UNEXPECTED ROMANCE

45 11 1
                                    

Naniniwala ka ba sa tadhana?

In my point of view,hindi ako naniniwala kasi para sa akin love is a choice.Desisyon mo kung gusto mong magmahal,bakit pa ba natin dinadamay ang nananahimik na tadhana?Kaya kung nasasaktan ka,bakit ka mag rereklamo?Desisyon mo yan eh,pinili mo,kaya panindigan mo.Hindi naman sa nagpapaka bitter ako sa pag-ibig,actually I'm 26 years single.Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend,hindi ko pa nararanasan yung sinasabi nilang sobrang bilis ng pagtibok ng puso kapag nasa malapit siya o 'di kaya'y kahit naiisip at napagmasdan mo lang siya sa malayo,yung pag slow motion sa paligid sa tuwing hahalikan ka niya...teka,totoo kaya yun?...at higit sa lahat,yung hindi mo namamalayan ang oras kapag kasama mo siya.

Smile,and that's how it all started
And you came right in time
When I needed someone
And we said hello
Then suddenly my heart was beating fast...

Napatawa na lang ako ng bahagya.Lintek na vocalist.Ang ganda ng timing ah.Hanep sa pagsabay sa pag e emote ko.Napatingin ako sa harapan,sa may mini stage ng coffee shop.Nandoon sa gitna si Karla,ang vocalist
ng night band.Kapatid siya ni Ashley na best friend ko at ang may-ari sa coffee shop kung asan ako ngayon ,ang 'escape coffee shop',dito din ako palaging tumatambay pag free time.Dito ako naka upo sa pinaka dulo,malayo sa bar counter pero malapit lang sa may pinto,siguro...mga sampung hakbang.Ang sarap pakinggan ni Karla habang kumakanta.Ang malumanay kasi ng boses niya,at madadala ka talaga sa emosyon na pinaparamdam niya sayo.Kumbaga tagos sa puso.Nabaling ang tingin ko sa labas.Glass wall type kasi ang coffee shop kaya makikita mo yung nangyayari sa labas.
Pinagmasdan ko ang bawat patak ng ulan.Kung sa iba nalulungkot o 'di kaya'y nagagalit sila sa tuwing uulan,pero ako kung pwede lang mag tatalon talaga sa tuwa.Ewan ko ba pero gustong-gusto ko talaga ang ulan.Feeling ko kasi palagi niya akong dinadamayan at ang sarap panuorin ng bawat patak nito.

Kung totoo ang tunay na pagmamahal,kailan ko kaya siya mahahanap?

"Ahm miss excuse me...pwedeng maki upo?"

So,it's you
I've been waiting for so long
So,it's you
Where were you all along
Very special moments
This will always be with me
We are here,you and I
We belong...

Napatingin ako sa gilid at muntik ko nang mabitawan ang dala kong milk tea dahil sa gulat.Shit nakakahiya.Nakatayo sa harap ko ang isang lalaki na magulo ang buhok na para bang kagagaling lang sa paggising.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nagwala ang puso ko,sobrang bilis ng tibok.

Wala naman akong sakit sa puso ah.

Naka suot siya ng blue polo shirt,na inangat hanggang siko ang manggas at sheemay yung dibdib halos makita ko na, nakabukas kasi ang dalawang botones kaya hindi maiwasang masilip ang dibdib niya.Sa kanang kamay niya nandoon ang tray na may isang platitong may lamang one slice of mocha cake,at isang cup ng black coffee,then sa kaliwang kamay naman ay bitbit niya yung laptop niya.

"Miss--"

"Sure,yes yes ahm upo ka."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pina upo na lang,wala rin namang naka upo diyan at saka nang inilibot ko yung mga mata ko sa paligid ay wala na talagang bakante.Hindi ko alam pero dumako na naman ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.Naka open na ang laptop niya at nasa kalahati na ang kapeng iniinom niya.

Sheeeyt heart.Are you alright?!kanina ka pa ah!

"May problema ba?"tanong niya

Sheeeyt na malagkit...ang lalim ng boses--teka ano bang ginagawa ko.Walangya Zhara hindi ka ganyan!para kang teen ager na nakakita ng artistang hilaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon