Break Up #2
Kyle. Ang sumunod kong naging boyfriend. Kung kay Rayver magkaiba kami ng school na pinapasukan, etong si Kyle, schoolmate ko na, classmate ko pa.
Happy ako na naging boyfriend ko siya, siyempre sino naman ang hindi matutuwa, gwapo na matalino pa pero...oh ayan may PERO, dahil... ewan ko ba, ganun talaga ata yung ibang matatalino, may pagkatamad, masiyahin naman siya gaya ko, at siya ang happy pill ng mga classmates namin na kabarkada niya.
Isa sa ayaw ko at rule ko sa mga magiging boyfriend ko ay yung walang bisyo, pero ganun talaga, walang perpektong tao, kung mayroon man, baka matanda na ako ay hindi ko pa nahahanap. Si Kyle, okay na sa akin yung umiinom siya, pero yung manigarilyo pa siya? Gosh! Napakabaho nang amoy ng sigarilyo sa totoo lang at ayaw ko sa amoy nito. Kaya kung maaari ayoko nang boyfriend na naninigarilyo. Pero kay Kyle, pinalagpas ko nalang muna.
Our classmates told me na dahil ako ang kauna unahang naging girlfriend ni Kyle, subukan ko raw kung kaya ko siyang baguhin, yung mabago ko yung ilang mga gawain ni Kyle.
Pero ganun talaga siguro, kahit anong effort ang ginagawa mo or pagtulong sa taong mahal mo na magbago, hindi agad agad nangyayari yun kasi nasa tao na rin yun kung gusto niyang mabago or magbago.
May isang linggo na rin mula noong naging kami, at hindi ko maiwasang mapansin siya, yung Kyle na nanliligaw palang noon sa akin, at yung ngayon magka iba na, hindi ko na siya kilala, parang may nagbago na talaga, o siya na mismo yung nagbago. Ni hindi na rin kami madalas magkasama, ultimo mag-kaklase pa kami sa lagay na yun.
Ang totoo pa niyan, mula noong naging kami, under ko si Kyle, hindi naman ako ganoon kahigpit, gusto ko lang siya na i-guide kung paano at ano ang dapat at hindi dapat sa magkarelasyon. Pinakita ko sa kanya na ako muna ang masusunod sa aming dalawa.
Para sa akin, masaya siyang maging boyfriend. Pero dumating nga yung time na hindi na kami madalas magkasama dahil laging kasama niya yung mga classmates namin na kabarkada niya. Hindi ko naman siya masisi at lalong hindi ko pwedeng sisihin yung mga kabarkada niya kasi mas matagal na niyang kasama yung mga yun bago pa naging kami. Ayoko rin na papiliin siya kung ako o yung mga kabarkada niya. Ang gusto ko lang, bigyan niya rin sana ako ng atensiyon niya, kasi karapatan ko naman yun dahil girlfriend naman niya ako.
Ewan ko ba kung anong nangyari. Dumating nalang ako sa time na kapag pinagmamasdan ko siya, nasasaktan ako para sa aming dalawa, lalo na sa sarili ko, sa damdamin ko. Hindi ko man lang nagawang baguhin siya, iyon siguro dapat ang pinagtuonan namin ng pansin, yung time namin sa isa't isa.
Sobra akong nalulungkot sa mga panahon na yun, at natatakot ako kasi feeling ko parang nauulit na naman yung nangyari sa akin. Gustong gusto kong umiyak nung mga araw na yun.
I have a friend, his name is James, and he is the second closest male friend to me. That time, I decided to open up my problem with Kyle sa kanya, and I badly needed someone to lean on that day. We sat side by side on the bench near our classroom, no one talks for a while until he asks me...
James: May problema ba?
I stopped myself from crying then, bago ako nagsalita at sagutin yung tanong niya.
Me: Bakit ganoon James? I mean si Kyle. Ang lamig na niya sa akin, hindi na niya ako pinapansin, minsan napapaisip na nga ako kung girlfriend ba niya talaga ako kasi ang lagi naman niyang kasama at inaatupag eh yung mga kabarkada niya. Hindi ko alam kung mahal pa ba niya ako o hindi na. Ano ba ang dapat kong gawin? Makikipaghiwalay na ba ako?
James: Intindihin mo nalang muna siguro, lalo at alam naman natin na ikaw ang una niyang naging girlfriend. Ituro mo sa kanya kung paano maghandle ng isang relasyon, kasi siya mismo hindi nga alam kasi hindi pa niya nasubukan, ngayon pa lang, at nagsisimula pa lang siya. Bigyan mo siya ng second chance, kung may magbago which I meant is, kung mag improve yung relasyon niyo in a good way, okay yun. If not, siguro, i give up mo nalang, pero hindi ko sinasabing ngayon na, huwag muna. Lalo pa at alam nating lahat dito na maraming nagkakagusto sa kanya. Once na pinakawalan mo yan ngayon, maraming susubok na lalapit sa kanya at hindi rin malabong hindi siya magkagusto sa kanila. For now, patience and understanding ang kailangan mong gawin.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
Short StoryIt doesn't matter if you're always left behind. "If you love something, let it go..." -Karen Shreck