Itong tula't kantang nais iparating,
Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin,
Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin,
Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin,
Sa mundong ibabaw mga tao ay iba-iba,
Simula't sapul musmos na isip ay di alintana,
Ang biyayang binigay sakanya ng Panginoon,
Sa kanyang palad palagi mga dasal ay may tugon,
Tila ba sa bawat pag-awit nagmula sa puso,
Ngiti sa mga labi pagtapak ng entablado,
Mga taong binubulong sinisigaw kanyang pangalan,
Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas para bang may kapalit at magulo ang dinaranas,
Dating buhay, Ang simpleng pamumuhay,
Kung di lang sa pangarap na nabibigay na kulay...
[Chorus:]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon,
Maraming tatahakin sa bawat yugto,
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo,
Tao lang naman ako na tulad mo...
Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa parang panaginip
ang lahat ika'y sagana ngunit hindi kayang iwasa ang mapanghusgana para bang tuwang tuwa kapag ika'y nadarapa...
At minsan tinamaan nga naman ni Kupido,
Para bang nasa langit subalit naging komplikado,
Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa,
Paulit-ulit ang tanong, Sino ba ang nagkasala...
Nagtiwala kasalanan bang damdamin ay tapat,
Yun ang akala ako pala'y hindi parin sapat,
Damang-dama, Mga sugat mahirap mawala hanggang sa pumatak nalang ang mga luha sa lupa,
Na tila ba, Nabubulagan, Bakas ang nakaraan,
Na di na dapat balikan sa laki ng kamalian,
Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo,
Tao lang naman ako at DAKILANG MACHO!...
[Chorus x2]