One Shot Story:My Bubble Summer Hanz

0 0 0
                                    

Summer na kaya eto ako ngayon.Summer job din ang ganap sa buhay ngayong summer ng inyong dyosang Zhayi.

Akala ko magiging bored ang summer ko hanggang sa may poging bumili sa tindahan na pinagtatrabuhan ko.

"Paload." rinig kong sabi nya.

Agad kong kinuha ang reloader kahit na namamangha pa din ako sa kagwapuhan nito. Pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

"Saan ba?Smart?Globe?" seryosong tanong ko.

"Itlog." natatawang sabi nya.
Huh?Itlog ba yun?  Tanong ko sa isip ko.

"Load?"

"Itlog." nakangising ulit nya sa sinabi nya.Napayuko ako sa hiya.At wala sa sariling napamura.Shet!Nakakahiya!

"Naku!Sorry po!Ilang itlog ba?" nahihiya kong tanong.

"Pitong itlog." natatawa parin nitong sambit.

"Itlog.Load.Itlog.Load.Itlog.Load.Magkatunog naman ha." bulong ko sa sarili ko.paulit ulit kong binibigkas ang 'Itlog' 'Load' .Wala eh.Magkatunog talaga!Bingi na ba ako?Kelangan ko na atang magpacheck up!

Pagkatapos ng pangyayaring yun.Hindi na syang bumili pa.Araw araw akong naghintay sa kanya na bumili ulit sya pero ilang linggo na pero di parin sya bumabalik.Nawawalan na ako ng pag asa.Hanggang sa habang nakaidlip ako sa mesa ay narinig ko ang boses nya.Agad akong nag angat ng tingin at bumungad sa akin ang napakagwapo nyang mukha.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa labi ko.Pagkatapos ng araw na yun.Parang isang nalaking himala para sa akin na naging close kami.Araw araw syang tumatambay sa tindahan.

Matatapos na ang summer pero ilang linggo na namang hindi napunta dito sa tindahan si Hanz

Hanggang sa..

"Pabili nga po." isang ginang na kamukha ni Hanz ang bumibili.

"Ano po yun?" magalang na tanong ko.

"Kandila."

"Kandila?Sinong pong may birthday?" nginitian lamang ako nito.Pero ramdam ko ang mga lungkot sa mata nito.

"Ikaw ba si Zhayi?" tanong nito.Taka ko naman itong tiningnan.Nagtataka ako kung bakit nya ako nakilala.

"Kilala nyo po ako?" takang tanong ko.

"Syempre naman iha.Lagi lang naikukwento sa akin ng anak ko.Lagi kang bukambibig ni Hanz."

"Po?Si Hanz?" hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.Natatakot na hindi ko maintindihan.

"Oo iha.Maraming salamat dahil naging masaya ang anak ko kahit sa ilang sandali ng taning sa kanyang buhay." hindi ko maproseso sa utak ko ang lahat ng sinabi nya.Ayaw kong tanggapin.So?Hindi para sa birthday ang kandila na iyon?Kundi para kay Hanz?

"Patay na sya iha.Dalawang araw nang nakakalipas.Wala na sya.Iniwan na nya tayo.Kasabay ng mga luhang umagos sa kanyang mata ay sya ring pag ihip ng malakas na hangin na naramdaman kong dumampi sa balat ko.Hanggang sa umagos na lamang ang likido sa aking mga mata.

Wala na si Hanz.

Wala na ang lalaking minahal ko sa sandaling panahon.

Wala na ang lalaking minahal ko ngayong summer.

Panandalian lang ang lahat.

Parang syang isang bubbles o bula na naglaho lamang bigla.

Paalam Hanz.

•••••THE END•••••

****joyayihan****


My Bubble Summer HanzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon