Letseng buhay to oo! Kayod kalabaw, dinaig pa natin ang mga pulubi sa hirap ng buhay, sabi ng aking tiyahing si Lorna, isang matandang dalaga,
Ikaw luningning, tawag niya sa bunso kong kapatid na babae, isang kinse anyos lamang pero mulat na sa hirap ng buhay dito sa probinsya, kung ako sayo mag asawa ka nalang ng kano upang umahon naman ang buhay natin! Sigaw niya dito,
Dali dali ko namang pinuntahan ang aking umiikbing kapatid,
Tahan na! Sabi ko dito habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi,
Tiya Lorna, mali naman po atang isiksik niyo sa kokote ng kababata kong kapatid na mag asawa na lamang ito, kaya ko naman po kayong iahon sa hirap, dalawang taon na lamang po at ga graduate na ako ng kolehiyo,
Aba! Siguraduhin mo lang Yumi na katapos mo ng kolehiyo ay hindi ka gagaya jan sa nanay mo na katapos makatapos ng kolehiyo ay ayon at nag asawa, ng hindi makayanan ang obligasyon ay iniwan kayo sakin, mabuti pang ako ay hindi nag asawa dahil wala namang naiitulomg ang mga lalaki sa buhay kung hindi palamunin lamang at wala naman talagang silbi,
Hindi ko nalamang pinansin ang pagdadada ng aking tiyahin dahil sa abala ako sa pagsasaing at paglalagay ng kahoy upang mailuto ito,
Yumi, tawag sakin hindi sa kalayuan, kaya dali dali kong pinagpag ang mga alikabok at pinuntahan ang taong kanina pa tawag ng tawag,
Oh, ikaw pala yan Anika kababata ko dito sa probinsya namin, gusto din makahahon sa hirap kagaya ko kaya eto nanaman siya walang tigil sa pag chat sa mga kano,
Nako, Anika tigil tigilan mo na ang kaka chat mo sa mga yan baka ikaw ay mapahamak pagbabanta ko sa kanya, hindi mo ba napapanood yung balita kahapon isang kano pinatay ang taga probinsya na kakakilala lang nila
Hay nako Yumi yan nanaman tayo noong nakaraang taon pa yang balitang yan ikaw nalang ang hindi nakaka move on, pakita niya ulit sa chat niya sa kano
Hays, ewan ko ba sa kababata kong ito, matalino naman sadyang kinain na din siya ng sistema ng kahirapan, kagaya ng aking tiyahing si Lorna,
Yumiiiiiii! Sigaw mula sa malayo ng aking tiyahin, magmadali ka dito at may sasabihin ako,
Kaya tinakbo ko ang likod ng aming mumunting kubo,
Tiya Lorna? Ano ho ba ang problema hingal ko dito na akala ko ay may nangyari ng masama,
Halika dito may ipapakita ako sayo dukot ng aking tiyahin sa kanyang bulsa
Nakuha ko ito mula sa ating kapitbahay nakausap niya daw ang iyong ina at ito ang binigay na numero masayang kwento niya sakin habang pinapakita ang numerong binigay sakanya,
Pero wala akong telepono upang matawagan siya saka mahal ang load, dahil sa totoo niyan ay ayoko talaga siyang makausap mula ng inabandona kami ng aking kapatid
Ano kaba naman Yumi, anjan yung bestfriend mo si Anika may cellphone yon at pwede ka namang makitawag,
Wala na akong nagawa kung hindi kunin ang numerong binigay sakanya,
Saka alam mo ba Yumi pwedeng umahon ang buhay natin kapag kinupkop ka ng nanay mo pagkwe kwento pa niya dito at tila manghang mangha
Tapos alam mo bang nakapag asawa ang nanay mo ng isang hapon at may ari ng CEO ng isang kumpanya pagtutuloy niya ng w w hindi ko na siya pinakinggan pa dahil wala din naman akong balak na tawagan siya,
Sige Tiya silipin ko muna ang aking sinaing pag iiba ko ng usapan, dahil gusto ko na din makaalis sa usapan yon dahil hindi din naman ako interesado,
Tinawag ko na din ang aking bunsong kapatid upang mag hapunan dahil tiyak na gutom na din siya dahil hindi man lang siya nakapag almusal kanina dahil wala naman iihain,
Ate Yumi, tawag niya sakin, wala po ba talagang balak si Mama na balikan niya tayo? Diba po sabi niya nung umalis skya ay babalikan niya tayo tanong niya ulit sakin,
Luningning, balak mo pa talagang makita ang ina natin? Iniwan na niya tayo at naghanap ng asawa para maka ahon sa hirap at magsimula ng bagong buhay,
Pero sabi ni tiya ay nakuha daw niya ang numero ni Ina, kita ko sa kanya ang isang batang sabik sa alaga ng ina
Wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan siya,
Sige luningning tapusin mo na ang pagkain mo bukas na bukas ay makaka usap mo ang ina, sabi ko sakanya para tumigil na kakatanong dahil hindi ko din naman alam ang isasagot sakanya
BINABASA MO ANG
One Wrong Call
General FictionOne Wrong Call, hindi ko akalain na ang isang kagaya kong taga probinsya ay magbabago ang buhay ng dahil sa maling tawag, isang dukha at maralitang kagaya ko ang gusto lamang sa buhay ay umangat at matustusan ang pangangailangan ng mga kapatid ko at...