Siya si See at ako si Saw. Joke lang :P
Naglalakad ako papuntang grocery store nang may madaanan akong playground. Actually, hindi naman yung playground ang nakaagaw ng atensiyon ko. Ang totoo niyan, yung dalawang batang batang nasa see-saw. Nakakatuwa silang pagmasdan kaya naupo ako sandali para panuorin sila.
“UY, IBABA MO NA KO! ANG DAYA MO NAMAN EE. UY!” sabi nung batang babae dun sa kalaro niya. Nakaangat kasi siya habang yung isa ang nasa ibaba. Nagpupumiglas siya habang nakaangat sa ere.
“Pigilan mo ko kung kaya mo. Hahaha. Payatot ka kasi. Bleh!” pang-aasar nung batang lalaki. “Bleh! Payatot! Payatot! Hala ka, di ka na makakababa diyan! Hahaha” dugtong pa niya.
Maya-maya, nagsimula nang umiyak yung batang babae. “Akala mo diyan, pag ako na…hulog…dito…Isusumbong…kita kay…Mama.”
Nang makita nung batang lalaking umiiyak siya, agad naman nitong ibinaba ang see-saw at lumapit sa kalaro niya. Mukha yatang natakot sa banta nito.
“Uy, tahan na. Di ko naman sinasadya eh. Uy, sorry na. Wag kang mag-alala sasaluhin naman kita kapag nahulog ka.” Pag-aalo niya sa kalaro. Biglang lumiwanag ang mukha ng batang babae matapos marinig ang mga salitang yun.
“T-talaga?” tanong niya na may halong paninigurado kung totoo yung sinasabi nung batang lalaki. Pagkatapos nun, naglaro na ulit sila na parang walang nangyari.
Tumayo na rin ako at naglakad papunta sa dapat kong puntahan. Habang naglalakad, naalala ko yung pangyayari noon na nangyari din sa see-saw. Fourth year high school pa lang kami noon.
“Uy, ano ba? Ibaba mo na ko. Please?” pagmamakaawa ko sa kanya. Takot na takot kasi akong mahulog sa see-saw noon. Takot din akong mahulog sa kanya pero nangyari na ang kinatatakutan kong yun. Sobrang mahal ko siya at wala rin akong balak na aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Ayokong ma-reject kasi bestfriend ko siya.
“Ayaw. Dapat tapatan mo ang bigat ko o kaya tumalon ka na lang para makababa ka. Hahaha” Sabi niya.
“Tse. Palibhasa di mo ako kayang saluhin kapag nahulog ako sa’yo.” Sa sagot kong yun, natahimik kami pareho. Mukha yatang ang biro kong yun ay galing sa puso. Kahit ako nabigla sa nasabi ko. Nagtinginan lang kami na parang naguguluhan sa nangyayari. Medyo matagal din bago siya nakasagot.
“Huwag kang mag-alala, sasaluhin naman kita…
…Dahil mahal kita.”
Matapos kong marinig sa kanya yun, natulala ako at di ko namalayang nahulog nga talaga ako. LITERAL! Ang sakit sa pwet.
“Uy, ayos ka lang ba? Saan ang masakit sa'yo? Sorry nabigla ka sa sagot ko. Mahal talaga kita Raniel. Pwede bang tanggalin natin ang salitang 'bestfriends' para tayo na lang?” Mabilis siyang lumapit sakin.
"Ano...bang...sinasabi...mo...Dan?" Pigil na pigil ang boses ko para di niya mahalatang nasaktan ako. "Pa'no natin tatanggalin yung bestfriend eh magbestfriend nga tayo?" dugtong ko. Pilit akong nagtatanga-tangahan sa sinabi niya. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko nang tinggal yun para kami na lang talaga. Kaso natatakot ako.
"Eh di tanggalin natin ang lahat ng word na dapat tanggalin para maging TAYO na lang. Kahit ano pang salita yan, tatanggalin ko." Sagot niya.
"EH?? Di ko ma-gets." sabay kamot sa ulo kahit masakit ang pwet ko. Sabi ko nga, walang masakit na pwet kung pag-ibig na ang pinag-uusapan. Hahaha.
Tanga-tangahan pa rin ang peg ko. Hinihintay ko lang namang sabihin niya ang mga salitang gusto kong marinig ulit. Gusto ko yung malinaw para walang gulo.
"MAHAL KITA RANIEL. Naintindihan mo na?" Nanaig na naman ang katahimikan. Inisip ko munang mabuti ang ire-react kaso wala na kong maisip na ideya.
"Ah, oo...Mahal din kita Dan." Hahaha. Kunwari pa-inosente lang pero deep inside kinikilig :D
"Saan ang masakit sa'yo?" tanong niya ulit nang may pag-aalala.
"Masakit dito oh pati dito." sabay turo ko sa cheeks ko tapos sa noo. "Kelangan daw ng kiss para mawala yung sakit." pagbibiro ko sa kanya. Laking gulat ko nang seryosohin niya ang birong yun. Hahaha. Kung pwede lang araw-arawin ang paghulog sa see-saw kasama siya, gagawin ko kahit magkabali-bali pa mga buto ko. Pero syempre joke lang yun dahil di na kelangan. :)
"Saan pa masakit? Sorry na talaga. Ang tanga mo kasi, pasalamat ka mahal kita."
Sa halip na magalit ako sa kanya, mas natuwa ako sa sinabi niya. Mukha tuloy akong tanga. Nakangiti ako habang hinihimas ang masakit kong pwet. Spell kilig.
You may vote and comment. Thank you!
-ilovemYOUsic
BINABASA MO ANG
SEE-SAW (one shot)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang see-saw. Kung sino ang mas nagmamahal, siya ang lumulubog. Tapos kung ikaw naman yung mas minamahal, lulutang ka sa pagmamahal niyang yun. Heaven kumbaga ang feeling.