"LOCKET" (One Shot)

152 3 9
                                    

Magkahawak kamay kaming lumabas ng sinehan ng araw na yun. Parehas nakangiti at masayang pinaguusapan yung movie na pinanood namin. Pagkatapos eh dumiretso na kami sa sasakyan. Habang daan pakanta kanta pa ko ng malakas ng theme song nong movie. Tawa naman ng tawa ng malakas si Jasmine. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko “I Love You Leo.” Hinalikan ko sya.. at pagkatapos..

Isang malakas na impact ang naramdaman ko.. that sudden impact..

3 years ago..

Nagkakilala kami sa isang bar.. Nakatingin ako sa kanya habang kumakanta sya. Ang sarap pakinggan. Ang lamig ng boses nya. Pagkatapos nyang kumanta sinundan ko sya sa back stage. “Oh nice meeting you. I’m Jasmine by the way.” Nakangiti syang umalis matapos ko magpakilala at itanong yung name nya. Pagkatapos ng araw na yun, parating hinahatid sundo ko na si Jass. Niligawan hanggang sa maging kami.

Everything seems like perfect. We’re happily having each other around. Andun kami sa punto na parehas kaming kuntento, kumpleto, at masaya. We are planning to get married 3 years from now. She was really excited about the idea.

“Jass di ba bawal daw isukat ang pang kasal kase hindi daw natutuloy.” Sabi ng best friend ni Jass na si Abby. Si Abby yung lageng andyan, helping us out whenever we are encountering some problems in our relationship. “Hahah. Abby naman. Kasabihan lang yun. And besides, nothing can stop me from being the future wife of the handsome Leo Apostol.” Nakangiting sabi ni Jasmine sabay kindat sakin.

Excited na din ako. Isang buwan na lang ikakasal na kami. Hindi na ko makapaghintay. Isang araw niyaya ko sya manood ng sine. It’s our anniversary today. So I just planned to have dinner with her and go watch a movie after.

Pagkatapos eh magkahawak kamay kaming lumabas ng sinehan ng araw na yun. Parehas nakangiti at masayang pinaguusapan yung movie na pinanood namin. Pagkatapos eh dumiretso na kami sa sasakyan. Habang daan pakanta kanta pa ko ng malakas ng theme song nong movie. Tawa naman ng tawa ng malakas si Jasmine. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko “I Love You Leo.” Hinalikan ko sya.. at pagkatapos..

Isang malakas na impact ang naramdaman ko.. tapos..

Nagising ako sa ospital. Hindi ako makagalaw sa dami ng sprain na tinamo ko. Kwento ng mga kaibigan ko nabangga daw kami ng isang truck.

“Si Jasmine? Asan si Jass?” Paulit ulit kong tanong.

After few days, nun kinaya ko ng tumayo pinuntahan ko agad si Jasmine s ICU. Kung anu anong apparatus ang nakakabit sa kanya. Hanggang sa ng araw ding yun biglang nagpanic ang lahat. Mga doctor, nurses, lahat kami ng mga kaibigan ko.

“Stable na po ang lagay ng pasyente sa ngayon. Let’s just wait for her to wake up. But still, iready po natin ang mga sarili natin sa anumang maaring mangyari.” Sabi ng doctor ni Jass.

After some weeks, nakalabas na ko ng ospital. Napagpasyahan ng Mom ko na sa bahay na nila ko umuwi para mabantayan daw nila ako at maalagaan ng lubusan. “Ma si Jass pwedeng dito na lang din sa bahay? Please Ma. Mas gagaling ako pag andyan sya sa tabi ko.” Tumingin lang sakin ang Mommy ko. Ngumiti tapos tumango at yumakap sakin.

Nasa me tabing pool ako ng araw na yun kasama si Jass. “Hon. I’m sorry. I’m sorry kase di natuloy kasal natin and we have to wait for some months pa.” Malungkot na sabi ko sa kanya. She hold my hand, “It’s okay Honey. I can wait no matter how long it will takes. Basta kelangan magpagaling ka. Take your medicines on time at wag matigas ang ulo okay? Maghihintay ako.” Nakangiti nyang sabi sakin.

“Anak! Pumasok ka na sa loob. Gabi na. malamig na dito sa labas.” “Papasok na kami ni Jass ma. Sandali na lang po.” Tapos pumasok na sa loob yung Mom ko. Niyaya ko na din si Jass.

