sabay arte na hindi ako kilala.
"Ano bang problema mo?" Naiinis na talaga ako sa kanya, ha?
"Bakit po? Hindi po kita kilala para pagsabihan ko ng problema," sabi pa nito at patuloy pa ring naglalakad.
"Amber! Isa pa! Malilintikan ka na talaga sa akin!" naiiritang turan ko, medyo napataas na rin ang boses ko. Kaya naman napahinto siya at humarap sa akin nang nakabusangot. Alam na kasi nitong seryoso na ako.
"Kasi naman, unggoy ka! Nakakahiya ang ginawa mo kanina! Para lang talaga diyan sa phone mo, ipagpapalit mo ang dignidad mo?"
Napapoker face naman ako sa sinabi niya. Ang OA niya talaga kahit kailan.
"Will you please lower your voice? Nandito lang ako sa harap mo, oh. Hindi ako bingi. And don't overreact—that was an accident. Hindi ko sinasadya. Can't you see? Ako nga ang bugbog-sarado dito, oh?" sabi ko sabay pakita ng mga tatak ng kagagawan ng babaeng 'yon.
"Tsk. Halika na nga! Umuwi na tayo para magamot 'yan!" turan nito saka ako hinila palabas ng mall.
Pag-uwi sa bahay, agad niyang ginamot ang sugat ko sa kaliwang kilay. Sweet din talaga minsan 'tong best friend ko na 'to. Pagkatapos niya akong gamutin, nakikain muna ito bago umuwi. Yeah, ganyan siya. 'Di ko nga alam kung bakit hindi man lang tumataba—pagkain na ata ang hobby nito.
Kailangan ko nang magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas. I'm a professional photographer, and also a vlogger. And I earn through it. YouTube pays me kapag umaabot ng 1M views ang mga vlog ko. Madalas kong i-vlog ang pag-travel ko sa iba't ibang lugar. Adventurer and traveler—that's me. YOLO. So, live your life to the fullest.
Pagkahiga ko, agad kong in-open ang account ko sa Wattpad. Yeah, I'm a fan of it. And I hate this so-called Anonymous writer, but damn, I love her works. Yun nga lang, ang tagal niya mag-update. That's why I hate her. She's killing her readers out of curiosity.
She's very popular in Wattpad—her stories and herself—because no one knows her. She doesn't have FB, Twitter, Instagram, or any kind of social media account, and I don't know why she's being this mysterious. Karamihan kasi ng writer dito, nilalagay lahat ng social media accounts nila. Pero siya, tanging Wattpad account lang. And Anonymous pa talaga ang pangalan.
I really hate her, but I think she's hot. Her stories are very sensual and beautiful. And take note—it's GxG stories. And yeah, I'm not straight. I like girls more than boys, that's why I love GxG stories. But don't get me wrong, I don't just love her stories for that—she makes me realize a lot of things. Her words are convincing.
And now, here I am, waiting for her to update her latest story. Nakakainis talaga siya. Talagang doon pa siya sa bed scene nag-stop. Sa sobrang asar, minessage ko ito sa Wattpad account niya.
"Hey you! Nakakasakit ka sa puson ah? Stop torturing our brains. Update soon, you idiot, or else I'll find you and I'll pull your hair back in force."
Huh. Tingnan lang natin kung 'di ka pa mag-update. Yun lang, saka na ako natulog.
"Okay. One last—tingin sa camera. Landiin mo ang camera. Right. That's right, baby. And we're good. Sige. We're done, guys. See you tomorrow."
Nagsimula na silang magsiligpit. Habang tinitingnan ko ang mga kuha kong photos, biglang tumunog ang phone ko.
"Tsong," bati ko pagkasagot ng tawag.
"Where are you?" tanong nito.
"Mm... photoshoot. Why?" balik tanong ko.
"I'm here at the university. Sunduin mo 'ko."
Hindi 'yon pakiusap—utos 'yon. Kaya naman agad na nagsalubong ang kilay ko.
"Hey, you monkey! Hindi mo 'ko utusan!" agad kong sagot.
"Eeiii naman kasi, tsong. Sige na. Wala akong dalang kotse. Please? Pretty please?"
Napatawa ako. Suko rin pala.
"Yan, ganyan dapat. Good girl," natatawang sabi ko.
"I'm not a dog, you idiot! Come here now!" sabi lang nito saka binaba ang tawag.
Napailing na lang ako at nagpaalam sa mga kasamahan ko. Bago ako mag-drive, nilagyan ko ulit ng band-aid ang gilid ng kilay ko. Buti na lang talaga, maganda pa rin ako.
Si Amber kasi ang major stockholder ng eskwelahang 'yon. Puro mayayaman lang ata ang nag-aaral doon, at yung mga teacher, lahat doctorate. Mabuti naman at nakarating agad ako—hindi naman kalayuan mula sa pinag-photoshootan namin. Hindi rin ako nahirapang pumasok dahil kilala na ako ng guards. Lagi ba namang nagpapasundo ang unggoy.
Pagkapark ko, agad ko siyang tinext na nandito na ako. Pero ang reply? Emergency meeting. Kaya wala akong nagawa kundi maghintay kahit nakakainis. Para hindi mabore, naglakad-lakad na lang ako.
May ilang estudyanteng lumapit sa akin.
"'Di ba po ikaw po yung sikat na vlogger? Si Baste Contes?" nakangiting tanong.
Tumango ako at ginantihan sila ng ngiti.
"Isa po ako sa followers niyo. Pwede po bang magpa-picture?"
Maluwag sa loob kong pinagbigyan. After a few shots, magpapaalam na sana ako nang magsalita ang babaeng kasama nung unang nagtanong.
"Ah, Ms. Baste, nakita niyo na po ba yung trending ngayon?" alanganing tanong nito. Napakunot ang noo ko—pakiramdam ko tungkol sa akin.
"What is it?" tanong ko.
Nagkatinginan sila.
"May kumakalat po kasing video... ikaw po 'yon sa MOA. Kasama si Miss Saavedra—"
Hindi ko na siya pinatapos. Agad kong kinuha ang phone ko at sinearch sa YouTube ang sinasabi niya. And yeah—it's me. Kita roon kung paano ako napunta sa ilalim ng babaeng dinungisan ang pagkatao ko. Okay, medyo OA ako doon, pero arghh. Lahat ng nangyari kahapon, kuhang-kuha. Pati ang pag-aaway namin.
Inulan ng comments—may nag-bash, may kampi sa akin, may kampi sa kanya, at may mga natawa. Pero ang kumuha talaga ng atensyon ko? Yung nagsasabing bagay daw kami. Hindi naman lingid sa kanila ang sexual orientation ko. Hindi ko alam, pero napangiti ako sa comment na 'yon.
"Pasensya na po ah. Medyo harsh po talaga si Miss Saavedra. Naniniwala po kami na aksidente lang ang lahat," sabi ng isa.
Nagulat ako—nandito pa pala sila.
"Wait... kilala niyo siya? Miss what?" tanong ko.
"Miss Saavedra po. Professor po siya dito sa university. Kaya po siguro ganoon ang reaksiyon niya. Medyo conservative po kasi—teacher po kasi," paliwanag nila.
Mm. So dito pala siya nagtatrabaho.
Napangiti ako.
Mukhang mapapadalas ang punta ko rito, ah?
BINABASA MO ANG
THIS IS US (Under Major Editing)
RomanceWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
