Kabanata 1

2 0 0
                                    

Lumabas ako ng comfort room at nagtungo na sa studio para puntahan si Drake, ang ka fling ko.

Kahit na fling lang kame eh matagal na akong may lihim na pagtingin sakanya.

Dinaan ko sa pagiging fling ang pagkagusto ko sakanya. Dahil kung malalaman niyang may gusto ako sakanya ay baka layuan niya ako dahil hindi ako sport na babae.

Parang tambol ang puso ko ng tumapat ako sa studio nila. Si Drake ay isang dancer, siya ang laging nasa gitna dahil magaling talaga siyang sumayaw.

Mahigit anim na buwan na kameng fling, iniisip ko na baka sa tagal namin ay baka nga nahulog narin siya sakin. Tatagal ba kame ng ganito kung wala siyang nararamdaman sakin diba?

Binuksan ko ang pintuan ng studio at nakita ko siyang nagpupunas ng pawis. Napadako naman ang mga mata niya sakin at pinalapit ako sakanya.

"Bakit ang tagal mo?" Nakangusong tanong niya. Nakaupo siya ngayon at ako ay nakatayo sa harapan niya. Niyakap niya ang beywang ko at isinandal niya ang ulo niya sa tiyan ko.

"Sorry nagpalit pa ako ng damit." Kinuha ko ang towel sa kamay niya at pinunasan ang pawis niya sa likod

"Tara sa labas tayo" Pag anyaya niya sakin sa labas

Paglabas namin ay ginawaran niya agad ako ng halik. Kinagat ko ang labi ko at hindi ko na makapa ang sasabihin ko. Ang tagal kong inisip itong sasabihin ko sakanya at pinagmukha kog tanga ang sarili ko sa salamin para lang sa sasabihin kong ito.

Tumingin ako kay Drake nang may pag aalinlangan

"Ahhh Drake" Nalilito talaga ako kung sasabihin ko ba o wag na. Nanatili akong titig sakanya. Kinagat ko ang labi ko at napagdesisyonan na sabihin na sakanya.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Drake-" naputol ang sasabihin ko dahil may kung sino ang humawak sa aking braso. Bigla niya akong hinila at niyakap.

"Shit baby, Nag alala ako sayo. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo sinasagot. Akala ko kung napano kana sa comfort room. Bakit hindi ka ba kase nagpaalam?" Tuloy tuloy na lintanya ng lalaking ito habang nakatitig sakin. tinignan niya lang si Drake at nagsorry.

Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon. Tinulak ko siya.

"What the heck?!" Sigaw niya

"Bakit ba? Sino kaba? Pakealamero ka rin eh no! Happy ending na sana eh, may label na sana eh! Epal kapa!" Ginulo ko ang buhok ko at inapakan ang paa niya

"Are you asking who am i? well lemme introduce myself, Im Charles Cardinal. Ang handsome singer ng school na ito. Nakakainsulto na hindi mo ako kilala, at lalong nakakainsultong pinagtangol na kita mula sa sakit na mararanasan mo pero inapakan mo pa ako!" At umalis na siya sa harapan ko

Syempre hinabol ko sya at kinonyatan ng malakas. Nilingon niya ako at ngumiti lang ako.

"Bwiset ka dahil sayo nasira ang lahat" pagtataray ko sakanya

Nakahawak siya sa ulo niya at dinama ang hagupit ng galit ko.

"Your just his fling
Nilandi ka lang pero hindi minahal." sinuklay niya ang buhok niya bago lumayas sa harap ko

Para akong sinampal na fling lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DivergenceWhere stories live. Discover now