Nagising ako ng umaga na wala si Jasmine sa tabi ko. Bumaba ako. Habang pababa ako ng hagdan naririnig kong me tumutugtog ng piano. There you’ll be pa kanta, paboritong kantahin sakin ni Jass. Pagdating ko sa kinaroroonan ng piano, andun si Jass. Tumutugtog. Lumapit ako sa kanya and I kisses her forehead. Patuloy lang sya sa pagkanta. Pero napansin kong ang lungkot ng kanyang muka. Umupo ako sa tabi nya, and I ask her why..

“Hon aren’t you tired yet?” Tanong nya sakin. “Tired of what my dear?.” Tanong ko sa kanya. Tapos nakita kong pumatak ang mga luha sa magkabila nyang pisngi.

“In my heart there always be a place for you in all my life. I keep a part of you with me. And everywhere I am there you’ll be. Yan yung favorite line natin sa song.” Tapos nakangiti syang tumingin sakin, pagkatapos eh tumayo sya tapos umakyat sa taas. Susundan ko sana sya pero hinayaan ko na lang muna.

Gabi na di pa bumababa si Jasmine.

“Ma, si Jass pababain nyo. Andito si Abby, binibisita sya.”

 “Anak! Enough na.”

“Anong enough na Ma? Sinasabi ko lang naman na pababain nyo si Jasmine kase andito si Abby.” Sabi ko sa Mom ko. Tapos biglang umiyak yung Mom ko.

“Tita ako na po bahala dito. Sige na po. magpahinga na po muna kayo.” Narinig kong sabi Abby.

“What’s going on here?” Tanong ko ke Abby.

“Wala na si Jass.”

“Anong wala na? magkasama lang kami kaninang umaga! Umalis na sya dito sa bahay yun ba? Kaya ba di sya bumababa kase wala na sya dito?

“Leo it’s not that! Patay na si Jass. Few months ago. That moment when you visited her on the ICU, inantay ka nya lang, tapos dun na sya bumitaw! Iniwan nya na tayo! So stop acting like as if she’s still here! Tama na.”

“Hindi yan totoo!”

“So ano pala ang totoo? Na for those month that passes by niloloko mo yang sarili mo na andito pa sya? Na nakakasama mo pa sya? Here! Tingnan mo! Sino yang ashes na yan?!” Umiiyak na pinakita sakin ni Abby yung ashes sa vase na katabi ng malaking picture ni Jass.

Umiyak ako at natahimik sandali..

“Alam ko naman eh. I know it, na after the accident she left. Pero ayokong isipin yun. Kase sa puso ko she’s still alive. Andito kasama ko. Inaalagaan ako. And we will get married in time soon.”

“Leo its time. Give your heart a time to rest. She’s not coming back anymore. Let her go. I know it’s hard but that’s the only way na matatahimik si Jass. Do you think masaya sya na nakikita kang ganyan? Of course she isn’t. Enough. Pakawalan mo na sya.” Sabay hawak ni Abby sa Locket na suot ko. Locket na galling ke Jasmine. Me picture pa naming dalwa sa loob.

Years later..

Eto yung resort na kauna-unahan naming pinuntahan nun isang beses na magbakasyon kami. Actually it’s our favorite get away place. Bukod sa tahmik eh ang ganda ng dagat. Sabi ni Jass dito nya gusto tumira kaya bumili ako ng lupa dito at pinatayuan ko ng dream house namin nong buhay pa sya.

Sakay ng yate, pumunta ako sa malalim na parte ng dagat ng gabing yun. Handa na ko. Handa ng pakawalan yung taong halos eh naging buhay ko na. Tuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha saking mata ng bigla kong maramdaman ang malamig na hangin na dumampi saking pisngi. Dinama ko yun, and I know it’s her. “Jass I love you. Don’t get tired of waiting. We will be together again in time.”

Pagkatapos nun, kinuha ko yung locket na kwentas ko at inihagis sa kailaliman ng dagat.. tapos, naramdaman kong umihip ang malakas na hangin, me dumaang shooting star.. humiling ako, at bumalik na sa dalampasigan kung san sya naghihintay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"LOCKET" (One Shot)Where stories live. Discover now