Void

102 8 6
                                    

Jackie's POV

Kakahiga ko lang sa kama ko nung biglang may magtext saakin.

Hindi naka-save yung number kaya napakunot noo ako habang binabasa yung message.

"Kumain ka na ba?"

Mejo malakas na basa ko. Takang taka naman ako dahil alas-diyes na ng gabi. Sino naman kaya ang biglang nagkainterest sa pagkain ko?

Si Tom ang agad na pumasok sa isip ko. Yung makulit kong katrabaho pero nasa ibang team siya ngayon. Pinagtitripan nanaman yata ako nun gaya nung minsan na tumawag siya habang nasa Europe tapos kunwari eh HR siya ng isang malaking airline company na pangarap kong pagtrabahuhan.

Naisahan niya ako dun ng big time at hindi pa ako nakakabawi.

Agad akong tumipa mg reply habang pangisi-ngisi.

Hindi ako magpapa-goyo ngayon sa ugok na to.

Sino to?

Tanong ko lang. Dumapa ako sa kama bago yun sinend. Inabot ko mula sa side table yung librong binabasa ko kasunod naman ng pagpasok ni Madc sa pintuan.

Hindi ito magsalita kaagad pero naramdmaan kong dumeretso ito sa kabilang side ng kama at tahimik na umupo lang dun.

Sinulyapan ko siya at agad akong napabalikwas ng upo nung makita na umiiyak ito.

"Hala! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?"

May halong pag-aalalang tanong ko bago maayos na umupo sa tabi niya, niyakap siya saglit bago hinaplos ng marahan yung likod niya na lalo lamang nagpaiyak sakaniya.

Mag-iisang taon na kaming housemates ni Madc na nakilala ko lang din nung interview sa trabaho.

Sabay kaming nagtraining pero magkahiwalay kami ngayon ng team.

Hindi ko din alam kung bakit ako nilagay kay Captain Viceral kasi sabi sa bali-balita, ayaw daw nun ng papalit palit ng crew.

"Nag-away nanaman kami ni Aries eh. Tapos nakipag-hiwalay na siya saakin."

Humihikbing sabi ni Madc bago isinubsob ang mukha sa mga palad niya. Marahan ko naman siyang hinaplos sa likod.

Wala namang bago sa scenario na to kasi halos every month mula nung naging sila ay away-break-bati lang ang ginagawa nilang dalawa.

Natuto nalang din ako na wag na lang makialam. Kaya na nila mga sarili nila.

"Tahan na. Mamaya lang anjan na din yun, sinusuyo ka na ulit."

Sabi ko sabay sulyap sa phone ko na nasa ibabaw ng kama. Pasimple ko yung kinuha habang hinahaplos pa din ang likod niya.

Binuksan ko yung message na nareceive ko.

"What the f--!!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko sa nabasa kong mensahe.

Boss mo 'to. Captain JM. So, ano nga? Kumain ka na ba?

Gusto kong lamunin ng lupa ng mga oras na yun sa hiya.

Sumisinghot singhot na napatingin saakin si Madc kaya pilit akong ngumiti tapos binitawan na ang phone. Inayos ko yung buhok niya na nakatakip ang kalahati sa mukha niya bago nagsalita.

"Bes, maniwala ka sakin. Mamaya lang anjan na yun, susuyuin ka na ulit."

Sabi ko pero mukhang hindi na yun ang laman ng isip niya. Sinulyapan niya yung phone ko bago kunot noong nagtanong.

Ad AstraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon