Chapter 4

81 3 0
                                    

Chapter 4

***

"I can eat alone, kuya Paco. No need to watch me eat while you don't..." sabi ko kay kuya Paco dahil nakatitig lang siya sa akin na kumakain.

Ramdam kong gutom rin siya kung kaya't pinapunta ko muna siya sa kusina at kumain roon. Andito ako sa kwarto ko nagpapahinga. Hindi ko maalala ang nangyari kahapon pero ang alam ko ay may nagtangka raw na kumuha sa akin pero...

Nasugatan sa ulo yung nagtangkang kumuha sa akin? Na parang galos na malalim at hindi tama ng baril? Weird.

Nilabas ko ang apat kong kamay at ginamit iyon para kunin ang remote control ng TV. Binuksan ko ito at nakita na pinapalabas ang mga balita.

"Andito ako ngayon sa mapunong bahagi ng Esnema Road. Nakakita umano ng nasusunog na sasakyan ang mg taong napadaan dito at laking gulat nila na may bakat ng palad sa bintana ng kotse, amoy dugo ito kung kaya't natakot ang mga residente na dumaan sa daang ito. Ang lalaking natagpuan ay nagngangalang Gausel Olivian ang nasa harap ng nasa sasakyan na ang driver nito ay Yuji Poleris." sabi sa balita.

Yun ang daanan namin papuntang school pero wala naman akong nadatnan na ganyan. Wala talaga akong maalala sa sinabi ni kuya Paco, parang may bumura rito.

Balak ko sanang tanungin ulit si kuya Paco sa nangyari sa akin pero may nasangga ako sa tabi ng kama ko kaya napatingin ako rito.

Yung binigay ni Blade sa'kin kahapon! Buti at naalala ko yun kahit papano. Buksan ko na siguro ito. Binuksan ko at laking gulat ko kung anong laman nito.

Daggers? Hindi lang basta daggers siya, may mga simbolo sa hawakan nito. "x" at "L" ang nakalagay. Bale nasa loob ng bilog yang dalawang letra na cursive ang pagkakatatak. May crown naman na nakasabit sa taas ng bilog. May nakalagay sa crown na "huriken".

This is a symbol. Nasa tatlo ang nasa box. May nakita naman akong papel. "to: Lunaviere. Luna... or Blair. You can use the daggers for yourself. Welcome to our society. Accept the fact that you are not normal. Tommorrow. At school. I will give you information about us.       Candy and Blade."

I am not normal? What the fuck? Anong pinagsasabi ng dalawang ito? Kaya pala ayaw pabuksan ni Blade itong binigay niya para hindi ko siya mamura o masapak nang harapan.

And Candy? Nung isang araw lang ay ayaw niya sa akin. Anong nangyari sa kanya? Bumaliktad na ba sa nga sinasabi niya tungkol sa akin? Hays...

"Ma'am Blair. Good evening po. Kukunin ko na po yung pinagkainan niyo." sabi ng maid.

Tumango na lang ako. Pero napansin niya ang mga daggers kaya nanlaki ang mata niya pati ako. Shit! Agad kong tinago sa kumot ang box at tiningnan ang maid na lumunok at natatakot na.

"Don't worry hindi ito totoo..." sabi ko naman para hindi na ito matakot.

Umiwas naman ito ng tingin sa akin at lumabas na lang. Nakahinga ako ng maluwag.

Humiga ulit ako at napatingin sa kisame. Kinuha ko ang box na laman ay mga daggers. Tinitingnan ko kung may espesyal na abilidad ang mga ito. Kung kaya't nagulat ako ng naging hairclip ang isang daggers at ang isa ay naging barrette. Sinuot ko naman ito. Pero ang isa ay naging dagger lang, walang pinagbago.

Tumingin ako sa salamin. May nakita akong umilaw.. Sa balikat ko. Hinawi ko ang tela sa balikat ko at nakita ko ang simbolo na lumiliwanag. Ang simbolo na ito ay ang simbolong nas daggers. Hinawakan ko ang barrette at hairclip na sinuot ko sa buhok ko.

Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. It looks nice yet dangerous...

Kinabukasan. Nasa school na ako maalala ko sina Blade at Candy. Hindi ko muna sila inisip at nung nasa classroom na ako ay nakita ko si Blade na nasa pintuan. Puro tili at kilig ang naririnig ko sa classroom. Wala pa si teacher eh. Ngunit nang lumapit siya sa akin ay nakita ko ang mga matatalim na tingin ng mga kaklase ko.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon