Day 061. Pagkatapos ng araw na 'yan hindi ko inaasahan na magtatapos na rin pala ang ugnayan naming dalawa.
Pagkatapos nya kong igreet ng gano'n, pagkatapos nya kong bigyan ng pag asa bigla na lang syang mawawala ng parang bula. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng bigla na lang nag dissappear yung account nya
Gano'n ako kadaling kalimutan? Gano'n ako kadaling ipagsawalang bahala?
Kung crush nya talaga ako edi dapat gumawa sya ng paraan para mag kausap kami!
Ang tanga mo din kasi, keziah. Nagpaniwala ka sa sinabi nya. Malay ko bang baka trip nya yung sinabi nyang 'yon
"Pass your paper" rinig kong anunsyo ng guro namin. Napalingon naman ako sa katabi ko na agad agad ipinasa sa harap ang papel nya
Nilingon ko naman yung papel ko na kokonti pa lang ang sagot
Nesfruta naman oh! Dali dali kong sinagutan yung mga numerong blangko. Bahala na kahit hula hula ang mahalaga maganda ako este may sagot ako
"Keziaaaaah!"
Pinasa ko muna sa harapan yung papel ko bago ko lingunin yung tumawag sakin. Si Dei
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Umiling sya sabay sabi ng..
"Wala lang, gusto lang kita tawagin HAHAHAHAHA tulala ka kanina eh"
Binato sya ng nilukot kong papel kanina. Tatawa tawa lang syang tumingin sakin, minsan di ko talaga alam kung may saltik 'to eh
"So, bakit ka nga tulala?"
Nagkibit balikat lang ako. Wala syang alam. Wala akong pinagkwentuhan tungkol kay Zach eh. Nag hihinala din sya noong lagi akong nakangiti habang nag cecellphone na may jowa na daw ako tas wala man lang daw akong kinikwento sa kanya. Ewan ko ba, di ko lang talaga naisipang ikwento
Tumayo sya sa kinauupuan nya at niyakap ako mula sa likod
"Nagtatampo na talaga ko sayo, di mo ko kinikwentuhan. Kala ko ba bestfriend tayo" bulong nya sabay nguso at mas lalong hinigpitan yung yakap nya sa leeg ko
Nginitian ko sya
"Dei sino ba may sabing bestfriend tayo? HAHAHAAH" nang aasar na sabi ko
Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at pumunta sa harap ko
Nagpapadyak sya sa sahig na akala mo bata
"Bestfriend kaya tayo!" Sabay irap sakin na nagtatampo
Tinawanan ko sya. Aasarin ko pa sana sya kaso biglang pumasok yung isa naming guro kaya napabalik sa inuupuan si Dei
Yumuko na lang muna ko sa desk ko para mawala sa isip ko yung uniisip ko kanina
"Good morning, Class. Today, before we proceed. I want you to meet your new classmate. As you can see nasa kalagitnaan na tayo ng school year pero nakapag nagtransfer pa sya dito. Mr. Montero kindly come here" Anunsyo ni Mrs. Reyes
O.o
o.O
O.O
What the!
Kaapelyido lang naman nya siguro 'no?
"Zach Montero"
Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalan nya.
Dahan dahang napa angat ang ulo ko para makita sya