HIDDEN ME

24 9 7
                                    

Nakatingala ako sa isang puting kwarto. Ako lang mag-isa at wala akong ibang magawa kundi ang maupo at manahimik. Halos mabaliw na ako sa kakapokpok kanina sa pinto pero wala paring nagbukas sa'kin. Paulit-ulit nalang ang ginagawa ko. Tatayo tapos kakatok sa pinto at kapag napapagod na ay uupo ulit pagkatapos naman ay pupunta sa maliit na bintana at sisigaw ng tulong. Halos ma ubos lahat ng boses ko sa kakasigaw pero wala paring taong tumulong sa'kin.

"Please help me!!" Mangiyak-ngiyak at malakas na sigaw ko. Halos wala na akong lakas sa kakasigaw ko, kaya pinili ko nalang ang mahiga sa maliit na kama at doon umiyak ng umiyak. "Please someone help me" piyok at mahinang sabi ko.

"Why are you crying?" Halos tumalon ako sa tuwa ng may taong nagsalita sa likod ko, sa wakas may tutulong din sa'kin.

Mabilis akong lumingon na may ngiti sa mga labi. "Adrian?". Tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ako makapaniwala na sa wakas nandito na sya sa tabi ko."I'm glad your here" pabulong na sabi ko sa tinga nya.

"Shh, I'm always here for you, babe" hinimas himas nya ang likod ko, pilit akong pinakalma.

"Babe, someone kidnapped me, im scared" ngumiti lang sya at patuloy paring hinimas-himas ang likod ko. Pakilagay ko ay ligtas ako sa mga bisig nya. Pinakiramdam nya sa'kin na habang nandito pa sya ay ligtas ako.

"Aalis na tayo dito babe" tumingala ako para magkapantay ang mukha namin. Pero hindi sya sumagot kaya kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at hinila sya papunta sa pinto. Pag-bukas ko ay naka luck parin ito. "No way," mahinang usal ko. Hindi ito maari, dapat na kaming maka alis dito.

"We can't babe" hinila nya ako para iupo sa kama at kinuha ang tubig na nakalagay sa maliit na misa na katabi lang sa kama at pina-inum sakin.

Pagkatapos ay inalayan nya akong mahiga at hinalikan ako sa ulo. "Sleep tight babe".

Unti-unti kung pinikit ang aking mata at hindi ko namalayang makatulog.

PAGMULAT ng aking mga mata kaagad kung hinanap si Adrian pero wala na sya sa tabi ko. Naghihinayang akong huminga ng malalim at umupo sa gilid ng kama. Nandito parin ako sa isang puting kawarto at ako lang mag-isa. Medyo napansin kong nagugutom na ako kaya nagpalingon-lingon ako sa paligid. Salamat sa diyos at may pagkaing nakalagay sa lamisa.

Mabilis kong naubos ang pagkain, masarap kasi. Hinimas-himas ko ang aking tiyan kasi sobrang busog ko. Iinom na sana ako ng tubig nang may napansin akong gamot na katabi nito. Siguro gamot ito pampatulog para mawalan ako ng malay. Kinuha ko ito at tinapon sa maliit na bintana. Katamtaman lang ang laki ng bintana kaya hindi ako makatakas. Ulo ko lang ang mapasok doon kaya hindi talaga ako makakalabas gamit ang bintana.

Nahiga ako sa kama at nagbabakasakaling pupunta dito si Adrian. Pero ilang oras na akong naghintay pero wala paring Adrian ang dumating.

Napagdesisyonan kong matulog muna at baka mamaya pa sya makakapasok dito. Malapit na sana akong makatulog ng may mahinang yapak nang paa akong narinig kaya mabilis akong bumangon at lumingon.

Nagning-ning ang aking mga mata sa aking nakita at mabilis akong tumayo at yumakap sa kanya "Where were you babe? Kanina pa kita hinihintay" nagtatampo kunwaring sabi ko.

"Somewhere, babe" inihilig ko ang aking ulo sa balikat nya at huminahon. Gumalaw naman sya at ginantihan nya ako ng yakap. " ininom mo bah ang gamot babe?"

Iniling-iling ko ang aking ulo at nanatiling nakayakap sa kanya.

"Good, wag mo yung inumin babe kung gusto mong makasama mo pa ako. Promise me"

HIDDEN ME (One-shot Story)Where stories live. Discover now