My Enchanted Fairytail

70 4 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Bakit parang ibang lugar ang nakikita ko at hindi ang mansion namin? Tumayo ako para suriing mabuti ang lugar. Napakaganda niya. Napupuno ng iba't ibang uri at kulay ng mga halaman at bulaklak. Ano kaya ang lugar na ito?

" Sino ka? At ano ang ginagawa mo dito? " tanong ng isang malalim na boses. Teka, may tao! "Huh? Ako ba ang tinutukoy mo? " sabay turo sa sarili. Biglang kumunot ang noo niya at dahil doon, mas lalo syang gumwapo. " Oo, ikaw lang naman ang nakikita kong tao dito. " tugon niya.

Pangalan ko ang tinatanong niya hindi ba? Pero, hindi ko maalala. Naaalala ko ang ibang detalye sa buhay ko pero bakit hindi ang pangalan ko? " H-hindi ko maalala ang pangalan ko. " mahinang sagot ko sa lalaki. Tumitig siya sa mga mata ko pagkatapos kong sabihin na hindi ko maalala ang pangalan ko. Bakit? Meron bang mali sa nasabi ko?

" Naiintindihan ko. " huh ? Ano ang naiintindihan niya? Na hindi ko maalala ang pangalan ko? " Delikado ang lugar na ito. Sigurado naman ako na ngayon ka pa lamang nakarating dito base sa kasuotan mo." Anong mali sa suot ko? Isang pares ng school uniform lang naman ang suot ko, ah? "At dahil hindi mo maalala ang pangalan mo, Franzelle muna ang gagamitin mo. At dahil ako ang nakakita sa'yo dito, responsibilidad na kita ngayon. " sabi nya gamit ang isang maotiridad na boses. Tahimik na lamang akong napatango. Naglakad na ang binata na kausap ko kaya patakbong sumunod ako sa kanya. " Saunder, Saunder Perez ang pangalan ko. " Saunder ? Ang gwapo naman ng pangalan nya. Kasing gwapo ng mukha at boses nya. Teka lang, hindi kaya nananaginip lang ako? Kinurot ko ang aking sarili para alamin kung panaginip ba ito o hindi. Aray ! Ang sakit! Hindi nga ako nananaginip! OME! As in Oh-My-Enchanted! Nasaan ako?!

A/N: Hello guys! This is my first story on wattpad so please support. I'll try my best to be good in writting. Ma-appriciate niyo sana to.

-Miss Jane

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Enchanted FairytailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon