Mighty One: Chapter 1

47 13 3
                                    

AMEISHA'S POV

"M-ma! Pa!" Sigaw ko sa kanila habang papalayo sila sa akin. Umaagos ang luha sa aking mga mata habang tumatakbo papalapit sa kanila. At parang mga bula, bigla nalang silang nawala.

~~

Ako nga pala si Ameisha Reyes. 14 years old and a simple student who was abandoned by my parents and now living alone. At may speech disorder. Alam nyo yun? Hahahahahahaha-haha!! Nauutal ako kapag may kausap ako.

I have a speech impairment which has many types and mine is the stuttering.

'A/N: Stuttering is a disruption in the fluency of an individual's speech, which begins in childhood and may persist over a lifetime.'

But I only stutters when I am talking to someone, kapag ako lang mag-isa hindi ako na-uutal hehe. Parang sa communication lang nang ibang tao ako na-uutal.

~

"That would be 300 pesos maam" sabi sa akin ng casheir habang bumibili ako ng mga pagkain. Agad ko namang ini-abot sa kanya ang aking bayad at sinuklian nya ako. Sakto namang pagkalabas ko ng convenience store, ay agad na umulan. Pumunta ako sa gilid at nagpasilong.

Biglang bumalik sa akin ang aking mga ala-ala na pilit kong kinakalimutan.Sa lahat ng mga ala-ala na gusto kong makalimutan, bakit hindi ko makalimutan ang aking nakaraan? Nakita ko ang aking sarili sa ulan. Maliit pa lang ako at bata pa. Umuulan iyon nung araw na iniwan ako nila mama. Pag katapos nang divorce nila... at ang biglaan pag wala ni papa...

Masakit man sabihin, pero iniwan at inabandona ako ni papa nung araw na iyon. Agad na tumulo ang aking mga luha na pilit kong pinipigilan. Pero masaya pa rin ako. Kasi kahit papaano, may kasama akong umiyak ngayon. Kasi ang langit ay nadadarama ang aking mga hinanakit.

Umupo ako sa gilid at niyakap ang aking mga tuhod. May narinig akong mga yapak ng mga paa, ini- angat ko ang aking ulo at may nakita akong matanda na nakaharap at tumitingin sa akin.

"Maliit na binibini, bakit ka umiiyak?" Inilahad niya ang kanyang panyo sa akin at ngumiti. "Wag ka nang umiyak at pahirin mo na ang iyong mga luha. Ang ganda mo pa naman, bakit ka umiiyak?" Kahit na matanda pa rin sya, ang bait nya.

Ngumiti lamang ako sa kanya at kinuha ang panyo na kanyang inilahad sa akin. "W-wala p-po." Ngumiti ako at pinahid ang aking mga luha. Yumuko ako at kinuha ang isang pirasong tinapay na binili ko kanina.

"B-baka nagu-gu-gutom p-po k-ka-yo. S-sa iyo na p-po it-itong t-tinapay." Sabi ko at inilahad ang isang piraso nang tinapay sa kaniya. Ngumiti sya at kinuha iyon. "Salamat at napakabait mo."

Biglang nakuha ng atensyon ko ang libro na hawak nya. Makapal ito, maluma at may alikabok na pero hindi pa rin nawala ang kagandahan nito.

Napansin nya yata ang pag titig ko sa libro kaya napatingin din siya sa libro at kinuha ito.

"Ah, gusto mo?" Sabi nya sa akin habang inilahad ang libro sa akin.

"W-wag na po.."

"Sige na, kunin mo na at para may mabigay ako sa iyo kapalit nang iyong kabutihan." Inilahad niya ang libro sa aking at kinuha ko iyon.

"B-baka po i-importante ito sa i-inyo?" sabi ko, at hindi niya ako sinagot at binigyan nya lang ako ng ngiti.

Ngita na parang 'accomplishment'

Nagtaka naman ako at,binuksa yung libro, pagkabukas ko nito, bigla itong nagliwanag. At biglang nagdilim ang aking paningin.

3rd person's POV

The Mighty OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon