(One Shot)

32 3 0
                                    

WAA ACTIVITY

Buong buhay ko isa lang naman ang hiling ko, ang mahalin ako ng taong mahal ko. 'Yon nga lang, malabo pang magkatotoo. Isn't it obvious, he doesn't even know na nag-e-exist pala ako sa mundong ibabaw. Well, sadyang ganoon nga ata talaga ang life, hindi lahat ng gustuhin mo mapapasayo at hindi lahat ng hilingin mo magkakatotoo.

Ako nga pala si Rock, well hindi porque Rock ang pangalan ko, ibig sabihin matigas na ang puso ko. Well, sabi kasi ni Mother kaya Rock ang pangalan ko kasi gusto niya ay maging sing tibay ng bato ang pagkatao ko, 'yon nga lang naging sing tigas naman ata ng bato ang mukha ko. Well, what should I do, medyo nasobrahan lang ako ng tiwala sa katawan, pero kaunti lang naman. 'Yon nga lang, pagdating sa taong gusto ko, tiklop ako at lahat ng lakas ng loob na inipon ko ay natatapon tuwing nakikita ko siya.

Siya si Philip, ang taong pinakamamahal ko, well alam na nga yata ng lahat 'yan siya na lamang ang hindi nakaaalam. 'Di ko alam kung manhid ba ang isang iyon o sadyang tanga lang nang kaunti. Sabagay, para nga pala sa kanya invisible ang presensya ko. Ano pa nga ba ang aasahan, kasalanan ko rin naman. Pero wala naman akong pinagsisihan ukol sa bagay na 'yon, mabuti nga 'yon at natauhan 'yong siraulong 'yon.

Philip happens to be my best of friend before, kasama sa lahat ng kalokohan, kadamay sa lahat ng problema, pero ngayon kinamumuhian na niya ako at itinuturing na anino. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin sinusukuan 'yang si Philip, mahal ko kasi siya, e. Sobra!

"Rocky!" wait tinatawag na ako ng monster boss my love ko.

"Yes sir, nandyan na po."

"Nakausap mo na ba ang manager ng hotel para sa gaganaping event this coming month?" Kita mo 'tong lalaking 'to, bastos ring kausap. Ano ako kaluluwa, halimaw may nakakahawang sakit, ni 'di man lang ako magawang tingnan tuwing kinakausap ako? Banatan ko kaya ng isa 'to, baka sakaling pansinin ako.

"Opo, sir Philip. Actually, nagpapa-set nga po siya ng meeting sa inyo. And sabi ko po, this Friday ang araw na pinakamaluwag kayo." Nakakainis talaga ni hindi man lamang ako tapunan ng tingin. Sasabunutan ko na talaga 'tong lalaki na 'to.

Hay, ano bang gagawin ko sa'yong Philip ka, anak ka talaga ng mga magulang mo. Kung pwede lang manakit ng boss, nasaktan na kita.

"May kailangan pa po ba kayo sir?" tanong ko sa kanya, kasi naman hindi na siya muling kumibo.

"Wala na, makakaalis ka na," wika pa niya na hindi man lang talaga ako nakuhang tapunan ng tingin. Ano bang problema ng lalaking 'yon, ang lakas talaga ng tama sa utak? Pag ako nainis, hahalikan ko siya nang matauhan siya.

Kung tutuusin, 'di ko rin lubos akalain na magbabago ang pakikitungo sa'kin ng abnormal na lalaki na 'yon. Kasalanan ko ba na napurnada ang panliligaw niya noon sa kaklase niya noong college kami? Kasalanan ko rin ba kung palagi siyang nabibisto ng mga babae niya? Well, it's all his faults, aba sawa na nga akong pagtakpan ang mga kababalaghan niya. Sawa na nga akong masaktan tuwing nakikita siya sa piling ng iba. Alam mo 'yong para kang paulit-ulit na tinatarakan ng kutsilyo sa puso dahil sa sobrang sakit. Pero ni minsan, hindi niya nalaman 'yon. Kasi nga tanga at manhid ang siraulong lalaki na 'yon.

Hay, 'di ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako higit na mas nagpapakatanga sa kanya. Kung may manhid at tanga nga siguro sa'ming dalawa, ako 'yon. Ang tanga ko kasi, ang dami naman diyang iba, bakit pinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Na kahit na tila ako hangin o multo sa paningin niya, ayos lang basta nakikita at nakakasama ko siya.

"Rocky!" Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon. Nasan na ba 'yon?

"Yes sir, nandyan na po." Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya. Gaya pa rin nang dati, well ano pa bang aasahan ko sa isang ito.

"Nakausap mo na ba ang manager ng hotel para sa gaganaping event this coming month?" tanong ko sa kanya, habang ang atensyon ko ay nasa magazine na binabasa ko. Ewan ko ba, tuwing nasa malapit siya bumibilis ang tibok ng puso ko, ni 'di ko nga rin magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya Oo, gusto ko siya...sobra. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko siya kayang bitawan, lalong hindi ko siya kayang saktan. Pero alam ko sa sitwasyon namin ngayon, doon pa lang, nasasaktan ko na siya.

Sabi nila, love is all about sacrifice, if you really love that person kahit gaano kasakit palalayain mo i'ya. Alam ko kasi na kung magiging kami masasaktan ko lang siya. Rocky deserve someone much better than me, 'yong hindi siya sasaktan at lolokohin.

Maybe, I am a big coward and an idiot one, but what should I do, hindi ko kayang isakripisyo kung ano ang mayroon kami ngayon kasi baka pati iyon mawala. Nawala na nga ang pagkakaibigan namin, baka sa pagkakataong ito pati siya, mawala na rin sa'kin, kaya kahit na masakit at mahirap sa kalooban ko, I am just pretending na she didn't exist in my world, though I do really feel her presence. Ang hirap palang mag-pretend sa harapan ng taong mahal mo.

"Opo, sir Philip. Actually, nagpapa-set nga po siya ng meeting sa inyo. And sabi ko po, this Friday ang araw na pinakamaluwag kayo."

Rocky, pwede ba h'wag mo akong titigan at baka malusaw ako. Saka isa pa, pwede kahit isang saglit, tanggalin mo muna ang atensyon mo sa'kin. Ang daya mo naman, puro ikaw na lang ang nagpapasasa sa itsura ko, samantalang ako ni hindi man lamang makanakaw kahit na isang sulyap sa'yo.

Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon, kung pwede ko lang burahin ang mga alaala mo at palitan ng ibang alaala. Siguro nga hanggang doon na lamang ang lahat at hindi na maibabalik pa ang bagay na nawala na. Ang tanga ko kasi, nagpaloko ako kay Kara. Bakit ba hindi ko nakita na gusto lamang niyang siraan si Rocky. Ang tanga ko kasi, lagi kong dinadamay sa mga escapade ko si Rocky. Pero wala na naman akong magagawa, nangyari na ang lahat at huli na para itama ko pa.

"May kailangan pa po ba kayo, sir?"

Oo, kailangan kita. Kailangan kita sa buhay ko Rocky.

"Wala na, makakaalis ka na." Pero kung pwede lang h'wag muna.

Rocky, para kang bitwin sa langit abot tanaw ko nga, 'di ko naman mahawakan. Isa lang naman ang hiling ko, ang mahalin mo rin ako at matanggap ang buong ako. Pero sa ngayon, alam kong malabo, pagkat hindi ako karapat,-dapat sa isang katulad mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon