Pinilit ko si Bella na tulungan ako sa pagalam ng schedule ni Kennedy. Ipinatanong ko sakaniya kay Kuya Evan ang schedule nito. Good thing ay tinulungan kami ni Kuya Evan. Ang sabi pa sa akin ni Bella ay tinanong siya ni Kuya Evan kung bakit at sinabi niya na ako ang nagpapatanong.
Hawak hawak ko na ngayon ang papel ng schedule niya. Balak ko kasi siyang i-stalk para malaman ko kung saan saan siya nag sosoot. Gusto ko rin siyang mas lalo pang makilala. Kasi pakiramdam ko aside from being kind and innocent ay may iba pa siyang ugali na taglay. I actually don't know if he's just pretending sa pagiging inosente niya or what.
Today is Friday at hanggang 3:00 pm lang kami. Samantalang ang klase nila Kennedy ay hanggang 4:00 pm. So I still have one hour to wait. Pumunta muna ako sa Cafeteria para bumili ng maiinom. Napakainit kasi! Hot hot ko na nga dumagdag pa ang panahon.
Umorder ako ng smoothie sa may counter at umupo sa may table. Umalis na kanina pa si Bella dahil magdedate pa raw sila ng Fafa Jayden niya. Sana sa susunod kami naman ni Kennedy ang magdate. Ih! Bakit ba kinikilig ako sa isiping 'yon? Mygosh!
"Hi, babe." Natigil ang kilig na nararamdaman ko nang may biglang umupo sa harapan ko.
Ano na nga ba pangalan nito? Nakalimutan ko na.
Sa sobrang dami nang hinarot ko na lalaki ay hindi ko na matandaan kung sino silang lahat. Aaminin ko na playgirl ako. I do have a lot of my boys in my list but never ako nagseryoso. Why am I like this? Well, I'm just enjoying my teenage life.
"Who are you again?" I asked.
Para namang na-offend ang lalaki na nasa harapan ko dahil sa pagtanong ko ng pangalan niya.
"Seriously? I was your boyfriend a week ago then you already forgot my name?"
"I'm sorry. But I usually forgot those people who aren't important to me anymore. Lalo na 'yung mga binasura ko na." Nakangiti kong sabi sakaniya.
This is me. This is what I do. I'm a bad girl. Lagi akong pinapaalalahanan ni Bella na I should change. Dahil baka makarma raw ako once na makahanap ako ng katapat ko. Madalas niya ring sabihin na mag palit nalang kami. Na ako nalang daw dapat ang kapatid ng kuya niya na babaero dahil parehas kami.
"Tama nga sila. Dapat nakinig na ako noon sa mga kaibigan ko na huwag nang lapitan ka. Ang sama mo. Wala kang kasing sama."
Nakangiti pa rin ako sakaniya at iniwan niya ako rito. Wala akong time para problemahin pa siya. Bahala siya sa buhay niya.
I looked at my watch at malapit ng mag four. Malapit nang lumabas sina Kennedy.
Tumayo na ako at lumabas ng Cafeteria. Baka mamaya hindi ko pa siya maabutan. Sakto namang pagdating ko sa harap ng building nila ay nagsisiglabasan na ang mga studyante which is his classmates. I actually saw Kuya Evan habang may ka akbay siya na babae. Baka new chicks niya nanaman 'to.
Nakita ko rin agad si Kennedy habang may kasamang isang lalaki. Makanto ang mukha ng lalaki at sa pagkakaalam ko ay siya si Kent Javier.
"Mga bro, una na ako. May importante pa akong gagawin."
"Wait, Kenendy! Ano muna ang number ni Lucia?"
"Tigilan mo ako, Evan! Hindi ako natutuwa sa mga pinagtatanong mo sa akin tungkol sa bestfriend ko. Bahala ka diyan!"
So may bestfriend siya? Para akong tanga rito habang nakikihalo sakanila. Buti nalang walang nakakapansin sa akin.
"Ang damot mo naman."
"Aba't anong palagay mo sa bestfriend ko?! Bagay na ano mang oras ay pwede mong hiramin at hingiin? Ipagdarasal ko nalang ang kaluluwa mo. Paalam."
Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. Like, bakit ang LT niya?!