"LALAKE SA BAlKONAHE"

444 4 0
                                    

"sir!okey na po itong fuse nio ng kuryente!kailangan lang pala palitan medyo luma na din ang battery kaya nag brownout kayo kagabi" sabi ng matandang nag aayos ng mga sirang ilaw at kuryente sa buong condo
"Maraming salamat Manong Zenon!nag papapalit lang pala ng bagong baterya yang fuse na yan!ito po pag damutan nyo na po ito"sabay abot ng 200 sa matanda
"Naku ang laki naman nito!maraming maraming salamat ha?ngiting sabi ni Manong zenon habang inaayos ang lalagyan nya ng mga tools
"Pano otoy...akoy baba na at may pinapaayos pa ung isang room dun sa unang pinto sa baba?"
"Maraming salamat din po"

...Habang tinatahak ni Mang Zenon ang Hagdan pababa ng condo may nasalubong syang lalake na dahan dahang umaakyat ng hagdan paakyat sa kanyang direksyon. nakayuko ito at halos tahimik at wala kang anumang ingay na maririnig sa bawat hakbang nito.hanggang dumaan na sa tabi ni Mang Zenon ang lalaki,lumagpas at patuloy sa pag akyat pero nakayuko padin ito na tila may naka patong na mabigat na bagay sa kanyang batok.sinabayan padin ito ng tingen ni Mang Zenon ng mapansin nya na habang naka yuko ito napansin nya na nakatitig sa kanya ang dalawa nitong mata habang habang patuloy itong umaakyat ng hindi naka tingen sa hagdan.Kinilabutan si Mang Zenon sa nakita

9:27 PM
...isang lalaki ang natagpuang Patay na di umanoy Tumalon sa ika 8 palapag ng kanyang tinitirhang apartment,ayon sa mga residente at mga Pulis na nag imbistiga sa lugar walang foul play na naganap at wala din silang anumang nakitang ibidensya sa mismong crime scene na makakapag patunay na may pumatay sa nasabing biktima! patuloy padin ang mga Pulis sa pag hahagilap ng mga impormasyon para sa agarang pag resolba ng krimen.ito si Mara Celvantes.Naguulat...

tskkk!!!kung anu anung ng balita ang nababalita araw araw kahit san may patay.mahinang sabi ni Zander sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone nito.dali daling inabot abg cellphone nya at tiningnan kung sino ang tumatawag

Incoming Call: Tito bert-ilocos

..."hello!tito Bert!"

"Toy!ang tito mo bert mo to,luluwas kami ng maynila ngayong gabi mga 3:30 0 4 ng madaling araw na kami makakarating dyan ng tita mo .dyan na kami tutuloy panandalian may asikasohin kami na property sa laguna uwi din kami ng the next day kasi nirush namin ng tita mo ung lupa kasi may buyer kami from States uuwi sa kataposan,okey lang ba?" tanung ng tito ni Zander sa Kabilang linya
"Opo naman tito!hahaha un nga lang di p ako nakapag ayus ng bahay makalat!sige to bert text nio lang ako para masundo ko kau sa baba?"galak na wika ni Zander habang binuksan ang ilaw sa kanyang balkonahe
"may padala ang mga lolo mo saung mga paborito mo na pagkain at sobra ka ng miss ng itay at inay,pano text nalang kita mamaya ha?ingat Otoy"
"to'Bert ingat po kay....." di pa man nya nabangit ang huling sasabihin ay naputol na ito
"Tito bert!tito?!!!" ulit na sabi ni Zander,pero putol na ang linya

"Nawalan na siguro ng load,whoooo kelangan ko mag ayus ng bahay nakakahiya sa mga tito at tita na abutan ako dito na ganito kakalat"sambit ni Zander sa sarili habang pinupulot nya ang itim na medyas malapit sa kanyang inuupuan

11pm
tapos na mag linis ng buong bahay si Zander at nakapag luto nadin ito ng Sinigang na baboy at pritong tilapia para may makain ang kanyang tito at tita pag dating.mga ilang minuto matapos niyang makapag ayos ng bahay at makapag handa ng pagkain muling naupo si zander sa sopa at inabot ang kanyang laptop upang ayusin ang mga naiwan nyang gawain sa opisina kanina.

11:49pm
tahimik na ang paligid pero patuloy parin sa pag aayos ng mga papers at pag e encode si Zander.makikita sa mga mata nito na tila dinadalaw na ito ng antok at nag sisimula na itong mag hikab hikab. mga ilang minuto pa ay bigla itong tumayo at nag tungo sa kusina upang mag timpla ng kape.isa sa mga adiksyon ni Zander ay ang pag inum ng kape,dahil malimit sya nag oover time sa office kaya ito ang isang bagay na nakakapag pagising sa kanyang diwa.ilang minuto ay nakapg timpla na ito ng cape at mabilis na ng balik s kanyang kinauupuan at dahan dahang ipinatong ang mainit na tasa ng kape sa lamesa katabi ng kanyang laptop at nag patuloy ulit sa kanyang ginagawa walang anu anoy ramdam nya na may malamig na hangin ang dumampi sa kanyang braso at pisngi.tahimik na ang buong paligid.ng mapansin nyang nakabukas pa ang pinto ng kanyang balkonahe na tila ay doon nag mula ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas.mabilis na tumayo si Zander upang isara ang pinto ng balkonahe ng aksidente nyang matabig ang tasa ng kape sa tabi ng kanyang laptop.bumagsak ang tasa at nag ka lasog lasog ang mga piraso ng bubog sa sahig

"SHIT!"

malakas na bangit ni Zander habang dali daling inilalayo ang mga notebook at laptop sa paligid ng basang lamesa,nag dali dali itong nagtungo sa kusina para mag hanap ng tuyong basahan at walis.di nag tagal nakakita sya ng puting mantel sa tabi ng rice cooker at nag mamadaling tumakbo pa sala ng.................

...May mapansin syang tila nakatayo sa likod ng slidding door ng kanyang balkonahe.parang tumigil ang paligid at halos ang mabilis na pag hinga lang nya ang taging bagay na naririnig nya mula sa kanyang paligid.lalaking tila naka puti at naka pantalon na itim hindi nya maigalaw ang kanyang mga paa hindi nya alam ang sunod na gagawin nanginginig sya sa kaba

"ssssi..sssi sino yan???!utal nyang sabi.pero pag ka kurap nya ay bigla itong naglaho.hindi padin sya gumagalaw sa kanyang kinakatayuan ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon